BOOK 4 > Ch. 11 ~ THEY NEEDED HIM ~

8.4K 302 36
                                    



If someone is willing to cheat with you, they will cheat on you. As much as you hate to believe it, you're not the exception to the rule.







i...







" Sissy, sumama ka na sa amin? Manonood lang tayo ng movie. Tapos nun, magda- dine out tayo! "




Ang sabe ni Nadia kay Elizabeth na nagmu-multi task. Nagta-type kaharap ang pc, habang nakikipag-usap kay Nadia.




" Nadz, matagal pa ang sweldo! Kakabayad ko pa lang ng Meralco at Nawasa. Magpapakabit pa ako ng internet sa bahay para kay Cali. Ano ba't petsa de peligro ngayon ay ngayon pa kayo nagyaya lumaboy? "




Ang sabe ni Elizabeth na hindi totoong nasa kritikal na ang budget. Malaki ang pa-sweldo sa kanya ng kumpanya. Si Geneva pa lage ang sagot ng lunch at meryenda niya. Kahit pa sinabeng dumating si Cali at pinapag-aral niya ito, hindi naging dahilan upang mangapos siya sa pera.




" Hiyang-hiya naman ako sa'yo, Elizabeth! Sa pagkaka-alam ko anlake ng sinuweldo mo last cut-off! At kahit pa gagarampot ang sweldo mo, sino bang me sabeng tayo ang gagastos ng date na ito? Hello?! Si boss Rafa Armand ang nagyaya! Alam mo naman 'yun. 'Pag yun ang nagyayang lumabas galante at ni singkong banlag, hindi ka gagastos! Sige na! Holiday naman bukas eh! "




Ang sabe ni Nadia na mukhang hindi siya tatantanan. Lahat ng sinabe ni Nadia ay may katotohanan at alam niyang wala siyang lusot. Pero me dahilan siya kung bakit hindi siya makakasama. Kung me lakad ang mga kaibigan niya ay mas lalong me importante siyang lakad. She has been looking forward for this day. Pinaghandaan niya ang araw na ito at walang sino man sa planetang ito ang makakapag-cancel nun.




Today, she'll finally reveal her pregnancy to Lebanon and that they are going to be parents soon.




Me kakaibang excitement ang dumaloy sa puso ni Elizabeth ng maalala ang kanyang ipinagbubuntis. Kini-kinita na niya ang reaksiyon ng binata. Baka magtatatalon iyon sa tuwa gaya ng mga nakikita niya sa movies pag nakakatanggap ng good news ang isang lalakeng magiging tatay na. Na figure out din ni Elizabeth na right timing na din. Napatunayan na niyang at the end of all these, siya ang mahal at pipiliin ni Lebanon no matter what. Hiniling ni Lebanon sa kanya ang kanyang patience. Aayusin ng binata ang sitwasyon niya with Taygan. Naiintindihan naman niyang hindi madali ang kumawala sa isang relasyon, lalo na at kumukumplikado habang tumatagal. 

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon