BOOK 4 > Ch. 16 ~ COULD HAVE BEEN~

8.5K 288 34
                                    

It's been raining since you left me

Now I'm drowning in the flood

You see I've always been a fighter

But without you I give up


Now your pictures that you left behind

Are just memories of a different life

Some that made us laugh, some that made us cry

One that made you have to say goodbye

What I'd give to run my fingers through your hair

To touch your lips, to hold you near

When you say your prayers, try to understand

I've made mistakes, I'm just a man


Always, BON JOVI







i...







Buong gabi habang naghahapunan siyang sinermunan ni Axe ng makita siyang sakay ng kabayo kinagabihan. Dinaig pa nito ang OBgyne niya at ang kanyang mommy Emily. Nag-reason out na lang siya na hindi naman niya pinatakbo si Wings. Nakaupo lang siya sa kabayo habang pabalik ng mansion. Mas lalo tuloy na tumindi ang pagnanais ni Axe na hindi na sila pabalikin ni Julianna sa resort at sa Hacienda na lang mamalagi.


Kinabukasan ay laking pagtataka niya na pareho niyang hindi mahagilap si Julianna at si Axe. Nagising siya ng maaga at tumuloy agad siya sa kusina. Ang sabe ni Nathaniel, na kasalukuyan siya nuong ipinagtitimpla ng gatas, ay nagpunta daw si Axe at Julianna sa bayan. Hindi na nagtanong si Elizabeth ng mga detalye pa kung bakit ang parang aso't pusang si Axe at Julianna ay nakaya pang magpunta sa bayan ng sabay. Habang nag-aalmusal si Elizabeth at nagche-check ng mga available na ingredients sa kitchen sa gagawin niyang straberry pie, ay may inaabot sa kanyang papel si Nathaniel na galing daw kay Axe. Habang ngumunguya ng kahapong natirang tuna pie ay binasa niya ang note na iniwan ni Axe.




' If you're going somewhere else, use my car. Sabihan mo lang si Nathaniel ng lahat ng kailangan mo. Ipagda-drive ka ni Mang Damian kung saan mo gustong pumunta. Gagabihin kame ni Julianna. Don't wait for us. '




" Ma'am, ipapahanda ko na ho ba ang sasakyan kay Mang Damian? Sabihan niyo lang po ako kung may pupuntahan kayo. "




Ang sabe ni Nathaniel na itinuro sa kanya ang gatas na fresh pa sa farm. Inexplain nito sa kanya na nakabubuti ang sariwang gatas sa buntis. Lumapad ang ngiti ni Elizabeth at nagsalita.

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon