Author's Note

138 4 13
                                    

Author's Note:

Obviously, inspired ho itong story series(?) na to sa kanta ni Taylor Swift na All Too Well.

Hindi ko alam kung series ba to eh dalawang parts lang naman to. So hindi nga to series. Basta, yun na yun. Hahaha!

Okay. Medyo seryoso na dapat. *ehem* *ehem*

Maraming pwedeng maging ibig-sabihin ang isang kanta. Pwedeng masaya, pwedeng malungkot, pwedeng wild, etc. Kahit nga yung isang malungkot na kanta ay pwedeng maging masaya yung meaning eh. O kaya yung isang masayang kanta ay maging malungkot yung meaning para sa isang tao.

Depende talaga sa pinagdaanan ng tao o sa tao na rin mismo ang magiging ibig-sabihin ng kanta para sa kaniya. Kasi maraming pwedeng maging interpretasyon ang isang kanta para sa isang tao. Tulad na nga lang nila Steph at Thom.

Sa simula ng Part 1, naging malungkot ang ibig-sabihin ng kantang All Too Well para sa kaniya kasi naalala niya yung mga masasayang araw nila ni Thom. Pero sa pagdaan ng mga chapters, nag-iba ang ibig-sabihin ng kanta para sa kaniya. Nung dumating si Paul/Eldrin sa buhay niya, naging isang awitin tungkol sa pagmo-move on ang All Too Well.

Sa simula naman ng Part 2, malungkot rin ang naging ibig-sabihin ng kanta para sa kaniya. Tulad nga ng kay Steph, naging isang sawing alaala para sa kaniya ang kanta dahil hindi niya naamin kay Steph ang kaniyang nararamdaman.

Pero sa huli, naging tunog ang katapangan ang kantang All Too Well para sa kanilang dalawa dahil ito ang nagpapaalala para sa kanila ng mga nangyari noon na nagpalakas sa kanila ngayon. Naging isang awitin ng himagsikan ang kantang ito para sa kanila. At habang naririninig nila ang kantang ito, hinding-hindi na sila maghihiwalay uli, hinding-hindi na sila magkakahiwalay muli.

Uulitin ko, maraming pwedeng maging ibig-sabihin ang isang kanta. Kaya kung may naiyak man sa isang kantang masaya o kung may natuwa naman sa isang malungkot na kanta, wag niyo siyang sasabihan na baliw, mahina, bakla, o kung ano-ano pang pang-aapi.

Maaaring kilala moyung taong yun pero hindi mo alam lahat ng pinagdadaanan niya. Don't easily judge a person by the way he acts, because there's always a deeper meaning behind those actions.

Wala lang. Pinaalala ko lang sa inyo. Hahaha! Isa kasi yan sa mga dahilan ko kung bakit ko to isinhmulat. I'm against bullying, obviously. Bullying kasi jina-judge na kaagad ng ibang tao ang isang tao dahil sa kaniyang ikinikilos.

Let this be a reminder to everyone. Hindi sapat na alam mo yung pangalan niya para husgahan mo siya. Minsan nga kahit hindi mo kilala, hinuhusgahan mo na eh. Mas maganda pa rin yung alam mo yung storya niya bago mo siya husgahan.

Sa case naman ni Sam at Paul, kaya sila nagkaganon kasi ilang beses silang niloko, inagawan at iniwan ng mga taong ginamit lang sila para sa pansarili nilang kapakanan.

Paalala: Never take someone for granted. Kung magmamahal ka ng isang tao, totohanin mo. Wag mo siyang mahalin kasi mayaman siya, may itsura at kung ano-ano pa. Mahalin mo siya kasi napasaya ka niya, kasi siya ang tinitibok ng puso mo.

Isa pa, pain can change a person. Kaya kapag nasobrahan na sa yung sakit na nararamdaman ng isang tao, pwede siyang magbago, for better or for worse. Natuto na kasi siya eh kaya maiisip niya na magbabago na lang siya kasi masyado na siyang minaliit noon. At hindi na siya papayag na mamaliitin uli siya ngayon.

Magmahal ng tunay para walang masaktan. Pero hindi naman maiiwasan ang masaktan eh. Sana naman may sapat na dahilan ang paglisan mo sa isang taong naging mahalaga sa iyo.

Habang speech ano? Hahaha! Habang isinusulat ko tong All Too Well Part 1 at 2, marami akong nakausap na mga tao at sila yung nag-inspire sa akin para maging ganito yung kahihinatnan ng story. Sa totoo lang kasi, ibang-iba talaga yung naisip ko para sa story na to. Kaso yun nga. Maraming nagbago sa paglipas ng panahon.

Thank you sa lahat ng mga taong walang sawang sumuporta sa storyang ito. Kilala niyo na kung sino kayo! Lubusan akong nagpapasalamat sa inyo. Sobra-sobra! Nakakatuwa kasing mag-update kapag may mga tao talagang nagbabasa, navo-vote, nagco-comment at nagtatanong kung kailan ba yung updates and other stuffs. Hindi niyo ho alam kung gano ako nato-touch sa bawat comment at vote na ginagawa niyo. Ang sarap kaya sa feeling! Hahaha!

Ica-capslock ko na para intenseeeee.

SALAMAT! SALAMAT NG MARAMI SA INYO. HINDI KO ALAM KUNG ILAN BESES BA AKO MAGPAPASALAMAT SA INYO PARA MAPANTAUAN KO YUNG WALANG SAWA NIYONG SUPORTA. SALAMAT TALAGA, GUYS. :'(

Hanggang sa susunod uli! Salamat talaga ng marami!

Oo nga pala. Posted na po yung prologue ng bago kong story. Bongga, dba?

"His Name Was Sumer."

Just click the external link. ;)

I love you, guys. And I'll always love you. :*

Sincerely yours,
torpedobelly

I Remember It All Too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon