Chapter 1

452 14 13
                                    

Author's Note:

Nabasa mo na ba 'yung previous chapter? Kung HINDI pa, please. Basahin mo muna. Kung clear ka na sa mga bagay-bagay na nakalagay don, then you may proceed. Please understand. Thank you.

[ t o r p e d o b e l l y ]

--

Chapter 1

Alam niyo ba, sa dinami-rami nang mga tao sa mundo, sa best friend ko pa ako na-in love. Pwede namang sa iba nalang, dba? Ewan ko ba. Ayoko kasing isaalang-alang ‘yung friendship naming dalawa eh. Apat na taon din namin ‘yang pinundar tapos… masisira lang dahil sa pagmamahal? ‘Wag na lang. Okay na ako sa “crush” kaysa naman gumuho ‘yung friendship namin.

“Best friend!”

“Oh?”

“Sasama ka mamaya?”

“Hmm… Oo?”

“’Yun! Kita-kits ah!”

“Sure…”

Sa totoo lang, ‘di naman talaga ako pala-lakwatsa. Sadyang… gusto ko lang siyang makasama. Sorry ha! Ilang araw na lang rin naman kasi ‘yung natitira para sa amin eh. Ga-graduate na rin kasi kami. Isang buwan na lang ang natitira… Siguro sa college… ‘Di ko na siya makikita. Pero sana makita ko pa rin siya. Mas masaya ‘yung buhay ko kapag nadyan siya.

Ako nga pala si Thom Yvan Cruz. Only child. I guess, ‘di ko pa talaga alam ang lahat tungkol sa mundo pero… marami rin naman akong alam. Ewan ko ba. Feeling ko ‘yun ‘yung disadvantage nang pagiging only child eh. ‘Yung marami kang ‘di mararanasan na mga bagay. Ide-describe ko ba ‘yung sarili ko? Hmmm… sige na nga. ‘Di ako nagyayabang ah. Ayoko kasi nung sinasabihan ako nang mayabang… ‘Di naman kasi ako ganon eh. Hmmm… matangkad ako. Mga 6’ 2” yata ‘yung height ko. Maputi, kasi nga only child. Baby face siguro… Kasi ‘di pa uso stress sa akin nung elementary. Ngayong high school lang talaga.

At ang best friend ko, na mahal na mahal ko, ay si Stephanie Xyra Abelardo. Simple lang siyang babae. Kaya ko nga siya nagustuhan eh! Ayoko talaga sa mga babaeng masyadong maharot. Baka mapaaga… Tsaka, gusto ko ‘yung simple lang ‘yung itsura. Ayoko nung mukhang foreigner. Pilipino ako eh. Dapat isang Pilipina ang mamahalin ko. Hahaha! Wala lang. May masabi lang. -.-

“Best friend!” ‘Yan na siya. Hahaha! Multo lang?

“Oh, bes?”

“’Di na lang pala ako sasama mamaya.” Aww. Kahit kalian talaga KJ nito ah. Grabe. Naglo-look forward pa naman ako mamaya na kasama siya. Naghanda pa naman ako ng mga knock-knock jokes. Wala lang. Ganun kasi ako sa room eh. Puro knock-knock jokes. Wala lang. Para pasayahin ‘yung mga classmates ko, lalong-lalo na siya. Kahit na mabansagan akong corny, ayos lang. Basta mapasaya ko siya, okay na ako.

“Bakit naman? KJ amp.”

“Aww…” Grabe. Feeling ko ang sama ko magsalita. Tsk tsk! Mag-ingat ka nga Thom! Mamaya mainis pa ‘yan sa’yo eh. Tsk tsk. Mahirap na.

“Joke lang, Bes!” Sabay pisil sa cheeks niya. Wala lang. Trip ko lang. Cute niya eh! Hahaha! “Pero bakit nga?”

“Wala lang. Mock NAT bukas eh…” Kahit kalian talaga, ang GC nitong best friend ko. Kaya mahal na mahal ko siya eh! Hahaha!

“So? GC mo, Bes!”

I Remember It All Too WellWhere stories live. Discover now