Mapapansin Kaya (jonaxx)

6.5K 21 3
                                    

Mapapansin Kaya

by jonaxx

 

~091513~

Kung kilig at kilig lang din naman ang hanap mo, eto na yun. Wag nang magpatumpik tumpik pa. External Link, bilis! XD

Synopsis. Ito ay storya ni Reina Carmella Elizalde, mayaman, sobrang yaman na galing sa isang kilala at tanyag na pamilya. Hindi sya kagandahan sa una, maraming pimples, hindi kaputian at hindi rin kakinisan. Ganun pa man, kilala sya sa kanilang school dahil nga isa syang Elizalde at dahil na rin sa mga gwapo at sikat nyang mga kuya na sina Rozen, Dashiel at Noah. Kasama rin dito ang bestfriend nyang si Coreen na patay na patay sa isa nyang kuya na si Noah, lider ng bandang Zeus. Kasalukuyang naghahanap ng magiging bokalista ang bandang Zeus at dahil sa pagyayaya ni Coreen kay Reina na manood ng audition, dito ay una nyang makikita si Wade Rivas, the oh so sexy and hot Wade Rivas! Simple lang ang buhay ni Wade,isang probinsyanong galing sa Alegria. Malayong malayo sa estado at katayuan sa buhay na mayroon si Reyna. Ngunit sa taglay nyang talento, talino, karisma at kagwapuhan, hindi malayong may marating sya. Ang tanong, sa kwentong ito, sino ang magsasabing “Mapapansin Kaya?”

Spoiler Alert! External Link sa mga hindi pa nakabasa. :)

My reaction paper. Una sa lahat, wala akong masabi kundi kinikilig akoOOoo!!! Haha! XD Actually, pangalan pa lang, kinikilig na ko, ‘Wade Rivas’, parang nakaka WOW! Haha! XD Hindi talaga ko magaling mag imagine ng mukha. Lahat ng galaw, scenes, places, naiimagine ko pwera ang mukha kaya naman hindi ko talaga maimagine kung anong ichura ni Wade! Omaygaahd! Haha! Ano bang ichura ng God like? Haha! Ang alam ko lang sobrang gwapo nya, period. >.< Kahit si Reina, hindi ko maimagine ang mukha, actually lahat talaga sila hindi ko maimagine. :) Anyway, back to my reaction.

Gusto kong part syempre nung naging sila na. Yiieee! Sobrang nakakakilig! Haha! Yung scene na pumunta si Reina sa apartment ni Wade para ibigay yung mga handouts, yung may sakit si Wade.. Ohmaypackingtape! Sobrang kileeeeg! Doon din naintroduce ang heat-inducing abs ni Wade. Haha! >///< Yung 1st part ng story, sobrang gentleman pa ni Wade. Ang cute lang ng pagpipigil nya kay Reina. Yung mga kamanyakang banat ni Wade, nakakakilig na nakakatawa. >////< Pero hindi ko alam kung sinong mas manyak sa kanila. Haha! Si Reyna kasi, ang green din ng utak, malumot! XD

Mas gumanda pa nung nagbalik na si Reina from France. Shetness! Lahat yata ng ganap dun intense. Haha! Hanggang sa magkabalikan nga sila at naging secret lovers pa ang peg. Over over lang sa kilig! >///<  Tapos nung nagkabukingan na. Sobrang nakakainis yung mga bash ng mga fans ng WadeSha ah! Medyo umusok din talaga ilong ko dun. Sila Reina at mga readers lang kasi ang nakakaalam ng buong pangyayari. Haha! Then yung presscon ni Wade, yung speech nya dun, OVER! Sobrang nakakatouch. Sa lahat ng sinasabi ni Wade, napapakita nya kung gaano nya kamahal si Reina. Sobra sobra talaga! Si Reina na talaga! Sya na ang maswerte! Pati nung nagharap na sila ng pamilya ni Reina, yung napagusapan yung conjugal property. Ommy! Nakakaproud talaga si Wade. Kinikilig ako, sh1t! XD

To sum this all up…

Darn, Wade Rivas! >/////<

PS. Gaaash! Kinilig nga pala ko dun sa nahagip ng mata kong mga comments dun sa bagong story ni author. Yung ‘Heartless’? Owmygaahd! Hindi ko inakalang magkakaron ng something kay Coreen at Rozen! Yung sa bandang huli ng story na ‘to parang may something na nga sa kanila. Nagiba kasi ugali ni Rozen eh. Naexcite tuloy ako. Feeling ko mas kikiligin ako kay Rozen. Haha! Aabangan ko yun. :)

And that’s all folks! ^_^

Click the External Link for the story. :)

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon