Chapter 16

160 9 14
                                    

Di ko lang alam ah. Baka last na yung next chapter tapos epilogue na. It depends on the situation. Hahaha! Love you guys! Enjoy~ :*

--

Chapter 16

“Sabi nila, kapag mamamatay ka na daw, magfa-flashback daw sa’yo lahat ng mga masasayang araw mo noon.”

Nandito kami ngayon sa sakayan ng jeep. Ang tagal kasi ng mga jeep! Puro punuan kasi eh. Syempre, dahil mahal ko si Steph, ‘di ko siya pwedeng hayaan na lang mag-isa dba? Mahal ko nga eh. Kapag may nangyaring masama sa kaniya, ibig-sabihin, ‘di ko siya mahal.

“Naniniwala ka ba dun, Thom?” Hmm… naniniwala nga ba ako dun? Pero ‘yun kasi ‘yung madalas na nangyayari kapag may namamatay sa mga movies o sa mga teleserye. Tulad na lang nung nangyari kay Kris Aquino bago siya tumalon dun sa may papasabog na na helicopter nila. Napanuod niyo ba ‘yun? Kailangan Ko’y Ikaw ‘yung title nung teleserye. Sadly, tapos na ‘yung teleserye na ‘yun. Pero tulad nga ng sinabi ko, dun ko nakita ‘yung scenario na ‘yun.

“Hindi ko alam eh. Hindi pa naman kasi ako namatay eh.” Seryoso kong sabi sa kaniya.

“Loko-loko ka!” Sabay hampas sa akin. Ano bang loko-loko sa sinabi ko?

“Bakit? Totoo naman ah! Pano ko masasabi na totoo ‘yung kung ‘di ko pa naman nararanasan?” To see is to believe nga dba? Pano mo masasabi na totoo nga ‘yung ganung bagay? Pero pano mo rin masasabi na ganun nga ‘yun kung patay ka na pala? Joke. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay mamamatay ka talaga eh. Minsan muntik lang. Siguro dun, pwede mong masabi na naniniwala ka na dun.

“Oo na. Oo na. Ikaw na matalino. Bili lang ako dun ng makakain ah? Kakagutom eh.” Tumango na lang ako.  Ang takaw din nitong babaeng ‘to eh. Mana sa akin. Hahaha! Syempre joke lang ‘yun.

Ang saya-saya ko talaga kapag kasama ko siya. Kahit ano pang pag-usapan namin, kahit tungkol pa sa Math o sa Chem o sa Physics o kahit nga sa Values ‘yung pag-usapan namin, masaya ako. Kahit nga wala kaming pinag-uusapan eh, masaya na ako. Makasama ko lang siya, okay na ako. Wala eh. Mahal ko eh. Ano bang magagawa ko? Hahaha!

Maya-maya, bumalik na rin siya sa kinatatayuan ko. Wow. Lalim. Hahaha!

“Oh.” Sabay abot sa akin ng isang bananacue. Nakaka-miss ‘to. Tagal ko ng ‘di nakakakain ito eh. ‘Di naman nakakaluto nito si Mommy. Pero iba pa rin kasi ‘yung mga babanacue na tinitinda ng mga ale sa kalye. Pero ‘yung malinis ah! Kasi marami sila maglagay ng asukal eh. Adik pa naman ako sa asukal. Joke. Hahaha!

“Miss, ba’t ang ganda mo?”

“Baliw.”

“Sa’yo.” Nakita ko siya nag-blush. Seryoso ba ‘to? Kinilig ba talaga siya sa banat ko kahit na gasgas na ‘yun? Kinilig ba siya kasi galing sa akin ‘yun kahit na gasgas na ‘yung sinabi kong banat? Daldal ko ano? Pagpasensyahan. Hahaha!

“Push mo ‘yan.” Tapos tinulak ko siya. Pero ‘yung mahina lang ano! Hahaha! Natawa na lang kami sa kabaliwan namin dun sa may bangketa. Haay. Ang sarap ng pakiramdam kapag ‘yung mahal mo, katawanan mo lang. Wala eh. Sweet eh. Mababaw eh. Eh eh. Tae? Hahaha!

“Oh, dito na ako sasakay ah? Bye bye. Ingat ka.” Kumaway siya papalayo at sumakay na dun sa jeep na tumigil sa harap namin.

Alam niyo ba ‘yung feeling na sana ‘di na lang siya nakasakay ng jeep? Selfish man ang tunog pero gusto ko talaga siyang makasama eh, makatawanan, at kung ano-ano pa. Pareho naman kaming loko-loko kaya compatible kami sa isa’t isa. Sana tumigil ‘yung oras kahit saglit lang. Parang ‘yung nangyari dun sa Source Code nung hinalikan na nung bida ‘yung babae. Tapos ma-stuck na lang sana kami sa panahon na ‘yun. Ayoko ng magbago. Masakit kasi minsan ang mga pagbabago. Kaso sino nga ba ako? Tao lang ako. Hindi ako Diyos na kayang magdikta ng mga pwedeng mangyari. Kahit anong hiling ko, hindi naman matutupad ‘yun eh. Life goes on. It never stops just because a person left, or because you failed to do something or just because you just wished it stops right away. Life goes on. YOLO. Lol. Hahaha! Ang baduy ko mag-English. Ang baku-bako. Hahaha!

I Remember It All Too WellWhere stories live. Discover now