BOOK 4 > Ch. 20 ~THE PARAMOUR'S SERENDIPITY~

9.1K 294 44
                                    




i...







" And I now pronounce you, man and wife. You may kiss the bride. "




Daig pa ni Elizabeth ang mommy ni Nadia kung pigilan niya ang lumolobong emosyon sa kanyang dib-dib. Gustong gusto na niyang maiyak sa pinaghalo-halong nararamdaman. Saya, sapagkat ito ang pangalawang beses na naka-witness siya ng kasal sa taong ito, ng dalawang taong nagsumpaan sa harapan ng Diyos at ng tao na walang iwanan sa ano mang dagok at saya ng pagsasama, na mamahalin ang isa't isa sa hirap at ginhawa, at higit sa lahat ay ang pangakong tatanda ng magkasama na ang iibigin lamang ay ang taong kasamang sumumpa sa'yo sa dambana. Wonderful. Avid fan siya ng kantang 'Love moves in mysterious ways'. Sino nga ba ang makakapagsabi ng taong para sa'yo? Nakaka-amaze na sa dinami-dami ng nilalang sa mundo, me isang tao na makakaramdam ng isang araw mare-realize niyang in love na siya sa'yo. Na sa dinami-dami din ng tao na ipinanganak, maiisip mong siya pala ay para sa'yo?


Like the ticking of a clock, two hearts that beat as one, But I'll never understand the way it's done. Tama, walang makakapagsabi. Kahit na siguro anong pilit at plano mo, walang makakapagbigay explanation ang kung paanong isang tao ay inilaan sa'yo. Ang sabe nga ng mga matatanda, ang bawat kaldero ay may nakalaang takip. That each person is meant for another waiting human being. At sa'yo lang siya. At ikaw ay sa kanya lamang.


Napayuko si Elizabeth ng magpalakpakan ang mga tao pagkatapos na halikan ni Matt si Nadia. Bigla niyang tinanong ang sarili, siya kaya? Kailan niya kaya finally matatagpuan ang taong para sa kanya? Yung walang kaagaw? Yung hindi inagaw? Yung malinaw na kanya at masasabi niyang kanya?




" Lizbeth, are you alright? "




Naramdaman niyang pinisil ni Zep ang kanyang kamay na hawak-hawak nito. Napatingin siya sa katabi na nakakunot na ang nuo. Concern laced his handsome face. Bahagya siyang ngumiti at tumango." Oo. Na... nahihilo lang siguro ako. Alam mo na. Soon-to-be nanay problems. Hayaan mo na. Gutom lang 'to. Malapit na naman ang dinner. I'll be fine. "




Ang sabe ni Elizabeth na hindi gustong pag-usapan ang lungkot niya sa gitna ng mga nagdidiwang na tao.




" Are you sure? I mean, pwede tayong mauna sa Manila Hotel and wait for the rest of the folks there. Para lang makahinga ka sa open air. "




Ang sabe ni Zep sa nakakaintinding tono. He's not a wall to not recognize the pain in the woman's eyes. Sa unang pagkakataon na nakilala niya si Lebanon Hewitt kanina ay alam niyang kulang na lang at maghamon ito ng away kaninang makita siya nito na pumupulupot kay Elizabeth. The man instantly became what Jealousy is suppose to mean. Then there was Taygan Neri. Hindi sa nagiging bias siya sapagkat kaibigan niya si Elizabeth. Pero hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng disgusto para sa babae. Something about the woman was off. Ikinuwento sa kanya ni Elizabeth ang lahat ng dapat niyang malaman at galit ang una niyang naramdaman ng matapos itong mag-open sa kanya isang buwan na ang nakakaraan. Elizabeth suffered a great deal para lang sa isang lalaki na hindi kayang ipagsigawan sa mundo na siya ang legal na girlfriend just because nagtu-time ito. Then Elizabeth also mentioned about Taygan suffering from cancer. Apparently itong babae na ito ang naagawan na ng boy friend ay sinawing palad ding dinapuan ng cancer. Zep should be sympathizing for the other woman. Pero hindi iyon ang naramdaman niya. He was disgusted even. Lalo na ng nakita niyang na-excite ito ng malaman na isa siya sa mga ever sought, rich, truly expensive bachelor. He hated the title from the very beginning. But obviously, nalula sa paghanga ang mga mata ni Ms Neri ng makilala siya. Lord forbid, pero hindi niya gustong makasalamuha ang mga ganung babae. She almost sounded like an ambitious woman to him. Hindi tuloy maintindihan ni Zep kung bakit mas pinili ni Lebanon ang mga ganun klaseng babae kumpara kay Elizabeth. The man must have been very stupid.

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon