Chapter 4

284 12 4
                                    

Chapter 4

Buong weekend, magka-text kami. Ang sarap niyang kulitin eh. Hahaha! Grabe nga eh. Masyado ko yatang na-enjoy ‘yung tawagan namin. Haaay. Sana totoo na lang ‘to.

Monday na naman. May pasok na naman. Makikita ko na naman siya!! Hahaha! Masasabi ko na isa siya sa mga dahilan kung bakit ako pumapasok sa school. Bakit ba? Kapag nakikita ko siya, nai-inspire ako eh. Hahaha!

*flash*

May kidlat?!?

Joke. May nagpicture lang pala. Tsk. Grabe naman. ‘Di sila nagsasabi. Baka nakita ako dun tapos pangit ‘yung pose ko. Joke. Kahit anong angulo nga pala, gwapo ako. Hahaha! Joke lang!!

“Steph! Picture!”

*flash*

Ganda talaga ni Steph. Ewan ko ba. May something sa ngiti niya eh. Tapos parang kumikinang pa ‘yung mga mata niya. Wow. Parang anime lang ah! Hahaha!

Syempre, papahuli ba ako. May camera eh. Dapat may picture kami nang Babe ko.

“Kami naman ng babe ko. Pa-picture!”

Hinila ko siya papalapit sa akin.

*flash*

“Isa pa!”

‘Di ako nakuntento, ano? Hahaha!

*flash*

Nilapitan ko ‘yung classmate ko na may hawak nung camera. Sa unang picture, normal na ngiti lang. Parehas kami. Nuks. Bagay kami oh!! Hahaha! Asa ka, men. Tss. Sa pangalawang picture, nag-baboy face siya. Hahaha! Babe na babe eh! Hahaha! Ang cute-cute niya talaga!! Hmmm… ma-DP nga ‘to mamaya. Kileeeg. Hahaha!

Nung pabalik na ako kay Steph… tsk. Si Sam…

Nakatingin.

“Ui, babe. Nakatingin siya.” Hinatak ko siya papalapit. Yup. Ang landi ko, ano? Sorry. Hahaha! “Kunyari sweet tayo.”

“Kailangan ganito tayo ka-close?”

“Para mag-selos talaga siya.” Totoo naman eh. Pero… chancing na rin ‘to ano! Oyy. ‘Di ako manyak ah!

“O-kay?”

Nabadtrip si Sam. Hahaha! Laptrip!! Joke. Sorry naman. Ang sama ko yata. Hahaha! Pero gumana ‘yung ginawa ko eh!

Bumitaw na ako kay Steph. Ako na lang ‘yung naunang bumitaw kasi baka isipin niya na gustong-gusto ko talaga siyang hawakan. Tsk. Sana nga isipin niya ‘yun. Hahaha! Joke lang!!

“Pwede na kayong umakyat.” Sabi nung Guidance Counselor namin.

Magpapaka-gentleman na ako ngayon. Para maging kapani-paniwala ang deal namin. At para, sana, isipin niya na gusto ko siya. Tsk. Sana naman nararamdaman niya na parang iba ‘yung treatment ko sa kaniya. Hindi lang dahil sa deal. Kundi dahil mahal ko siya.

“Akin na ‘yang bag mo.”

“B-Bakit?”

“Para isipin niya na sweet tayo.”

“Okay…”

Binigay niya na sa akin ‘yung bag niya. Tamo. Ayaw niya pa ibigay sa akin. Ang bigat-bigat kaya!! Kung araw-araw niya ‘tong dinadala, kawawa naman siya. Tsk tsk. Buti na lang nagpaka-gentleman ako. *wink*

I Remember It All Too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon