BOOK 4 > Ch. 24 ~BLUE. AN ANSWERED PRAYER~

12.1K 319 28
                                    

" Pag lalaki ang totoong nagmamahal, binabakuran. "







i....







In just a span of an hour or so, pinatunayan sa kanya ni Lebanon ang abilidad nito na kaya nitong iparamdam sa kanya ang iba't ibang mukha at level ng emosyon.


She felt a surging anger towards him at one time. Then he made her feel vulnerable and wailing. But then he made an effort making her feel sexy and lusting over his damn body, she just don't get it. Furthermore, the guy didn't fail to remind her that she loved him...that somewhere in between, she fell in love with him. Sa inikli ng araw na iyon ay dinaig pa ni Elizabeth ang sumakay sa roller coaster sa iba't ibang emosyon. Gusto na niyang mahilo sa iba't ibang nakakalitong nararamdaman niya. Ito 'yun eh. Ito mismo ang dahilan kung bakit ayaw niyang mapadikit sa lalaking 'to ni isang segundo ng buhay niya. She can't control and protect herself when he's around. Magulo. Masakit sa ulo. Masakit sa puso. And now, ang pinaka-unexpected na emosyon para sa binata ang tanging nararamdam niya sa mismong puntong 'yun. Scared. Elizabeth was so scared. Ramdam na ramdam niya ang biglang pangangatog ng kalamnan at tuhod niya, habang para siyang natuod at hindi na nakagalaw sa kanyang kinatatayuan.


Lalo na ng parang isang beast of prey ang binata na mabilis na nilakad ang papunta sa kinatatayuan niya. Lebanon was still shirtless. Ang tingin ni Elizabeth ay lalo itong lumapad habang naka jeans lang ito at naka-display lamang ang muscle toned na katawan. Para itong sumusugod sa kanya, habang ang mga mata nito ay naniningkit sa kanyang direksyon. On an instant, she felt herself stepping backwards, up until her butt felt the wooden cabinet. At nanlaki ang kanyang mga mata, sabay singhap niya ng hindi tumigil si Lebanon hanggang sa ma-corner siya sa cabinet. He placed both of his hands on both sides of her face, pinning her more. Lebanon bended his head up until their faces an inch close. Kanda-tigas ang likod ni Elizabeth sa kakaiwas niya sa binata. At alam niyang imposible 'yun. Ni hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Lumingon man siya sa kanan o kaliwa, ang mga braso nito ang nakaharang. Only pride had her thinking to put up a poker face. Her slight arrogance had her getting a grip to her sanity. Nang magsalita si Lebanon ay kamuntikan na siyang mapatalon.




" Explain. I need an explanation. Now. Speak. "




Ang sabi nito habang nag gagalawan ang mga muscles sa panga. His minty breath fanning her face. Napalunok si Elizabeth. Both of her fist balled against her side.




" I-Ililipat... Ililipat kame ng apartment ni Geneva. 'Yung p-papalit sa amin dito... me baby. Para sa bagong empleyado 'tong... apartment. "




" At bakit nakaimpake pa 'din ang mga gamit niyo? Hindi ba dapat nasa cabinet na ang mga iyan?"

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon