Chapter 32

37 3 0
                                    

"Chloe alis na ko" sabi ni Troy.

"Sure kang hindi ka papasok?" tanong ko.

"Hindi na muna" tugon naman niya. Tumango lang ako bilang sagot. Agad naman itong umikot sa sasakyan at binuksan ang driver seat. Umupo na ito at pinaandar ang makina. Nakita ko siyang kumakaway sa loob. Hindi kasi tinted ang sasakyan ni Troy kaya nakikita ko ang ginagawa niya sa loob.

Ngumiti naman ako, at kumaway. I mouthed also, "Thank you". Ngumiti naman siya bilang tugon. At umalis na ang sasakyan nito. Nang hindi ko na makita ang sasakyan niya, nagpasya na kong pumasok sa loob.

Naabutan ko naman sa living room si ate at ...James.

Anong ginagawa niya dito?

Tumayo naman silang dalawa at umalis na si ate papuntang kusina.

"A-anong gi-ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Bakit ako nagkakaganito? Hmm. Naka-black leather na jacket siya, sa loob naman nito at white shirt. Naka-black jeans at black chucks. Bakit puro black naman? Hindi naman halatang favorite color niya ang black di ba? Ang lakas ng dating niya kahit naka-jacket lang.

"I'm just want to check if you're okay now" mahinang tugon nito sakin. Nakatayo pa rin kaming pareho.

Tiningnan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa. At tumingin sa kanya. Hindi naman naalis ang tingin niya sakin.

"As you can see I'm still alive" sarcastic kong sabi.

"Look, I'm so—sorry" sincere niyang sabi sakin.

"Okay lang" tanging nasabi ko. Naiinis lang kasi ako sa nangyari. Baka sa susunod uulitin na naman niya. At sa pagkakaalam ko hindi naman kami ha?

Walang kami! Kaya dapat alam niya kung san siya lulugar.

"Pwede ba tayong lumabas?" tanong niya.

Date? No! Kakain nga lang daw di ba? Date agad. Assuming na naman ako.

"Hmmm. James kasi..pagod ako ngayon, pwedeng bukas na lang?" tanong ko naman sa kanya.

Ngumiti naman siya ng pilit at halatang ayaw niya. gusto niya ngayon pero wala siyang magagawa kasi hindi pa naman kami talaga okay.

"Okay, tomorrow then" aniya.

Tumango naman ako bilang tugon.

Hinatid ko naman siya sa labas. Hindi na pansin kanina na nasa labas lang din naka-park ang kotse niya. siguro kasi natakpan kanina ng kotse ni Troy. Agad naman itong umalis.

Buti hindi mapilit yun ah. Nakakapanibago, nagsusungit siya noon pero ngayon wala. Moody nga naman. Pumasok na ko sa bahay at ni-lock ang pintuan sa labas. Naabutan ko naman si Ate na nagpriprito sa kusina.

"Oh san na yung bisita mo?" tanong niya habang tinitingnan ang prito niya.

Kumuha naman ako ng tubig sa refrigerator. May ref kami kasi nga lang, luma na ito, second hand lang kasi. Umuinom naman ako ng tubig at umupo sa isang upuan dun.

"Umuwi na" walang ganang sagot ko. Tiningnan niya naman ako.

"Kawawa naman yun kanina pa naghihintay yun dito" Kumunot naman ang noo ko sa kanya.

Siya? Naghintay dito kanina pa? Aba himala.

"At siya rin kaya naghatid sayo dito sa bahay nung araw na na-hospital si Mama"

"Siya?" Oo nga pala nag-uusap kami nun, tapos bigla na lang akong nahimatay. Nagui—guilty tuloy ako kasi hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Pano ba naman kasi nananaig yung pagkainis ko sa kanya. Next time na lang siguro ako magtha-thank you.

Tumango naman si ate bilang sagot.

"Mag-tha-thank you na lang ako niyang sa kanya, next time. Si mama ate?" tanong ko. Nasa piniprito parin ang buong atensyon niya. Isinasalin niya na kasi ito sa plato.

"Hmm, may pupuntahan daw"

"San daw?" tanong ko. San naman kaya pupunta si mama? Hindi kaya naghanap na naman ng ibang pagkakakitaan? Jusko. Wag naman sana, pinapagod niya lang ang sarili niya.

Nagkibit balikat lang si ate. Maya't maya narinig naming bumukas ang pintuan ng gate. May tao. Wala naman kaming ibang inaasahang bisita. Siguro nga si Mama yan. Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko at dumeretso sa pintuan upang kumpirmahin kung siya nga.

At hindi nga ako nagkamali. Siya nga. Dumating siyang nakangiti samin. Agad naman ako lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pingi.

"Oh ma, san ka po galling? Wag mong sabihing naghanap ka ng trabaho? Hindi Ka po naming ni ate papayagan diyan kaya wag mo ng ituloy yan" bungad ko sa kanya.

Ngumiti naman ito sakin. At humarap kay ate na nakadungaw sa kusina. Ngumiti din ito kay ate.

"Hindi no. Alam ko namang hindi niyo ako papayagan." Aniya. Umupo naman ito sa sofa. Gayun din ako. "Anak may sasabihin ako sa inyong dalawa. Halika muna dito" nilaksan niya ang boses niya upang marinig ni ate sa kusina. Agad namang pumunta sa sala si ate. Umupo naman sa tabi niya si ate.

"Ano yan ma? Nanalo ka sa lotto?" tanong ko. Habang nakangisi. Umirap naman si mama sakin.

"Sisigaw na po ba kami sa tuwa? Tatalon na po ba kami sa saya?" tanong naman ni ate na tumatawa pa.

"Magsitigil nga kayo. IMportante itong sasabihin ko" tumigil naman sa kakatawa si Ate. Ngunit nakangiti lang ito na animoy na tutuwa kay mama. Gayun din ako.

"Tungkol po ba saan?" tanong ko.

"Tungkol sa....papa niyo" dahan dahan namang nawala ang ngiti ko. Si ate naman napalitan kaagad ng inis ang mukha niya. Ang bilis magpalit ng mood ah. Kanina Masaya at nang-aasar pa ngayon naman mukhang hhindi na maipinta ito.

"Ma. Wala na tayong paguusapan tungkol sa lalaking yun. Tapos na. At kalimutan na natin siya." Sagot naman ni ate. Nakatikom lang ang bibig ko. Ayaw ko munang magbigay ng opinion ko dahil alam kong mahirap kay ate at gayun din kay mama ito.

"Anak, makinig ka muna sakin" mahinahong sabi ni Mama sa kanya.

"Kaya ka po ba umalis kanina? Para makipagkita sa lalaking yun? Ano ma, pinaikot ka na naman ba niya ha? Ano na namang kasinungalingan ang sinabi niya sayo at kinakausap mo kami ngayon ha?"

"Oo siya ang katagpo ko kanina. Nagusap kami. Anak pakinggan niyo muna ang saloobin niya. Dinggin niyo muna ang side niya kung bakit siya umalis nun. Kung bakit niya tayo iniwan noon" sagot naman ni Mama.

Umiling lang si Ate bialng sagot.

"Hindi. Para sakin kahit anong sabihin niya hindi niya maiaalis na iniwan niya tayo at pinabayaan" sagot ni ate at tumayo na ito patungong kwarto niya.

Humarap naman si Mama sakin. Dun ko lang nakita na nahihirapan din siya sa sitwasyon na ito.

"Anak.." niyakap ko naman si Mama. "..try mong pakinggan ang papa mo, wala namang mawawala dun eh"

"Ma, tama naman po si ate. Iniwan niya tayo non. Ni hindi niya nga tayo binalikan. Wala na siyang pakialam satin Ma" sagot ko sakanya. Kumalas naman ito sa pagkakayakap at humarap sakin. Hinawakan nito ang magkabilang pingi ko at pinaharap sa kanya.

"Anak, wala namang masama kung pakikinggan mo yung side niya eh kung bakit niya tayo iniwan" bakas sa tono ng boses ni Mama na nagmamakaawa siyang kausapin ko si Papa. At makikita mo rin sa mukha niya na gusto niya pang maayos itong pamilya na ito. Gusto niya pangmai-survive itong pagiging kumpleto namin.

"Please.." pagsusumamo niya.

"Si ate po" mahinang tugon ko sa kanya"

Niyakap naman ako ni Mama.

"Ako ng bahala sa ate mo. Basta kausapin mo lang ang Papa mo, anak"

"Sige po"

Basta para kay Mama gagawin ko. Itr-try ko rin intindihin si Papa. Pero sana makaya ko. Sana makaya kong intindihin siya, kasi baka maisumbat ko sa kanya yung mga panahong kaylangan naming siya eh wala siya. Yung mga panahon kaylangan naming ng kalinga ng isang ama, yung proteksyon na galing sa kanya.

Pero para nga kay Mama susubukan ko.

Para kay Mama.


The PromiseWhere stories live. Discover now