BOOK 4 > Ch. 9 ~ THE PARAMOUR'S WILL ~

12K 316 44
                                    

i...











Exactly 10:00 am, Shangri-La Mactan Beach Resort







Napapalibutan si Taygan ng malalaking human-size mirror, habang siya ay nakaupo sa gitna ng diagonal shape na walk-in closet ng Presidential suite ng hotel. Sa bandang gilid niya ay ang manequin na suot-suot ang mala-fairy tale na damit na pinagawa pa niya sa isang sikat na fashion designer sa London para lamang sa okasyon na ito. Claire Hicks knew how important this occasion is to her. Sinigurado ni Taygan na sa araw ding ito ay walang titingnang iba si Lebanon kundi siya lamang. Sisiguraduhin din ni Taygan na walang mas gaganda pa sa kanya sa mata ng fiancee kundi siya lamang. 

Nang siya ay nasa London at pinapagawa ang lace inspired, long dress na ang kulay ay leafy green, punong -puno ng excitement at anticipation ang nararamdaman niya, lalo na sa tuwing iisipin niya kung ano ang reaksiyon ng fiancee 'pag nakita na siya ng binata na suot ito. Over a month ago, walang paglagyan ang saya niya sa dame ng plano niya sa mga future parties na mag-aanounce sa relasyon niya kay Lebanon Hewitt.





That was a month ago.





A month ago, she was like a kid who's looking forward in getting her Christmas gift.





Was.





Napakagat-labi si Taygan habang patuloy pa rin ang kanyang malulungkot na mga mata na tinititigan ang sarili sa salamin. Last month, hindi niya masimulang i-describe ang thrill na nararamdaman isipin pa lang niya ang kanyang engagement party. Ang hotel kung saan ito gaganapin, ang mga balloons na nagkalat, ang engrandeng fireworks diplay, sinamahan pa ng live band sa gitna ng asul na fountain, mga bisitang nag-gagandahan sa kanilang mga gowns at tuxedo, mga media na nakikipagsiksikan makuhaan lang sila ng pictures... a dream come true indeed.

At ito nga at dumating na ang araw na iyon, hindi ba dapat ay nagsisimula na siyang makaramdam ng kilig? Nang sobrang saya? Kase bukod sa halos natupad niya lahat ng pinlano niya sa party ay ito na ang simula ng magandang kinabukasan nila ni Lebanon? Pero bakit ni hindi niya maramdaman ang excitement na ine-expect niya one month ago? Sa halip, bakit ba ang lungkot-lungkot niya, gusto niyang magkulong na lang sa kwarto niya sa hotel at umiyak ng umiyak?

Mula sa bulsa ng kanyang bathrobe ay kunuha ni Taygan ang kanyang cellphone. Binuksan niya ang inbox nito na nakatanggap ng twenty unread messages. Nang buksan niya ito'y lalo lamang nadagdagan ang lungkot na dapat ay hindi niya nararamdaman. Ang mga taong nag-text ay ang mga kaibigan niyang dadalo mamaya sa engagement party at binabati siyang congratulations. Pero sa benteng nag-text sa kanya, ni isang message dun ay wala mula sa taong dapat ay kanina pang umagang nagparamdam sa kanya.

Ang last na text sa kanya ni Lebanon ay kagabe pa. Hindi pa ito mag-tetext sa kanya kung hindi siya ang mauuna. Nag-goodnight siya sa binata at makalipas ang ilang minuto ay nag-good night na rin ito sa kanya. Pero hindi iyon ang ine-expect niya rito. Ang normal na lalakeng dadalo sa engagement party niya kinabukasan ay papaulanan ka ng matatamis na salita, mga sweet nothings na magdadala sa'yo sa alapaap hangang sa malunod ka sa saya.





But things aren't the same anymore, specially when the guy already admitted to her that he has fallen in love with another woman.





Pinunasan ni Taygan ang kanyang mga mata. Ang sama-sama ng loob niya. For the past few years, sinubok ang relasyon nila at madame ng nagbago. Aaminin niyang siya ang naging dahilan ng pagbabago ni Lebanon na walang ginawa sa relasyon nila kundi ang patunayan kung gaano siya kamahal nito.





" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon