BOOK 4 > Ch. 8 ~ HAPPY ENDING ~

11.1K 358 55
                                    

A relationship will soon sink if it has too much passengers in it.







i ...







His code name is Black Panther.




Sa mga panahon na siya ay nasa ilalim ng US Marines troops, ay nabansagan siyang Black Panther sa husay at bilis niyang gumalaw sa dilim. Ang skill niyang makalapit sa kalaban na walang kaingay-ingay at ang rare nitong talentong pumatay gamit ang speed ng kanyang mga kamay na akala mo'y walang nangyare. Bibilang ng segundo at ang biktima ay bigla na lang mawawalan ng ulirat at buhay.


Ang huling assignment niya apat na taon na ang nakakaraan ay nang mapasama siyang iligtas ang apo ng Prime Minister ng China mula sa mga teroristang humihingi ng ransom. Isa siya sa limang spy. Nang maisagawa ang mission ay mismong ang agency na pinagtatrabuhan niya ay pinagpahinga siyang mag-report sa dahilan na may nakakilala sa kanya. Simula nuon ay na-assign siya sa trabahong itinuturing niyang kabagot-bagot. Ang protektahan ang isa sa pinaka-mayamang nilalang sa mundo na si Rafa Armand Castro at ang iiwas ito sa mga threats at blackmails ay maglilimang taon na niyang ginagawa.


Sa talento niyang pumatay ng tao sa isang bigwas lang niya sa parte ng katawan nito, ang sumalo ng bala para sa CEO ng pinaka-malaking kumpanya sa Asia ay normal lang sa kanya. Hindi miminsang inoperahan niya ang sarili ng dahil sa may nagtangka sa buhay ng CEO. The next day, he was walking with arm bandage as if he has nine lives.


Ngunit sa lahat ng gulo na pinagdaanan at sinuong niya, mukhang itong latest na pinasok niya ang hirap na hirap siyang lusutan. Hindi ang tipo niya ang dumadalawa ng nobya, pero sa hindi niya maintindihang kumplikasyon, kung kelan naman siya tumanda ay ngayon pa niya naranasan ito.




He was never a two timer.




Hindi rin niya ang tipo na makakita lang ng mas maganda o mas uso ay nagbabago na ang kanyang isip. Sa mga panahon na ang karelasyon niya si Taygan, marami man ang nagpaparamdam o may mga babae man na lantaran ang pagsasabi sa kanya ng pagkagusto, ni minsan ay wala ni isa sa kanila ang pinatulan niya. Ayaw niya ng kumplikasyon. Ang nais lang niya ay normal at smooth sailing na relasyon. Ayaw niya rin ng palipat-lipat na relasyon. Hindi siya ang unang nakikipag-break. Ang totoo niyan, pangatlong girlfriend pa lang niya si Taygan. Ang mga nauna niyang girlfriends ay nakipag-break sa kanya sa dahilan na umalis ito papuntang America. Yung pangalawa naman ay pinigilang mag-boyfriend pa kase mahigpit ang parents. Nang tumagal sila ni Taygan ay naisip niyang ito na ang babaeng sasamahan niya sa hirap at ginahawa, hanggang sa pagtanda.




Up until Cassandra Elizabeth Pengson came wearing that sinfully tiny blue dress.

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon