Kabanata 37

885K 25.1K 5.5K
                                    

Kabanata 37

Minahal Ko Ang Girlfriend Mo!

Tahimik ang buhay ko. Hindi ako masaya pero tahimik lang. Hindi parin ako pinapansin ni Jayden. Hinayaan ko na lang. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asang maging okay ulit kami. Maging magkaibigan o at least kaswal man lang na nag uusap.

Napaghahalataan na rin ng mga katrabaho ko. Syempre, tinanong nila ako, sinasabi ko ang totoo: na wala na kami.

"Ang bilis naman..." Sabi ni Sunny.

Tatlong linggo na ang nakalipas nang nangyari yun sa school. Mabuti na rin siguro at umalis si Troy para di na mas magkagulo. Pero damn! Hindi ko talaga maiwasang isipin siya minsan. At pag iniisip ko siya, nafu-frustrate ako, naiinis, naiiyak, naninikip ang dibdib.

Isang linggo na lang at tapos na ang internship ko dito sa Le Marcelle. Bibigyan ko ang sarili ko ng isang linggo para humingi ng tawad kay Jayden... Magpaliwanag sa kanya... Hindi ako magtatanong kung ano ba talaga ang ginawa ni Troy o sino ang nagbigay ng CD o bakit pinaalis si Jane. Gusto kong sa kanya lang naka focus lahat... Na totoong may naramdaman ako para sa kanya... at talagang naagaw lang ang puso ko. At kasalanan ko iyon. Salawahan.

Binibisita din ako nina Emma dito sa Le Marcelle. Simula nung nangyari yun sa school, mas naging concerned na sila sa kalagayan ko. Ngingitian ko na lang sila.

I think I'm okay.

I think it's okay...

I miss him but this is okay.

I'm not good for him. Ako ang may kasalanan dito. PInaglaruan ko silang dalawa. Ako ang dapat parusahan. Totoong baguhan pa lang ako sa pag-ibig pero dapat alam ko kung ano ang pinasok ko bago pa ako pumasok.

Tama talaga sina Emma sa sinabi nila... Ako ang puno't-dulo dito. Baguhan din si Troy sa pag-ibig, nag offer lang siya sakin dahil mahal niya ako, ako yung mahina, ako yung kumagat. Ako ang may kasalanan. Kaya ako din ang mag-aayos nito.

Balang araw, magkakaayos din kami ni Jayden...

Balang araw, pag nakabalik na si Troy, magkakaayos din kami...

Pero nagdaan ang mga araw, ayoko mang isipin, pero may puwang sa puso kong hindi kayang punan ng trabaho, ng kaibigan, o kahit ano... MAy pangungulila akong naramdaman. This is the first time I felt this way.

Naiiyak ako pero alam kong hindi pwede. I need to stay strong and firm... Maybe... maybe I should let it all go. Pero hindi iyon ganun ka dali. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Madaling sabihin kung ikaw ang nanonood sa akin, mahirap kung ikaw ang nasa sitwasyon ko. Ito pala yung mga sinasabi nila. Heartaches.

"Pwede bang mahiram yung keys ng room na nasa dulo?" Tanong ko sa kapalit ni Jane.

Tumaas ang kilay niya. "Bakit?"

"Kasi may nawala ako doon sa loob nung last time akong naglinis riyan."

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon