Chapter 15

150 7 5
                                    

Medyo hirap po ako sa pagu-update. May pinagdadaanang konti eh. Lels. Hahaha! Tsaka nakikigulo ako dun sa group namin sa FB. Kailangan kong magkaroon ng friends sa college, guys. Hahaha! Enjoooooy~

Teka, may ishe-share lang pala ako. Kaya maikli lang tong update na to, if ever. Kasi yung mga batchmates ko po ay ginawang debate yung isang math problem. Since nga na mahilig ako sa math, di ako nagpapatalo. Ayun. Dahil dun nabulabog yung utak ko at nag-fly away yung dapat na ita-type ko sa update ko. Ang hirap nga nilang hulihin pabalik eh. Pero keribels pa rin. Lol. Hahaha!

Tapos nag-outing pa kami. Tsk. Hahaha! Wala pa nga po pala tong edit-edit. Share. Enjoy~

Mag-comment pala kayo guys! :3

--

Chapter 15

“Oh, anong nangyari?”

Tinapos muna namin ni Steph ‘yung pagtawa namin bago kami sumagot sa kaniya.

“Nagpunta dito si Sam.” Medyo nagulat siya sa sinabi ko. Takot na kaya siya kay Sam! Pagkatapos ba naman nung ginawa sa kaniya ni Sam. Tsaka, sino bang makaka-get over sa pagkakasipa ng Junjun niya, dba? Hahaha!

“A-Ah. O-Okay.” Oh, dba? Halatang takot pa rin siya. Hahaha!

Kumain na kami pagkatapos nun. Pinauna ko na maligo si Steph kasi maghahanap pa ako ng susuotin niya. Ang hirap kaya maghanap ng damit na maliit-liit na kaysa sa kaniya. Puro malalaki kasi ‘yung akin eh. Syempre ‘yung ka-size ko dba? Iniwan ko kasi ‘yung maliliit kong damit sa bahay. Buti na lang at lumabas ang pagka-mabait ni Christian at naisipan niya na magpahiram na lang ng damit niya. Medyo magka-height naman sila ni Steph eh. Syempre, mas matangkad ng kaunti si Tian. Ayun, isang Cookie Monster na shirt at isang maong na mukha namang kasya kay Steph yung nakalkal namin sa cabinet niya. Hahaha!

Err. Pano ko pala ‘to iaabot kay Steph? Hindi naman pwedeng lalabas siya sa CR na nakatapis lang, dba? Wala lang. Gusto ko nakadamit na siya paglabas niya sa CR. Ba’t ba? Mahirap kapag lalabas pa siya. ‘Yung underwear niya pala? Siya na daw bahala dun eh. Baka nga gamitin niya lang ulit ‘yung suot niya ngayon. *pouts* Medyo kadiri pero anong magagawa niya? Mas okay na ‘yun ano kaysa naman saw ala siyang suot! Tsk. Sana pala nagtago ako ng ganun dito in case of emergencies.

“Uhm… Steph?” Nandito ako ngayon sa tapat ng pinto ng CR. Err. Medyo kabado ako. Ba’t ba kayo? Hahaha!

“Yes?”

“Ito na ‘yung damit mo oh.” Bumukas ‘yung pinto at sumilip siya. Napatalikod na lang ako pagkasilip niya. Ewan ko ba. Automatic na eh. Err.

Narinig ko siya humagikgik. Nung nakuha niya na ‘yung damit, isinara niya ‘yung pinto. Kaso may gusto pa akong itanong eh. Err.

“Uhm… Steph?”

“Oh?” Sabay silip niya ulit sa pinto. Napatalikod na lang ulit ako. Medyo natawa naman siya sa akin. Err. ‘Di ko rin alam kung bakit eh. Basta!

“’Y-‘Yung u-underwear mo pala? Pano ‘yun?”

“Nilabahan ko ‘yung ginamit ko.” Nilabahan? Pano ‘yun? Basa pa ‘yun, dba? Err. Dami ko tanong, syet.

“E-Eh b-basa pa ‘yun, dba?”

“Syempre papatuyuin ko muna ano.” Sabi niya sabay hagikgik. Cute niya lang. Kahit ‘di ko siya tinitingnan. Hahaha!

“A-Ah. Sige sige.”

Naglakad na ako papalayo at umupo muna sa kama. Oo nga pala. Nandun pa rin ‘yung baril na ginamit ni Sam kanina. Anong gagawin ko dito? Err. Kailangan kong malaman kung pano nagkabaril si Sam. Imposible namang sa nanay niya ‘to, dba? Tsaka, para nang makumpiska na na kasi baka wala palang lisensya ‘yan.

I Remember It All Too WellWhere stories live. Discover now