Chapter 11

175 6 6
                                    

Read at your own risk. Medyo mature na yung ibang contents kasi nga college na sila. Tsaka, may haliparot ho kasing character eh. Hahaha! Pero ‘wag kayong mag-alala, ‘di ‘yun ganun kalala. Wala pong BS dito. Rape scene lang. Hahaha! Joke lang! Peace tayo, dudes and dudettes!

Isa pa pala. Bear with me. Pigang-piga na ho ako dito. Sorry na rin sa mga mali-maling type at iba pa. Sorry na rin pala kung maigsi man ito. If ever. Hahaha!

Enjoy niyo na lang guys! Hahaha!

--

Chapter 11

“Oh. Ba’t ganyan ‘yung itsura mo?” Nagising na lang ako sa katotohanan nung pumasok na si Christian sa kwarto namin. Tae. Ba’t ba ngayon pa nagparamdam ‘tong babaeng ‘to? Feel na feel ko na nga ‘yung pagkapanalo ko eh. Pero, papatalo nga ba ako sa kaniya? I’m sick of playing her games. Now, it’s my turn to rule the game. *evil laugh*

“Oh? Kanina naka-nganga ka, ngayon tumatawa ka ng parang tanga? Ano bang meron sa’yo ngayon, Cruz?”

Hindi na ako nagsalita. Pinakita ko na lang sa kaniya ‘yung text ni Sam. At, siya rin, nganga. Sino ba naman kasing hindi, dba? Tae naman kasi ‘tong si Sam eh. *face palm*

“Oh, ano nang gagawin mo ngayon?”

“Wala. May dapat ba akong gawin?”

“Nuks naman! ‘Di na siya takot kay Sam oh!” Natawa naman ako sa sinabi niya. Sa totoo lang, takot lang naman ako kay Sam kapag nagte-threat siya eh. Pero, ngayon, kahit ano pang gawin niya, bahala na siya. Ipaglalaban ko na si Steph. Ipaglalaban ko na kaming dalawa. *wink*

“Syempre! College na tayo, Tian. Dapat mature na tayo kumilos. Pag-isipan ang bawat desisyon. ‘Wag palaging padalos-dalos.”

“Nuks naman, Thom! Pwede ka nang pari!” Pari? Huwhat? Hindi ako nandidiri sa mga pari ah! Pero, may mga plano ako sa buhay ko. Tsaka, masyadong sagrado ang pagpapari!

“Pari ka diyan! Magpapakasal pa kami ni Steph ano!”

“Sige lang. Libre mangarap.” Binatukan ko nga. G*go rin ‘tong si Christian eh. Akala ko pa naman supporter ko siya! Tangna. Hahaha!

Kumain na kami ni Tian, at nagpahinga pagkatapos. Nanuod kami ng… TV. Malamang! Ano bang nasa isip niyo? Hahaha! Joke lang! Nung natunawan na kami, natulog na kami. Magkatabi. Sweet namin, ano? Hahaha! Joke lang! ‘Di kami talo!

Pagkagising ko nung umaga, ang pangit ng bumalandra sa mukha ko.

“SAM!” Napasigaw na lang ako. Sino ba naman kasing ‘di magugulat sa nakita ko? Mukha kaya siyang monster! Isa pa, anong ginagawa niya dito? At sa loob pa ng kwarto namin ah!

“Miss me?” *mimicked voice* Miss me? Utot mo, Sam, mabaho. Hahaha! Ba’t ko naman siya mami-miss? Siya ang pinakamasahol na bangungot sa buhay ko. Bangungot na nga, masahol pa! Tsk tsk. Nag-uumapaw sa kapangitan… ng ugali.

“Uhm… Si Christian?” Change topic na lang. ‘Di ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya eh. Baka kasi magalit siya kapag sinabi kong Hindi, tapos matuwa naman siya kapag sinabi kong Oo. Jusko. Baka magahasa ako ng wala sa oras. *gulp* Mag-isa nga lang pala ako ngayon.

“Umalis na siya.” Teka… umalis? Anong oras na ba? 7:43AM. Oh, shit! Late na pala! Oo nga pala! 9 pa ‘yung una kong klase. Phew. Pero… nandito si Sam… Kunyari maaga pasok ko! Madali!

I Remember It All Too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon