~ BOOK 4 > Ch. 12 ~ THE PARAMOUR'S STITCHES ~

7.7K 309 44
                                    



'The worst thing about being lied to is knowing you weren't worth the truth'







i...







After three months...






Naglalakad si Elizabeth na hila-hila ang de kalidad na kabayo na si Speed, habang ang mga paa niya ay hinahampas ang ng mga pinong pinong buhangin na dinadala sa kanya ng payapang munting alon ng private beach resort. Parang nakakaintindi naman ang thoroughbred horse na ang mamula-mulang katawan ay kumikintab sa palubog na araw, habang sinasabayan nito ang dahan dahang paglalakad ng dalaga. Miminsan ay malakas itong humihinga kapag bigla na lang napapahinto si Elizabeth, na tumititig sa kawalan at akala mo'y may iniisip na malalim. Sa tuwing mararamdaman ni Elizabeth na binubunggo ng ilong ni Speed ang kanyang balikat, ay maaalala niyang kailangan na pala niyang maglakad. Bigla ay parang magigising si Elizabeth sa isang trance at maiisip niyang nasa ibang lugar na pala siya.


Sa maliit na barangay sa Montevista Bacolod ay matatagpuan ang isang tagong beach resort na ang address ay unlisted. Tatlong buwan na ang nakakaraan ng dalhin siya dito ng pinsan ni Rafa Armand, na siya ring nagmamay-ari ng mala-paraisong lugar na ito. He's name is George Axel Montgomery. His origins are from Brazil. Ngunit me dugo rin itong Pilipino sapagkat ang ina nito ay dito isinilang sa Pilipinas. Pinsan ito ng kanyang boss sa mother side na si Madame Olivia Montgomery Castro. The socialite herself is a certified Fil-Am. Half brother ni Madame O.J ang ama ni Axel. Nang unang makilala ni Elizabeth si Axel ay muntik na siyang napasipol. Hindi dahil sa may gusto siya rito, kundi namamangha siya sa idea na may mga lahi talagang hindi pinagkaitan ng extreme good looks. Isa na rito ang lahi ng pamilya ng mga Castros. Ngayon naman ay ang pinsan nito.


Naupo si Elizabeth sa buhangin. Ito ang part ng araw na paboritong paborito niya. Ang paglubog ng araw sa dapit hapon, habang ang dagat ay gumagawa ng payapang ingay nito. Binitiwan ni Elizabeth ang renda ni Speed. Sa tatlong buwan nilang magkasama ng kabayo ay parang otomatik na sa hayop ang ritwal nilang ginagawa sa tuwing sasapit na ang alas singko ng hapon. Tahimik na umupo si Speed sa tabi ni Elizabeth at pumalatak. Otomatik din ang pagpikit ni Elizabeth, sabay sandal sa matipunong katabe.




She need this. The serenity of the universe calmed her. Elizabeth needs to detach herself out from the previous catastrophes.




Nandito siya sa Bacolod sa importanteng dahilan. Damnit, she almost lost the most important part of her. Mawala na ang lahat lahat sa kanya, pero hindi ito. Isusugal niya ang buhay at kaluluwa niya, 'wag lang mawala ito. Binuksan ni Elizabeth ang mga mata. Niyuko ang flat pa ring tsan at hinimas ito. Umiling si Elizabeth.

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon