Training To Love (jonaxx)

5.9K 19 6
                                    

~101713~

Training To Love

by jonaxx

So ayun nga, huli ko ng narealize na related pala ang TTL sa WDYHM dahil sa nakita kong mga pangalan nila. Haha! XD

Brief synopsis. Sa kagustuhang makapasok ni Trisha G. Roncesvalle  sa Le Marcelle, isa sa pinakamalaki at sikat na hotel na may branch sa iba’t ibang bansa, binlackmail nya ang anak ng may ari nito na si Troy Ezekiel Salazar. Ang pagtanggap sa kanya bilang OJT sa hotel na iyon kapalit ng ‘sex video’ umano ni Troy na hawak nya. Dahil sa may pinangangalagaang pangalan si Troy, pumayag sya sa gusto ni Trisha ngunit, subalit datapwa’t kailangan may twist ang deal na ito. Nalaman ni Troy na may gusto si Trisha kay Jayden Corpuz, ang general manager ng Le Marcelle, kaya naman dahil sa ‘bored’ daw sya, gusto nyang i-train si Trisha kung paano maaakit si Jayden. Dito pumasok ang Art of Seduction 101 ni Troy Ezekiel Salazar. Paanong ang isang playboy at hindi naniniwala sa ‘love’ na si Troy ay mahuhulog sa isang simple,  inosente at NBSB na tulad ni Trisha? Basahin mo para masaya.

Yay! Super kinilig talaga ko sa TTL! Pinaka favorite ko ang Baka Sakali sa stories ni author, sunod na itong TTL! Like na like ko yung convo nila ni Trisha at Troy. Nakakatuwa at nakakakilig! Yung attitude ni Trisha, nakakatuwa. Hindi ko maexplain talaga yung nararamdaman ko.. Basta, kinikilig ako sa kanila! Haha! Favorite ko ang loveteam nila sa lahat ng stories ni author. :))

Hindi ko alam pero gustong gusto ko talaga sa mga story yung magkaaway sa simula ang dalawang bida. Hahaha! Hindi ko talaga alam kung bakit. Mas kinikilig ako pag ganun. Haha! Kaya yung samahan ni Troy at Trisha, tuwang tuwa ako. Lalo na yung part na ng training nya. Yung Art of Seduction ni Troy. Waaah! I so love it! Saka si Jayden, siguro kung hindi ko naunang basahin ang WDYHM, magiging kontrabida sa paningin ko si Jayden. Bias kasi ako sa bida, kung sino ang alam kong bida, dun ako kampi. Haha! Pero dahil nga kilala ko na sya, medyo naawa naman ako sa kanya dito. At mas naintindihan ko ang WDYHM. Haha! Yun nga lang, dahil alam ko na, na si Jayden ay para kay Charity, medyo hinintay ko na kung kelan magchi-cheat si Trisha kay Jayden and worst, alam ko na, na ikakasal si Troy at Trisha sa Barcelona! Haha! XD Anyway, ganun pa man, hindi sya nakabawas sa kagandahan ng storya dahil sadyang maganda lang talaga ang story. Si Troy, nakakainlove! Haha! Wagas magmahal kahit na maging kabit lang sya. Haaaay! Wala na ‘kong masabi, basta most recommended talaga ito!

Semper Fidelis… Semper Fidelis… Semper Fidelis… Semper Fidelis… Masarap lang sabihin. Ba’t ba? Haha! New vocabs learned from this story. I love it! Haha! Hindi ko sasabihin ang meaning dito, basahin mo na lang kung hindi mo pa nabasa. Haha! :p

And that’s all folks!

Click the External Link for the story.

Stories Worth ReadingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon