Must Date The PLAYBOY! (notjustarandomgirl)

4.4K 23 7
                                    

Must Date The PLAYBOY!

by notjustarandomgirl

~032914~

                                                                                                                                                 

Another awesome, kilig overload story read! Ugh!

Synopsis. Ito ay pinangungunahan ni Victoria “Tori” Peige, conservative, bookworm, mayaman, popularly known as the ‘hotel heiress’ at ni Zachary Anderson, the hot, notorious playboy, son of one of the most influential man in the world. Pagmamayari lang naman nila ang isa sa pinakamalaking bangko sa US, shopping malls at kakumpitensya ng mga Peige sa hotel business. Nandito rin si Charlotte Loise, also known as Chloe, anak ng isa sa pinakasikat na fashion designer sa bansa at nagiisang bestfriend ni Tori. Nagsimula ang lahat nang malaman ni Tori ang ginagawa ni Zach sa mga nagiging boyfriend ni Chloe. Nalaman niya mula sa kaibigan din nilang si Nathan, na si Zach pala ang gumagawa ng paraan para hiwalayan si Chloe ng mga nagiging karelasyon nito. Nasabi sa kanya ni Chloe na natatakot siyang hiwalayan ulit siya ng bago niyang boyfriend na si Greg. Being the supportive and caring bestfriend ni Chloe, nakaisip siya ng paraan para hindi na makapanggulo pa si Zach sa lovelife ni Chloe at yun ay ang maging girlfriend ng playboy na si Zach. Naisip niya na kung may girlfriend si Zach, magiging busy na ito at hindi na maiisipan pang guluhin ang relasyong meron si Chloe. Ngunit lingid sa kaalaman ni Tori, mayroon din palang pinaplano si Zach. Pumayag si Zach na maging boyfriend si Tori para naman mapalapit siyang muli sa dating kaibigan at nagugustuhang babae na si Chloe. And the story goes on.. Basahin nyo yung book para masaya. Available na sa bookstores. 195php lang.

Spoiler Alert! Here’s my reaction paper.

AAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!! Sigaw ko yan after kong matapos ang storyang ito. Ugh! Natapos ko sya in 2 freakin’ days! Take note, may 9hrs duty ako nyan sa work. Ugh! Alam nyo ba (syempre hindi) na binasa ko ‘to dahil naghahanap ako ng makakapagpawala ng stress ko. Kasi nga, suuuuuper stress na ko sa work. With 4 hrs OT ba naman a day. Ugh! Anyway, so ayun nga, naghahanap ako ng isang storyang makapagpapakilig sa’kin ng bonggang bonggang bongga. Nagpost ako sa ‘Wattpad Lovers’ facebook page (like nyo yang page na yan. hihi XD), at sabi ko.. ‘Yung nakakaiyak sa kilig na story.. Recommend PLEASE!’ , syempre may nagcomment, puro nabasa ko na yung mga nakalagay except for Must Date The Playboy. Actually, matagal nang nakapila sa RL ko ‘to pati nga yung book matagal ko na ring nabili, nakatambay lang sa shelf. Naipromote ko na rin ‘to dati dun sa page at may nabasa pa nga akong comment about sa ending, parang malungkot yata saka may book 2 pa kaya hindi ko muna binasa. Pero sa office, akalain ko bang nagwawattpad din pala yung mentor/coach namin? Haha! XD Sabi nya maganda daw ‘to. So binasa ko, and WTF! KILIG OVERLOAD nga! Haha! :D Pero yun nga yung ending, my heart was left broken into pieces. Charot! Haha! XD

Omayghad! Mababaliw ako! Mababaliw talaga ko! Haha! XD Nagpagulong gulong lang naman ako sa kama matapos kong mabasa ang ending. Sabay takip ng unan sa mukha at sigaw ng Aaaaaaah!!! Shet! Ang ganda ng book 2 nito!!!! :’( Nakakaiyak yung letter ni Zach! Ugh! Huhubels! Nakakainis na nakakabitin na alam mo yung feeling na I want more?! Ayoko pang matapos ang storya. This can’t be the ending! Nakakastress! Cliffhanger! Mababaliw ako! Charot! OA na.. Haha! Going back. So ayun nga medyo naloka ako sa ending kasi nga syempre I want HAPPY ENDINGS! Pero syempre alam ko naman na may book 2 pa na Must Hate The Playboy. And I know, nandun ang happy ending na hinahanap ko. Kaso nga ongoing pa siya so hintay hintay lang muna ako. Patience is a virtue at Good things come to who wait nga di ba?!

Nabasa niyo na ba ang For Hire a Damn Good Kisser ni beeyotch, The Despicable Guy ni shirlengtearjerky, Three Words, Eight Letters ni girlinlove at A Place in Time ni Jessica Concha? Lahat sila may book 2 di ba? At lahat ng yan nasa book 2 ang happy ending. Nabasa ko ang mga yan ng completed na ang mga book 2. Just imagine na wala pang book 2 ang mga yan, nakakaloka di ba? Ugh! At yun ang nararamdaman ko ngayon dahil sa MTDP. Itong MDTP, dumagdag pa sa cliffhanger stories na nasa book 2 ako umaasa ng happy ending! Una, If I Fall ni shirlengtearjerky (WTF! BayRus ako forevs!), Hindi ko Inakala ni beeyotch (bumili ako ng book 2 na selfpub pero WTF ulit sana may book 3 pa!), A Wishful Thinker ni maxinejiji (shet na malagket ang pagkacliffhanger din nyan) at eto na nga ang Must Date the Playboy, UGGGH! ZARI for the win! >>.<<

Sobrang bilib lang talaga ako sa author nito at syempre proud. Alam nyo bang Pilipino sya guys?! Pilipino! A story written in pure English, not in her native tongue. *slow clap* Ang galing galing. Yung pagkakanarrate, lahat ng POVs, ramdam na ramdam. Ang ganda lang ng pagkakasulat. Lahat ng actions, nakikita ko kasi nga maganda ang descriptions. The way it was written is perfect. Yung story line, hindi mabagal, mabilis ang pacing ng story pero hindi nagmukang minadali kaya hindi boring. Maraming nangyayari. At yung inaakala mong scene na predictable, biglang may iba pa palang catch. Maraming secrets na narereveal every chaps. Kilig moments na hindi pilit na magpakilig, sadyang nakakakilig lang talaga. Every characters has its own identity. Ang ganda ng pagkakagawa sa bawat characters lalo na kay James at Zach. This story is really one of the best! As well as the author, one of the best ka talaga. Kaya fave pub house ko talaga ang Summit eh. Nakukuha nila ang best of the best authors na nageexist sa wattpad. Si shirlengtearjerky, beeyotch, jonaxx, sielalstreim at notjustarandomgirl. Si BlackLily lang talaga ang kulang! >.<

KUDOS, author and congratulations sa published book. This really deserves to be published. A must read and must buy book (Walang halong kacharotan). May mga librong pag naumpisahan mo nang basahin, parang ayaw mo nang itigil pa. Yung parang gusto mong basahin sa isang upuan lang. At isa ang MDTP sa mga ‘yon. Nakakataba lang ng puso sa kilig at nakakasira ng utak sa pagkabitin. Dejok lang. Haha! I’ll just wait for the completed book 2. Hindi kasi ako nagbabasa ng ongoing. Basta, I super love love this story. I’m still rooting for ZaRi’s HAPPY ENDING sa Must Hate The Playboy. Shet! Teaser pa lang nung book 2, naexcite na ko. Gusto ko kasi talaga yung mga storyang medyo masakit, yung nakakaiyak, tapos yung may chase. Haha! XD

And that’s all folks!

PS. Author, pahingi naman po ng dedic sa MHTP. Koleksyon ko lang talaga ang dedics from awesome authors. Kung pwede lang naman po. Sana mabasa mo ‘to. J

External Link: Must Hate the Playboy (Book 2 of Must Date the Playboy)

Must Date The Playboy was published by Summit/Pop Fiction Books. Available on bookstores nationwide for only 195php. Usually meron sya sa National Bookstore, Book Sale at Filbar outlets, minsan meron din sa 7-11.

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon