BOOK 4 > Ch. 26 ~SCREWED~

10.7K 321 47
                                    

A/N: This was supposed to be the last chapter. However, masyado na akong na-delay sa pagpopost just because andaming nangyare sa akin these past few weeks. Post ko muna po 'yung natapos ko for this week. It would be wonderful to read your comments and suggestions. Salamat po in advance.




' A LIE MAY TAKE GOOD CARE OF THE PRESENT. BUT IT HAS NO FUTURE. '







i...







Lebanon looked overwhelmed. Napatayo siya mula sa kanyang kinauupuan, habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa babaeng open na nag-declare ng pagmamahal nito sa kanya at buong pusong ipinagsisigawan sa harapan ng kanyang mga kamag-anak na tinatanggap nito ang kanyang marriage proposal. Sa dinalawang beses niyang nakaranas ng rejection 'pag nag-oofer siya ng kasal, parang ikinagulat pa ni Lebanon nang may isang babaeng pumayag na makipag-sumpaan sa kanya ng habangbuhay. At si Elizabeth ang pinaka-huling babae ang ine-expect pa niyang papakasal sa kanya. Afterall, he was the one who screwed their relationship. In Spite of all the pains and agony though, the woman was without a doubt loving him as if he was sinless.


Sa gitna ng mga palakpakan at sigawan ng kanyang mga pamilya ay hindi na nagpatumpik-tumpik pang mabilis na inakyat ni Lebanon ang stage. Nang mapaharap siya kay Elizabeth ay huminto siya in some point. He looked at her with those eyes as if wishing and praying that this moment was not a dream at all.




" Elizabeth, wala ng bawian 'to? I am giving you your last chance to back out and just... leave me."




Ang sabi ni Lebanon na pinipigilan ang sarili na lumapit pa sa babae na ang mga mata nanlalaki ng dahil sa pag-ibig para sa kanya. Elizabeth gave him a faint smile. Nasasaktan siyang isipin na nagkaroon ng ganitong trauma sa katawan si Lebanon. Sumasakit ang puso niya sa ideya na minsan sa buhay nito ay naisip nitong hindi siya karapatdapat pakasalan. Taygan did this to him. Nakakagalit isipin na parang tanga lang yung babaeng 'yun para tanggihan nito ang mga marriage proposals ng isang lalaking katulad ni Lebanon Hewitt. Pete's sake. Hindi man perpektong lalaki si Lebanon, pero imbecile lang ang hindi makandarapa ang magpakasal dito. The guy has the face, the body, the height, the intelligence, the money and the character worth dying for. Hindi na nito kailangan pang manligaw o magpa-gwapo para lamang me pumatol sa kanya. He's almost perfect. He even have a decent job, the house and the car, damnit. Ano pang hihingin mo, 'di ba? At sa mga nakaraan na araw na hinayaan niyang ligawan siya ng binata, hindi niya naman matatawaran ang pagsisilbing ibinigay sa kanya nito. Elizabeth warmly eyed the man who looked like at her with those expectant green orbs. May halo din itong confusion. Most specially, takot. The large man was obviously scared too. Ngumiti si Elizabeth habang ramdam ang mga masasayang tingin sa kanila ng mga nanunuod sa baba ng stage.

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon