6 Month Rule (Girlinlove)

13.1K 37 3
                                    

6 Month Rule

by: Girlinlove

Ito ang unang on-going story na natapos ko. Hindi kasi talaga ako nagbabasa ng on-going story dati kasi ayokong nabibitin. Pero ang dami kasing magandang story na on-going kaya I can’t help but to read it. At isa na nga dito ang 6 Month Rule. Short story lang sya at mejo mabilis naman ang update so keri lang. Mejo matured ang theme ng story na ‘to pero naisulat sya ni author in the most decent way (I think?). Hindi kasi nya masyadong dinitailed ang BS and I think mas ok ang ganun. Mas maganda kasi kung yung mismong story ang nagpaganda, hindi yung kung anu ano. (haha! alam nyo na yun..)

Umikot ang storyang ‘to kay Lindsey Robles, isang babaeng liberated, mayaman, maganda, lasinggera at party girl na gumawa ng sarili nyang batas na tinawag nyang 6 Month Rule. Ang rule na ito ay para sa mga lalaking nakakabonding nya sa kama, meaning hanggang 6 months lang sila at wala ng lalagpas dun. Wala syang sineseryosong relasyon at ang lahat nga ay magtatapos lang sa loob ng anim na buwan. Pero kahit ganun, meron pa rin syang naging kaibigang matino at ito ay si Jeca, kabaligtaran nya. Akalain mong magkaron’ sya ng matinong kaibigan? haha! Pero mabuti syang kaibigan kay Jeca, ayaw nyang magaya sa kanya ito kaya pinoprotektahan nya talaga si Jeca lalo na sa mga lalaking manloloko.

Punta na tayo sa love story nya. Weeeeeeee!!! Nakakatuwa talaga kung ‘pano nabuo ang love life nya. Kakaiba kasi, not in the usual way na pacute, ligawan at kung anu ano pa. Ang bitch at ang douche pinagsama. Hahah! what do you expect diba? Ang douche na ito ay si Andrew Schmidt, isang lalaking counterpart nya, meaning gwapo, mayaman at isang lalaking bago kilalanin ang babae ay sa kama muna kinikilala.

Dun na tayo sa part na natuwa ako.. Ito yung mga text convo nila.. hahaha! naaliw talaga ko sa mga pag-uusap nila sa text pati yung mga blind date ni Lindsey na puro fail. Eh naging way of escape pa nya si Drew para makatakas sya sa mga abnormal nyang kadate. Pero dun pa lang kahit hindi nila aminin, eh parang nagseselos na si Drew sa mga kadate nya. Pati yung nanay ni Lindsey, kakaibang nanay! tanggap nyang may mga ka FB lang ang anak nya! Hindi facebook yan ah. Lindsey’s FB means ‘fck buddy’. Haha!

Siguro maituturing ‘kong climax ng story eh yung nagbalik na si Sef na ex ni Lindsey na naging dahilan kung bakit nabuo nya ang ‘6 Month Rule’. Ito na kasi yung feeling ko eh gusto na ni Drew at Lindsey ang isa’t isa pero hindi lang nila inaamin. At syempre ang epic plan ni Jeca! hahaha! tuwang tuwa talaga ko dun. Yung chapter 13! akala ko talaga like ni Jeca si Drew! Eh dun na narealize ni Lindsey na gusto nya si Drew eh. Eh BFF sila pano yun?.. Kaya naman sobrang waaaaaahhh! at

Let’s jump to chapter 15, ang favorite chapter ko! grabe sobrang bow talaga ko sa ginawa ni author dito. Sobrang bilib talaga ko kasi 1st time kong makabasa ng dalawang POV at the same time! Ang galing lang talaga ng pagkakagawa. Yung shifting ng thoughts nila! Nakakatuwa talaga, kasi nalalaman mo kung ano yung iniisip nila nung oras na yun, ang ganda lang talaga basahin. Tapos nun, yung cheesy lines ni Drew.. weeee! kilig much! pero hindi corny.. At like na like ko yung “You are always an exception” spiel ni Lindsey. Yun pala ganun din sa kanya si Drew kaya naman compatible talaga sila. Sila lang ang pwedeng maging sila.. haha! ano?! ang gulo ko.. haha! At syempre, yung proposal ni Drew sa huli, like ko din yun, ang cuuuute!!! :)

Kaya naman masasabi ko na maganda talaga ang storyang ‘to. Ito yung tipo ng storya na pwedeng i-recommend. Actually nagawa ko na nga.. Napromote ko na sya sa wattpad page na pinag aadminan ko.. haha! Must read kasi sya. Kaya naman two thumbs up sa’yo author! Nabasa ko na rin yung 3W8L dati pa (one of my favorites), gusto ko rin sya gawan ng ganito kaso gusto ko basahin ulit para fresh ang feeling ko at mas ganadong gumawa ng reaction. Hahaha! Ayun, pinsan pala ni Drew si Chanel eh noh.. ang galing! haha! Yun lang.. ^__^

Click the External Link for the story.

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon