Kabanata 47

1M 25.3K 5.2K
                                    

Kabanata 47

Airborne Kisses

"Happy birthday, Troy." Sabi ko sa gitna ng mga halik namin.

Hindi ako makatulog sa gabing iyon. Hindi matanggal sa isip ko yung ngisi ni Troy habang nag di-dirty dance sa harap ko. Natatawa ako. Nakikiliti ako habang iniisip na nag sensual dance pa talaga siya sa harapan ko. Ni hindi ko na inisip kung anong mga reaksyon ng mga tao doon sa dancefloor habang ginagawa namin yun. Naghalikan pa talaga kami.

Wala siyang ibang sinayaw kundi ako. Buong atensyon niya, nakatoon sakin. At halos di ko na rin makita ang mga tao sa paligid dahil siya na lang ang klaro sa paningin ko.

"Hey! Good morning!" His voice was husky.

Kinusot ko ang mga mata ko kinaumagahan. Sabado pala ngayon.

"Troy..."

"Ligo ka na at magbihis. Date tayo... Nanliligaw ako, diba?"

Napatalon ako sa kwarto ko.

Pagkatapos ng usapan namin, agad na akong nagbihis. Inisip ko baka may kasama na naman kami sa date namin ngayon. Baka kasama na naman namin yung mga kaibigan niya. Excited ako pero natatakot din at the same time. Iniisip ko kasi yung nangyari noong huling date namin.

Pero nang dumating na kami sa 'date' na gusto niya, nabigla ako kasi kaming dalawa lang.

"Asan na yung push-up bra mo?" Tumawa siya habang nagpapark siya.

Uminit agad ang pisngi ko. "Tseh!" Umirap na lang ako sa hiya.

Kinurot niya ang pisngi ko at tumawa parin.

"Teka lang..." Aniya.

May kinuha siya sa backseat. Habang inaabot niya iyon ay kinuha ko ang cellphone niya at ni-swipe agad.

Nang lumingon ako sa kanya ay nakatago na ang mukha niya sa bouquet of flowers na kinuha niya sa back seat. Kinuha ko iyon sa kamay niya.

"Thank you..." Namumula na yata ako ngayon ng parang kamatis.

Ngumisi siya pero napawi agad nung nakita akong hawak-hawak ang cellphone niya.

"AKIN NA YAN!" Sabi niya.

"Bakit?"

Inabot niya pero inilayo ko naman. Nabigla ako sa reaksyon niya. Kung pulang parang kamatis yung pisngi ko kanina, mas malala yata yung sa kanya. Hindi siya makangiti ng mabuti dahil sa frustration niya nang makitang tinitignan ko ang phone niya.

"Trisha!" Kumunot ang noo niya at hilaw parin ang ngiti.

"Anong meron!?" Kinabahan ako.

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon