Wakas

1.5M 41.5K 17.3K
                                    

Wakas

Masarap ang simoy ng hangin dito. Masarap mag unwind dahil sa tanawin at sa klima. Tinanggap ko ang internship na ito sa kagustuhan niya. Hindi ko nga maintindihan kung bakit gusto niyang nandito ako. Napalunok ako habang iniisip ang mga posibleng dahilan.

Nangako ako sa sarili ko na hindi ko kailanman pagdududahan ulit ang pagmamahal niya sakin. Marami nang masamang nangyari sa kanya dahil sa kakamahal sakin. But still, I can't think of any reason. Hindi ko mapagtanto kung bakit gusto niyang lumayo ako sa kanya. Pinilit niya ako sa internship na ito. Hindi ako makatanggi kasi siya mismo ang nagpaproseso ng mga papeles ko para makuha ito.

I'm wearing this white flowing maxi dress. Magmumukha akong white lady kung nasa Manila ako pero dahil nandito naman ako sa Spain, bagay parin.

Bago ako umalis, binilin niya saking bisitahin ko raw agad itong lumang cathedral dahil ito daw ang paborito niyang lugar dito.

Napalunok ulit ako. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi hindi ko maintindihan kung bakit nandito ako kung saan wala siya. Hindi ba pwedeng magkasama kaming dalawa? Pero wala, eh, ito ang hiniling niya. Hindi ako nakaimik noong hiniling niyang kunin ko ang internship na ito, as my last internship.

Gusto kong gumanti kay Jane sa lahat ng nangyari. Kinausap ko siya nang nakita ko siyang palaboy-laboy sa ospital ilang araw pagkatapos nung aksidente.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita dito!" Sigaw ko.

Nabigla siya sa pagsugod ko.

Mangiyak-ngiyak pa siya nang tinignan ako ng diretso sa mga mata.

"K-Kumusta na siya?"

Sinabunutan ko! Wala akong pakealam kung mag eskandalo ako dito.

Hindi siya nanlaban. Inawat agad ako ng mga kaibigan ni Troy.

"Trisha, tama na!" Anila.

Ni hindi nila alam ang sinasabi nila. Kung alam lang nilang itong babaeng ito si Jane - yung dahilan ng lahat ng kaguluhang ito.

"Hindi ko n-naman alam na ganun ang mangyayari-"

"WALANG HIYA KA! ANONG INIISIP MO NA AKO YUNG MASASAGASAAN? AT ANO ANG NANGYARI NGAYON? SANA TALAGA AKO NA LANG EH!" Nabasag ang paos kong boses. "Langya ka! Walang hiya ka! Mag gana ka pang pumunta dito!"

Umatras siya.

"G-Gusto ko lang malaman kung okay ba siya... L-Lalayo na ako. H-Hindi na ako manggugulo." Aniya.

"Sino ba 'to, Trisha?" Tanong ni Irene sa likuran ko.

Hindi ko siya pinansin. Buong atensyon ko kay Jane lang nakatoon.

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon