Lost Diary (Aril Daine)

10.8K 28 8
                                    

-042413-

 

Lost Diary

by: Aril Daine

First time 'to.. Unang story na ilalagay ko dito na hindi pa completed. Eh kasi, tuwang tuwa talaga 'ko dito. Parang ganito lang ichura ko pag nagbabasa oh.. ----> ^___________^ hahaha!

Sobrang good vibes lang!.. Napansin ko lang 'to nung mag-update si author para sa entry 61-70, nakita ko kasi sa newsfeed ko. Yun ang unang nabasa ko.. Natawa agad ako. Akala ko pa nga based from experience ni author. Haha!.. Then, tinry 'kong basahin mula sa umpisa. Aba! Akalain mo, may storya pala sya?!..

Ang masaya pa dito, yung mga characters. Sina crush, bestfriend, boyfriend, girlfriend, karibal, at higit sa lahat si Mr. Abs! Hahaha! Puro bansag lang, walang pangalan. Pero unti unti na sila ngayong napapangalanan. Si Mr. Abs ay si Seth, si bestfriend ay si Aya. Tapos sa pinakabagong update mukang si crush yata ay si Rain? (author, tama ba 'ko?) at syempre ang may ari ng diary na pinagpepyestahan ng lahat ay si Jem. :)

Bakit ko ba 'to nagustuhan?.. Eh kasi nga, parang totoo lang. Parang isang tipikal na hayskul student lang talaga na nagsusulat sa diary nya. Pati yung mga nangyayari sa pang araw araw, magmula sa bahay, sa palautos na nanay, ganap sa skul, pati na ang pagbagsak sa mga exams at lahat ng normal na pwedeng mangyari, eh nandito.

Ang masaya pa dito, yung mga tungkol dun sa crush nya, nilalagay nya sa diary nya which is I think, nangyayari talaga sa totoong buhay. Si diary ang nakakaalam ng mga lihim na pagtingin mo kay crush! Hahaha!

Isa yan sa frustrations ko, hindi ako makapag diary kahit gusto ko. Eh kasi, ang nanay ko chismosa, kahit itago ko, mahahanap pa rin nya, may lahing ninja yun eh. Haha! ^o^ Eh masikreto akong tao, kaya wag na lang magdiary. Lol! XD

Well, ayoko nang pahabain pa 'to, basta super like ko talaga 'to. Baka matalbugan pa nito ang pagkaadik ko sa Sadist Lover dati! Hahaha! Seriously, nakakahook sya talaga! Ngiti ngiti lang ako pag nagbabasa nito. Ang saya kasi basahin. Kaya author, sana matapos ang diary ni Jem (pero sana mahaba pa, para tuloy ang ligaya.. lol!). Ang galing mo talagang mag-isip ng idea! Ngayon lang ako nakabasa ng ganitong style ng kwento. Partida, trip trip lang 'to ni author.. Kung lahat ng trip ay ganito, mantrip na lang lahat ng writers! Hahaha! Ang ganda kasing basahin. Nakaka good vibes talaga.

Oh sige, ako na talaga chismosa at nakikibasa ng diary.. Wapakels, masaya ko.. ^__^

PS.. Author, sana ituloy mo lang ang pagsusulat, isa ka talaga sa mga paborito ko. Dahil dito sa Lost Diary, 2nd favorite author na kita. Hahaha! Gusto ko kasi yung way of writing mo. Ang jolly kasi kaya masaya basahin mga stories mo.. ^__^V

PPS.. sino kaya?.. si MR. ABS or si CRUSH?.. weeeeee!!! naeexcite ako! hahaha! ^o^

Click the external link for the story. :)

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon