Chapter 7

209 7 5
                                    

Chapter 7

“Tara, Babe. Canteen tayo. Libre kita.”

Ganyan naman ‘yan si Steph eh. Sasama lang kung ililibre mo siya. Joke! Hahaha!

“Tara!”

‘Di namin break time. Trip ko lang siyang yayain bumaba. Nakaka-bore din naman kasi sa loob ng classroom. Wala man lang nagaayang maglaro ng ganito, mag-usap ng ganito, etc. Sana maisip nila na mag-open forum na lang kami. Kapag nangyari ‘yun, aaminin ko na talaga lahat kay Steph.

Ang hirap kasing maghanap nang tamang timing eh. Kapag gusto ko na, biglang may mangyayaring… ewan. Basta. Mali lagi ‘yung timing ko.

“Ano gusto mo, Babe?” Syempre, sasabihin niya ako ‘yung gusto niya. Pero, syempre, joke lang ‘yun.

“Ikaw.” ‘Di ba. Sabi ko naman sa inyo na hindi niya—Ano daw sabi niya?! Ako daw ‘yung gusto niya?! Si Steph ka ba talaga?! What kind of sorcery is this?! Hahaha! Kilig kilig din Thom kapag may oras.

“Alam ko naman ‘yun Babe eh. Hahaha!” Ang kapal lang nang mukha eh. Hahaha! “‘Di nga. Ano?”

“Kahit ano na lang.” Kahit ano? So, kung ibibigay ko ‘yung pagmamahal ko, ayos lang? Syempre, joke lang. Makapila na nga. Daldal ko eh. I mean, ang daldal ng utak ko. Pwede ba ‘yun? Hahaha!

“Okay.”

Pumila na ako pero palingon-lingon pa rin ako kung san nakatayo si Steph. Break time nga pala ngayon ng mga first year. Baka lang kasi maghimagsik si Sam. Nako. Lagot ‘yun sa akin.

“Oh, I’m really sorry. May natira pa yata oh.”

Teka. Boses ni Sam ‘yun ah. ‘Wag mong sabihin na nandiyan siya? AT lalong ‘wag niyo ring sabihin sa akin na ginugulo niya si Steph.

“Gee, thanks. Nauuhaw pa naman ako. Thank you for the juice. It’s worth it.”

Hindi niyo na pala kailangang sabihin.

“No problem.”

Bago pa makaalis si Sam, hinarang ko na siya. Sa tangkad kong ‘to, tingnan na lang natin kung makalusot pa siya.

“Ano ba talagang problema mo, ha?!” Sh!t lang. Napasigaw na lang ako sa galit… sa kanya.

“Wala.” Galing ah. ‘Di na siya tumakbo. ‘Di na siya takot. Very nice.

“Pwede ba. Tumigil ka na!!” Sinigaw ko ‘yun. Mas malakas pa sa sigaw ko kanina. Halos lahat nga nagtinginan sa akin eh. Tapos? Ang gagawin ko sa kanila. Magmukha man akong masamang tao sa mga mata nila. Pero may dahilan ako kung bakit ako naggalit rito at kung bakit ko sinisigawan ‘tong babaeng ‘to sa harapan ko. “Umalis ka na sa harap ko. Baka mabwisit pa ako sa’yo lalo.”

Tumakbo na siya papalayo. Sinabihan ko na siyang ‘wag na ‘wag niya nang guguluhin si Steph, pero hindi pa rin siya tumigil! Tangna lang! Ilang beses ko ba siyang kailangang pagsabihan?

“Tara na, Babe. May extra akong damit sa locker ko.”

--

Sinamahan ko siyang magpalit ng damit. Pero sa labas lang ako ah! ‘Di naman ako manyak eh! Binigay ko sa kaniya ‘yung isang white shirt niya na ginamit niya nung play namin nung Third Year pa yata ‘yun eh. Tapos pinatago niya sa akin for future use. Ewan ko lang kung naaalala niya pa ba na iniwan—este, pinatago niya sa akin ‘yung shirt na ‘yun.

I Remember It All Too WellWhere stories live. Discover now