Mr. Popular Meets Ms. Nobody (Pinkyjhewelii)

4.9K 15 4
                                    

Mr. Popular Meets Ms. Nobody

by Pinkyjhewelii

~022414~

After asdfghjklzxcvbnm… gagawa ulit ako ng reaction paper.. hahaha! XD

A brief synopsis. Ito ay kwento nina Chelsea Torres, isang nobody, matalino, hindi masyado maganda at hindi rin daw sexy pero cute at higit sa lahat mahirap at ni Kyle Shin-Woo, sikat gwapo, sobrang yaman at anak ng may ari ng Shin-Woo University kung saan scholar student si Chelsea. Nagsimula ang makulit na storya nila nang i-occupy ni Chelsea ang table nina Kyle sa canteen. Hindi alam ni Chelsea na si Kyle ang may ari ng school. Pinapaalis siya ni Kyle sa table pero hindi siya pumayag at sinigawan pa niya si Kyle. Dahil sa mayabang si Kyle, hindi siya makakapayag na ganun ganunin lang siya ng isang Chelsea Torres. Kaya naman gumawa siya ng kontrata kung saan magiging alipin niya si Chelsea sa loob ng 100 days kapalit ng hindi pagpapatalsik sa kanya sa Shin-Woo University. ‘Wag ka dahil may sweldo ang inyong alipin, 5k lang naman a day (Ugh! Magpapaalipin na lang din ako.. haha!). Kung hindi susunod si Chelsea sa isang utos, siya ang magbabayad ng 5k. Kasama rin dito sina Lance Abellano at Adrian Buenavista, mga kaibigan ni Kyle at si Janna Ruiz, bestfriend naman ni Chelsea. Kung paanong iikot ang makulit at nakakakilig na love story ni Chelsea at Kyle?.. Basahin mo na lang para masaya. :)

Spoiler Alert! Reaction paper ko na ‘to. :)

Una, sa totoo lang hindi ko talaga ito bet basahin dahil sa title. Haha! Hindi kasi catchy para sa’kin yung title kasi feeling ko super cliché na naman ng storyng ‘to. Pero sabi nga, ‘Don’t judge the book by its cover’ or should I say, Don’t judge the book by its title? Haha! Charot lang.. XD Super naenjoy ko ang storyng ito. Light lang kasi ang story at hindi nakakastress. At ang bilis ko siyang natapos huh! Kung sa wattpad lang, baka hindi ko pa ito nabasa hanggang ngayon dahil sobrang dami talagang nakapila ko pang babasahin. Nabasa ko siya sa libro. Binibili ko kasi lahat ng published na wattpad books. Eh nabubulok na yung mga books ko sa taguan, so naisipan kong isa isahing basahin yung mga hindi ko pa nabasa sa wattpad. At ayun nga sinimulan ko itong MPMMN.

Gusto ko yung consistency ng personality ni Kyle. Kasi walangya siya. Haha! Dejok lang. Kasi ano.. yung pagkamasungit, mayabang at pagiging dominante ni Kyle, consistent. May identity ang bawat characters. Gusto ko rin yung tawag ni Kyle kay Chelsea na ‘Nobody’. Ang cute lang. Haha! Saka yung ‘baby ko’.. Ayiiieee! Nikikilig ako! Hahah! >///< Pati yung tawag ni Adrian kay Chelsea na ‘crush’, ang cute din. Haha! (may naaalala ako XD).

Fave part ko, yung nagalit si Chelsea kay Kyle. Haha! (Ba’t ang sadista ko?) Yung umalis si Chelsea at Adrian. Tapos sumunod si Kyle sa kanila. Tapos yung sinabi dun ni Chelsea after nyang sampalin si Kyle. Pak! Ang ganda nun. Ang sakit! Ang sarap basahin. Haha! Pero sana mas mahaba pa yung ginawang pagpapakipot ni Chelsea bago nya pinatawad ulit si Kyle. Gusto ko yung gumagapang na sa hirap at pagpapakaawa si Kyle para lang mapatawad sya ni Chelsea. Hahahaha! Syempre charot lang yun. Ang sadista ko talaga. Haha! Eh basta gusto ko yung nagmamakaawa si guy para kay girl. Yung sobrang sising sisi talaga si guy sa nagawa nyang kasalanan. Tapos papatawarin din sya ni girl pero pahirapan. Tapos syempre dapat happy ending noh. Hahaha!  (Wag nyo po akong pansinin). PS. Wala akong reklamo sa flow ng story dahil alam ko may book 2 pa. Haha! (baka matupad dun yung pangarap ko. LOL!) going back..

At natapos ko nga ang MPMMN ng may ngiti sa labi at duguang puso. Charot ulit! Hahaha! Eh basta, kinilig ako ng bongga. Tapos na broken ulit. Eh buti na lang may book 2 pa. Pero sorry. Sorry talaga dahil hindi ko na yata mahihintay pa ang book version ng book 2. Napa online ako ng di oras dahil gusto ng mabasa ang book 2 sa wattpad. Haha! Hindi pwede! Hindi pwedeng sad. Dapat laging happy. Chos! Si Ryza Mae kasi eh. -___- Haha!

Nagbrowse browse ako kanina ng book 2. At omo! Nakakaexcite ang mga title! Kinikilig agad ako. Haha! The cold Kyle is back! Howmayghad! All in all, this book is worth reading and buying for. Bibilihin ko pa rin ang book 2 kahit babasahin ko na sya ngayon sa wattpad. Koleksyon, you know.. XD

Congrats author sa mga published books! Another awesome author found.

And that’s all folks!

PS. Author, penge po dedic kung may space pa. Koleksyon ko din po kasi. Haha! (kung pwede lang naman) :))

Walang External Link. Published na nga eh. Bumili kang book. Walang softcopy, bumili kang libro, mura lang.

Mr. Popular Meets Ms. Nobody books

Vol 1: P199.75

Vol 2: P99.75

Vol 3: P119.75

Available sa Precious Pages outlets. Minsan meron din sa National Bookstores at Filbar.

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon