Kabanata 15

940K 25.9K 11.6K
                                    

Kabanata 15

Unang Halik

"W-Wala naman. Hindi pa ako nag kaka boyfriend eh." Uminit ang pisngi ko at di ako makatingin sa kanya.

Tumango siya, "Akala ko meron. Buti wala." Tumawa siya.

Lintek na puso! Puro tibok lang ang nalalaman! Dinig na dinig ko na! Nag leak na ng tuluyan yung rainbow na kanina ko pa pinipigilan.

"Ikaw? May girlfriend ka ba?" Tanong ko.

Umiling siya habang umiinom ng tubig, "Wala. Nagkagirlfriend na ako. Dalawang beses." Nagkibit balikat siya.

"Ganun ba? Bakit naman kayo nagkahiwalay ng mga girlfriend mo?"

Seryoso niya akong tinignan. Narealize kong baka mali yung tinanong ko kaya...

"Sorry... Hindi mo naman kailangang sagutin yun." Sabi ko.

"Hindi. Okay lang naman. Matagal na yun." Ngumiti siya. "Yung una, masyado pa kasi kaming bata nung naging kami. High school pa lang. Apat na taon kaming nagtagal. Tapos narealize namin na we've grown. Iba na yung pananaw namin sa buhay. Iba na yung mga gusto namin kaya naghiwalay kami."

"I'm sorry." Sabi ko.

Umiling siya. "Its okay. Yung ikalawa naman, girlfriend ko nung college. Uh... 3rd year college, to be exact. Tumagal din kami. Limang taon. Pero di ko natagalan kasi sobrang selosa." Aniya.

"Talaga? Wow! Siguro kasi marami kang babae?" Tumawa ako.

Tumawa din siya, "Hindi naman. Pag ako na inlove, hindi ako titingin sa iba. Ikaw lang talaga. Pero hindi maiwasang may ibang babae din sa work place kaya lagi siyang nagseselos. Kinukumbinsi ko siya araw-araw na siya lang talaga."

"Talaga? Kahit sino pinagseselosan niya?" Nabigla ako sa sinabi ni Jayden.

Tumango siya, "Oo. Kahit sino. Sayang nga eh. Mahal na mahal ko yun. Pero that's okay. Matagal na yun. Mag dadalawang taon na kaming wala."

Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nahumaling sa kanya ngayon. Matatagal ang relasyong pinagdaanan niya. Ibig sabihin, magaling siyang mag handle ng relationship. Hindi padalos-dalos. Kung may problema, pinag uusapan muna. Mature. Yun ang gustong-gusto ko sa kanya. Nung prof ko pa lang siya, halata na sa kanya ang pagiging ganitong klaseng tao.

"You okay?" Ngumisi siya.

Namula ako. Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya habang nag mumuni-muni.

"Ye-Yep. Sorry. Humahanga lang talaga ako sayo." Mas lalong uminit ang pisngi ko sa sinabi ko.

Ayan! Dumadaldal ka na naman.

Napaawang ang bibig niya pagkatapos niyang marinig yun. Nakita kong pumula ang pisngi niya.

"Huh? B-Bakit ka humahanga sakin?" Nauutal na tanong niya.

"Kasi seryoso ka kung makipagrelasyon. Yung uso kasi ngayon ay yung mga laro." Tulad ng ginagawa ni Troy: Seduction. Love ang gusto ko. At ito yun... Ganun yun... Yung ipinapakita mismo ni Jayden. Ganun  ang love!

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon