Kabanata 12

1M 26.1K 4.8K
                                    

Kabanata 12

Magaling na Troy

Tahimik parin si Troy ng mga ilang sandali sa drive papuntang Penthouse.

"Jusko! Halos manisay na ako sa kilig! Minsan kahit nakakairita ka, okay parin yung nagagawa mo dahil maganda ang timing!" Sabi ko habang tinitignan ang mga lights galing sa mga sasakyan at mga building.

Minsan, may nakikita akong mga tao na napapalingon samin. Tinted naman ito kaya sigurado akong yung sasakyan niya ang tinitignan nila.

"Ginagamit mo ba talaga yung ekspresyon na yun?" Biglang tanong ni Troy pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"Oo naman. Bakit? Ikaw kasi, dirty minded ka masyado! Napakaliteral ng iniisip mong pagkakatanggal ng panty! Hindi naman ako tulad mo na manyak." Sabi ko.

Sumulyap siya sakin nang nakasimangot.

"Trisha, Jayden is 24. What do you expect?"

Kumunot ang noo ko at napaawang na lang ang bibig habang tinititigan si Troy na tumitingin sa daanan. Paminsan-minsan ay naliliwanagan ang mukha niya sa city lights at mas lalong naliwanagan ang mukha niya. Napalunok ako. Kahit nakasimangot, gwapo parin. How can someone be this handsome?

"What do you mean?" Nanliit ang mata ko habang tinutulak ang mga kababalaghan sa pag iisip ko.

Bumuntong hininga siya, "Marami na siyang karanasan sa sex, Trisha. 24 na siya kaya paniguradong normal na sa kanya ang pag-"

"WHAT?" Uminit ang pisngi ko.

Sumulyap siya sakin at ngumisi.

"That's the truth."

"No! No! Impossible! Ikaw lang naman ang manyak dito kaya wag mong itulad ang pagiging manyak mo sa kanya. Iba siya!"

"Really? Can you ask him, then? Diba you always have the guts? Why don't you ask him? Kung sino sa mga ex niya ang nauna? Kung ilang beses sila sa isang linggo-"

"SHUT UP!" Sabay takip ko sa tainga ko. "Shut up, Troy!"

Bumuntong-hininga ulit siya, "Trisha, sorry, pero ikaw na lang yata ang conservative dito sa mundo-"

"Hindi pwede!"

"Anong tingin mo? Na wala ding tinatagong kamanyakan yang si Jayden?"

Natahimik ako. Tama si Troy. May punto siya. Siya nga na 20 pa lang ay marami nang nakaganun, si Jayden pa kaya na 24 na? OMG! Ilan na kaya ang naging ex ni Jayden? Or may girlfriend kaya siya ngayon? OMG! Naninikip ang dibdib ko habang iniisip ko yun. Inaamin ko talaga, may point ang kurimaw na ito. Umaasa akong sana ay ang una ko ay siya ring huli. Uminit pa lalo ang pisngi ko habang iniisip yun. BAKIT ITO ANG INIISIP KO NGAYON? Kainis si Troy!

"Hmm? Anong iniisip mo?" Tanong niya habang nagpapark kami sa parking lot ng Penthouse.

Training To Love (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon