Kingdom University: Campus Royalties (purpleyhan)

10.8K 41 4
                                    

Kingdom University: Campus Royalties

by: purpleyhan

-050613-

Ola! Ako'y nagbabalik, sa wakas may maidadagdag na ulit ako dito. Bukod sa tamad akong gumawa ng reaction thingy sa mga nabasa ko, eh wala pa talaga 'kong mailagay dito. 5 stories na yata sabay sabay 'kong binabasa (pwera pa yung mga on-going). Hinihinto ko pag naboringan na 'ko. Haha! Sa wakas, nakatapos na ulit ako ng isa. Dahil nga nitatamad ako, maikli lang 'to. :)

Asaran, gantihan, joke time.. Jan nagumpisa ang lovestory nina Tiffany “Steff” Damian at Ian Darryl Garcia. Ang campus prince at princess ng Kingdom University. Oha?! Ambongga ng school nila.. May top 10 prince and princess. Beauty and brains ang dapat meron ka, para mapasama sa list. Other characters are ang mga friends ni Steff na sina Alisson Jane “Alice” Diaz, Shin Yin Ah/ Yna Shin at si Jessica Mishelle “Jess” Morales na isa rin sa mga campus princess. Pati na rin si Kevin na loveteam ni Alice at syempre si Patrick na ka love pyramid ni Steff at Darryl. Pyramid daw at di triangle para 3D! Haha!.. Kasama rin sila sa Campus Princes.

Fame, ang gusto ng lahat pero pinaka kinaaayawan ni Steff. Kakaiba sya eh noh? Pero dahil nga kasama sya sa list ng campus prince at princess, naging popular sya lalo na nung naging tandem sila ni Darryl. Kyaaaaaaahh!!! Hahaha! Ang cute kasi ng asaran nila! I'll give some lines na lang, some of my favorite convos ng story..

Convo 1:

Steff: “Sino nga pala yung girl kanina?”

Darryl: “Why? Selos ka? ^_^”

Steff:  “Ewan ko sa’yo. Duh? Wala pong tao dito kaya wag nang plastic, okay?”

Darryl:  “Haha! Di ka naman mabiro. Uhm, ano.. kakilala ko lang yun.”

Steff:  “Ah okay.”

Darryl:  “Bakit mo nga pala kasama yung lalaki na yun papunta dito?”

Steff:  “Why? Selos ka rin? ^_^”

Darryl:  “Oo.”

Steff:  “Haha, oh ano------------- WHAT?!?!”

Convo 2:

Darryl:  “Halika, punta tayong garden Tiffany.”

Steff: “HAHAHA. O sige. Sabi mo eh. Let’s go BEBE BOY!”

Darryl:  “Hey, what the. That’s so…uhh! Ibahin mo naman!”

Steff:

“WAH! BAKIT BEBE BOY? SABI MO BEBE BOY ITAWAG KO SAYO? TAPOS NGAYON, AYAW MO NA! ANG BILIS MO NAMANG MAGSAWA BEBE BOY! T__T”

“HEY GUYS!”

“PANGIT BA YUNG BEBE BOY? DI’BA OKAY LANG NAMAN?? BAGAY NAMAN SA KANYA DI BA?”

People:

“Ang cute nga eh. Bagay!”

“Cool! Okay lang. Bagay kahit anong itawag sa kanya.”

Steff: “SABI KO SA’YO BEBE BOY EH! BAGAY SA’YO! ^_^”

Darryl: “Okay. Mapilit ka eh. Gwapo naman ako. Kahit ano bagay sa akin. Lika na, punta na tayo sa garden, BEBE GERL!”

Bebe boy at bebe gerl, ang cute lang ng tawagan nila. Haha! Naging official tawagan na nila yan w/c is ang intention talaga ni Steff sa pag gamit ng bebe boy ay asarin lang si Darryl dahil nasabi nya na ayaw nya ng pangit na endearment.

Maling akala, yan ang conflict ng story. Hindi ko na lang ikukwento, basahin nyo na lang para mas masaya at malaman nyo kung paanong ang bully buddies na sina Steff at Darryl ay nauwi sa pagiging Campus Royalties. Haha! That's all folks! ^_^

PS. Maganda rin yung 7th Unit ni author! Actually mas gusto ko yun dito. Haha! Kaso matagal ko na kasing nabasa yun kaya hindi ko pa sya magawan ng ganito, babasahin ko pa ulit. Haha! Dylan and Lyka story yun.. Weeeeee!! Mas kinilig ako sa kanila actually. Haha! 

PPS. Author, ang gaganda ng softcopies mo.. trip na trip ko yung mga fonts and kulay lalo na yung purple or violet. Favorite color! haha!

Click the External Link for the story.

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon