For Hire: A Damn Good Kisser / Good Girl Gone Bad (beeyotch)

14.1K 41 12
                                    

For Hire: A Damn Good Kisser / Good Girl Gone Bad

by Beeyotch

Ok, 3rd story pa lang ito na gagawan ko.. Tamad kasi ako eh.. haha!

This is the latest story na natapos ko. Kaya habang fresh pa ang feeling ko about the story, eh gagawan ko na ng reaksyon.

Sa totoo lang, nung una ‘kong nakita ‘to sa wattpad, ang tingin ko sa stoyang ‘to eh bastos? haha! Eh kasi naman! For Hire: A Damn Good Kisser? Tapos yung picture pa, eh yung babaeng nakalean at nakahalik dun sa lalaki! haha! Kaya naman, dahil noon ay bago pa ako sa wattpad at ayokong mapollute ang aking ‘oh so innocent mind’ (charot!), eh ayokong magbasa ng mga ganyan. Haha! Pero eto nga, nung nabasa ko na sya, eh hindi naman pala. May konti lang.. konti lang naman. Keri pa.. haha!

Ok, umpisahan natin sa book 1, For Hire: A Damn Good Kisser. Nung inumpisahan ko ‘tong basahin, mejo nawirduhan lang ako sa takbo ng storya. Eh kasi naman yung bida na si Dana Kathryn Ferrer ay hiniwalayan ng bf nya ng dahil lang sa hindi sya magaling humalik. Tapos biglang susulpot pa yung tatlo, ang Good Kisser’s incorporated na sina Andrei Louie Guzman, Cyriel Edrian Perez at Dave Cruz na mag-aalok ng kissing tutorial na worth 50,000 php lang naman! Oh diba?! Ginto ang kiss nila! haha!

Pero habang tumatagal yung story, lumalalim. Nagkakaron’ ng sense. Hindi na sya umiikot lang sa kiss. Pero ang daming kiss sa book 1 ah! haha! Ayos lang, naaliw naman ako sa kapilyuhan ni Andy. Pasok na pasok sa humor na category ang book 1. Marami kasing scenes dun na nakakatuwa at nakakatawa.

Nagstart ang lahat ng ‘to nang mag enroll(?) si Dana sa Good Kisser’s incorporated at mapili nyang kissing instructor si Andy (yiiiiiiiieeeeee!!! kinikilig agad ako! hahah!). So ayun nga, naging KI ni Dana si Andy, nung una puro kiss kiss kiss lang ang ganap at puro kamanyakan at kalokohan lang ni Andy ang lahat. Pero tulad ng ibang story, na-fall ang ating bida na si Dana pero hindi naman sya sinalo ni Andy. Here comes the grand entrance of Cyriel na naging dahilan din para marealize ni Andy na love din pala nya si Dana. Pero hindi dun natatapos ang storya at hindi ko na lang sasabihin dito. Basahin nyo na lang. Haha! Mas gusto ko ang book 2 kaya punta na tayo sa book 2.

Ang book 2 ay FHADGK 2: Good Girl Gone Bad. Like na like ko talaga ang book 2. ^__^

Kakaiba kasi ang storya, for me, unpredictable talaga sya. Swak yung title nya na Good Girl Gone Bad kasi naging parang liberated si Dana dito? Naging mas kilala sya sa pangalang DK at syempre dagdag characters dito ang new found friends nya na sina Nof at Kim. Pero syempre hindi pa rin mawawala ang bestfriend nyang si Sara Gomez na naging ka love team naman ni Dave. (spoiler ba ko?!?)

Ok, kung hindi mo pa nababasa yung story, wag mo munang basahin ‘to kasi spoiler. Ok, umpisahan ko na, naeexcite ako eh.. haha! Yung ending ng book 1! Nakakawasak ng puso!.. Kasi naman! DANDY ako eh! Eh bakit napunta sya kay Cyriel? Sobrang nakakaawa si Andy.. huhuhu :( Kaya nga nung ganun yung nangyari sa ending ng book 1 (alam nyo na yun), kahit na mukang masama ang dating ni Andy, eh ok lang sa’kin kasi kahit papano, somehow kay Andy pa rin sya. Kaya nga lang nagalit sya kay Andy dahil dun. Aargh! Tapos nagtuloy pa yung galit ni Dana sa book 2. Sobrang naawa talaga ko kay Andy kasi sobrang pagmamakaawa na ginagawa nya kay Dana. Tapos napakita pa dun kung ‘gano talaga kamahal ni Andy si Dana. Nakakatouch lang, kainis! Hanggang sa magkasundo sila somehow ni Andy sa umpisa tas naging sila pa. Ang nakakainis lang nung bumalik na nga si Cyriel.

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon