Kabanata 14

1M 26K 6.3K
                                    

Kabanata 14

Paghanga

Susundin ko na lahat ng sinabi ni Troy sakin kahit na mahihirap ang mga ito. Aniya'y kailangan nga ng disiplina ang Art of Seduction.

"Kumusta?" Naghihintay na tanong ni Jayden sa restaurant nang nag break.

"Okay lang." Ngumiti ako at agad luminga-linga.

Importante daw ang eye contact pero maganda rin kung tumingin sa ibang bagay para di kabahan ng bongga.

"Malapit ka ng lumipat sa front desk ah?" Tanong niya.

Tinignan ko na siya ngayon, "Oo nga. Excited na akong makihalubilo sa mga tao." Humalakhak ako.

"Hilig mo palang makihalubilo?" Tumawa rin siya.

"Mejo. Pero sa school hindi naman ako masyadong nakikihalubilo." Ngumisi ako.

"Ah! Onga pala. Order na ako."

Bago niya pa senyasan si Eliz para sa kape.

"Uh, juice nalang yung akin." Sabi ko agad.

Nabigla siya sa sinabi ko. Kinabahan naman ako at baka nainsulto ko siya.

"Inuuhaw kasi ako ngayon. Gusto ko ng malamig." Ngumiti ako.

Tumango siya at umorder na rin ng para sakin.

Tinignan kong mabuti ang buhok niya. Ilang ulit ko rin 'tong pinag isipang mabuti. Hindi ako makapaniwalang gagawin ko na talaga ito ngayon!

"Uh... Masyado ng mahaba yung buhok mo no?" Sabi ko.

"Huh?" Napahawak siya sa buhok niya at napangiti. "Bakit?"

"Mejo mahaba na kasi. Mas bagay sayo iyong clean cut." Tumango ako at ininom ang juice na kararating lang.

Natahimik siya habang hinahawakan ang buhok.

Dinig na dinig ko naman ang kabog ng puso ko habang hinihintay ang sasabihin niya.

"Talaga? Sige, di bale magpapagupit ako." Ngumiti siya kaya napabuntong-hininga ako.

Hay salamat!

Sa sumunod na araw, nagpagupit nga siya. Laglag ang panty ko at naihi ng rainbow nang nakita ko siyang inaantay ako sa pintuan ng Le Marcelle na nakangiti.

OH MY GOD! Sobrang gwapo niya talaga! Clean cut na ulit yung buhok niya at kumikislap ang mga mata niya habang nakangiti sakin.

"Better?" Tanong niya.

"Better." Sabi ko at ngumiti.

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon