BOOK 4 > Ch. 21 ~THE PARAMOUR'S ENGAGEMENT RING~

8.3K 279 22
                                    







i...







Naninigas ang mga panga ni Elizabeth habang para siyang nai-istatwang pinapanuod si Zep na isinusuot ang diamond engagement ring sa kanyang kaliwang palasingsingang daliri. Hindi siya makapaniwala. Zep asked her to ride the scripted show and she hadn't decided yet if she'll go along with it. Too late though. Nang hindi siya makasagot sa kunwa-kunwariang marriage proposal ni Zep sa gitna ng maraming tao na bisita ni Nadia at Matt sa kasal nila, ay walang sinayang na oras ang binata at isinuot sa kanya ang diamond ring. Nang masalo ni Zep ang wedding garter kay Matt ay inaasahan ng lahat na isusuot nito ang garter sa kanyang left leg. Walang ka-ide-idea ang mga bisita, miskina ng mga ikinasal na isa itong magiging isang plotted marriage proposal.




" Zeppelin, pakshet ka! Anong problema mo! Bakit may paluhod-luhod ka pang nalalaman na ganian! Marriage proposal! Anong kalokohan 'tong diamond engagement ring na'to?! "




Ang nagngingitngit na sabi ni Elizabeth na sinasaktong hindi maririnig ng mga tao ang sinasabi niya. Tumawa ng malakas si Zep. Ang dalawang kamay nito ay mabilis na pumailalim sa buhok ng dalaga at walang patumpik-tumpik itong itong hinalikan sa labi, habang nagsigawan, napalakpakan, ang iba pa nga ay napa-'Oh my gosh'. Elizabeth didn't see it coming. Lahat na lang ata sa araw na'ito ay clueless siya. Naninigas ang likod at nanlalaki ang mga mata niyang hinayaang halikan siya ni Zep. Sa kung ilang segundo, ay hindi na niya mabilang. Nang lumapat ang mga kamay ni Elizabeth sa tapat ng collar ni Zep, ay sakto namang lumayo na ng bahagya ang mukha nito sa kanya, habang ang mga braso nito ay nakapulupot sa kanyang beywang.




" Good job to us... sweetheart! You've done a good job! Now, smile! "




Ang sabi ni Zep na muli siyang kinindatan. Sa mga mata ng mga nanunuod ay dinaig pa nila ang nilalanggam sa tamis na mag-boyfriend. Madameng kinilig. Madameng cellphone ang naglabasan para sila ay picturan.




" Anong good job to us! Hinalikan mo akong hayup ka! "




Elizabeth hissed in between her teeth. Dinaan siya bilis. Ni hindi siya nakapag-reak. Parang nakakalokong lalong tumawa ng malakas si Zep. He embraced her as if he was a very romantic boyfriend who was so head-over-heels with the woman. Nang mayakap niya ang dalaga'y, bumulong ito sa kanyang tenga.

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Where stories live. Discover now