Chapter 31

35 4 0
                                    

"Oh may pupuntahan ka?" tanong ni Mama sakin. Nakaupo siya sa sala habang nanunuod ng TV.

"Opo Ma, magkikita kami nila Kath at Jess ngayon" sagot ko naman.

"Okay, magiingat ka ah" lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Opo Ma"

Lumabas na ko ng bahay at sumakay sa tricycle. Isang linggo ng nakakaraan simula ng ma-hospital si Mama. Okay na siya, na-stress daw sabi ng doctor. Kaya pinatigil na namin ni Ate sa trabaho si Mama. Kumontra pa siya, sabi niya kaya niya daw ngunit hindi naman kami pumayag. Syempre kalusugan niya yun dapat ingatan niya. Kalaunan pumayag na ring mag-stay na lang sa bahay.

As of my father, ayun buti na lang at hindi pa nagpapakita samin ngayon. Kasi magkakaroon ng gulo kapag magpapakita pa ulit yun.

Nakarating na ko sa mall kung saan kami magkikita nila Kath. Bumaba na ko sa tricycle at nagbayad sa driver, pumasok na rin ako sa mall after.

Usapan namin sa food court kami magkikitang tatlo. Mukha atang napa-aga ako dahil hindi ko pa sila makita—

"Hey, here!" Ayun buti na lang at hindi ako maaga. Nakita ko silang dalawa na naka-dress at doll shoes. Nahiya naman daw ako sa kanila. Ako ang suot ko, natural yung favorite kong palaging suotin, pantaloon, t-shirt at doll shoes. Napusod din ngayon ang buhok ko, trip ko lang na itali para maiba naman daw.

"Kamusta kayo?" bati ko sa kanila pagkalapit ko.

"eto maganda pa rin!" tugon ni Jess. Nakakunot ang noo namang tiningnan ni Kath si Jess.

"Parang wala namang nagbago sayo no" sabi ni Kath kay Jess. Umupo na ko sa tabi nilang dalawa. Buti na lang at hindi pa gaanong marami ang mga tao dito.

"Hey meron kaya, blooming ako" naka-ngiting tugon niya samin.

Napangisi ako sa sinabi niya. mukhang may love life na itong mga ito ah.

"So? May love life ka na ba? Ha? Jess? Si Kyle ba?" tanong ko. Agad naman itong namula at lumaki ang mata.

"Hindi ah" sagot nito at napatingin siya sa cellphone niya na nasa table namin.

"Anong hindi, halos magka-text nga kayo buong magdamag eh" pang-aasar ni Kath.

Ha? Buong magdamag? Hanep pala itong si Pareng Kyle ah. Magdamag talaga.

"Kaya pala blooming eh" pang-aasar ko rin. Hindi ko napigilang tumawa.

"Che! Tigilan niyo nga ako. Bakit ako lang ba? Bakit di mo tanungin yung isa diyan?" sabi sakin ni Jess. At tumingin sa gawi ni Kath ".. di ba Kath?"

"Bakit ako?" tanong naman ni Kath. Napatingin siya sakin at nakangisi akong tumingin sa kanya.

May something na kaya sa kanila ni Allen? Grabe ah bongga na mga love life nitong mga ito samantalang ako andami pang problemang kakaharapin. Siguro last priority ko na ang pag-lo-love life.

"Nakita ko kaya nung kelan, magka-akbay siya sayo! How sweet. Kulang na nga lang eh lamunin ako ng mga langgam." Nang-aasar din bawi ni Jess. Dedepensa na sana si Kath ng unahan niya ni Jess. "Wag mong i-deny may picture ako" sabay pakita niya ng cell phone niyang may litrato ni Allen at Kath. Naka-akbay si Allen kay Kath.

"owww" tanging nasabi ko. At tumingin kay Kath, na ang pula pula na ng mukha at mukhang papatayin na si Jess sa tingin. Hahaha!

"Hahaha! Ang epic nga mukha mo Kath. Ngayon lang kita nakitang ganyan ah! So si Pareng Allen lang din naman pala ang makakapagtiklop sa isang Katherine Fuentabeles." Sabi ko habang tumatawa.

The PromiseWhere stories live. Discover now