Chapter 26

39 4 0
                                    

"hay salamat naman at naibalik sakin ito" hawak hawak ko ngayon itong kwintas. Kwintas na ibinigay sakin ni Jam. Na napunta kay Alice. Buti na nga lang at naibalik sakin. Ngayon 'yung letter na lang ang kulang. Sana naman na misplace ko lang iyon. Sana nga. Pero panu kung nawala na pala? Pano kung nasunog na? Nabasa? Natapakan? Ay Ewan ko!

Pero sana nga magkaroon ng himala no. tulad nitong kwintas na ito, naibalik din sakin.

Pero teka bakit na kay Alice itong kwintas ko?

Kinuha kaya niya sakin? O Napulot niya? Pero ang importante na sakin na ito.

"Diyan ka na nga muna" Inilagay ko ang kwintas ko sa loob ng wallet ko. Hindi naman na siguro iyan mawawala di ba? Sa loob ko naman ito ng bag inilalagay kaya for sure hindi na ito mawawala.

Tumayo na ko at nagsimulang mag-ayos ng gamit para sa trip ko sa Palawan. Grabe akalain mo iyon ako pala ang nanalo. Siguro kong hindi kami kinausap nung isang empleyado sana hindi kami mananalo ni ate. Kaya salamat sa kanya!

Inihanda ko ang isang bag at kumuha na ko ng shorts, t-shirts, at syempre panloob ko. Sinakto ko ng pang-three days talaga. Grabe makakapunta na talaga ako bukas sa Palawan. Excited na ko!!

--

"Oh ano tara na?" sabi ni ate. Naka-ready na ko umalis sa bahay. Nagpaalam na ko kay Mama at niyakap siya.

"Ingat ka dun Chloe ah!" binitbit naman ni ate palabas ang bag na dala ko.

"opo ma" nagpara naman na ng tricycle si ate. At sumakay na kaming dalawa doon. Sa tapat ng supermarket kung saan ako nanalo ang meeting place namin. Nandun na daw kasi ang service na van papuntang airport.

"Eto na!" tugon ni ate. "Thanks!"

"Pasalubong ko ah!" paalala niya. "oo na!" nakangiti naman ako at umalis na nga si ate.

"there you are!" rinig kong sabi ng isa sa mga staff ng supermarket. Linapitan naman ako nito at hinila papunta sa isang van.

This is it!

"Okay, eto na 'yung plane ticket mo.." abat niya sakin ng isang envelop "Nandyan narin yung pocket money mo, Enjoy!" Pocket money?! Yes! Buti na lang pandagdag sa baon ko. Tiyak marami ako nitong mabibili.

Teka na saan pala ang kasama ko? Di ba trip for 2 eto?

Bakit ako lang?

"Hmm..pwede pong magtanong?" humarap naman siya sakin.

"Na saan po iyong kasama ko?" nakangiti kong tanong.

Sana naman maging ka-close ko 'yun no. Para naman may kasama akong maglilibot. Magswi-swimming, kakain. Tapos sana babe para magka-room kami. Ang saya siguro 'non.

"Andyan na siya s aloob ng van, actually ikaw na lang ang hinihintay." Ayy nakakahiya naman, ang uusapan kasi 8 am. 7:40 pa lang naman oh. Excited din siguro itong kasama ko. Syempre sino ba naman ang hindi mae-excite, Palawan kaya iyon.

Nakangiti akong humarap sa van, para sana makita yung kasama ko kaso lang tinted ito kaya hindi ko makita.

"Okay na?" tanong pa nung staff sakin. Tumango lang naman ako bilang sagot. Binuksan niya na ang van.

WHATT???

James?

Nakanganga akong nakatingin sa kanya. Nagulat din siya ng makita ako. Bakit siya ang nandito? Supermarket? James? Parang hindi ata magkaugnay ang dalawa? Si James sa supermarket? Napakamot naman ako sa ulo ko. Ma-eenjoy ko kaya ito? Hmp.

"Bakit ka nandito?" tanong ko. Nakatayo pa rin ako sa labas ng van. Nagtataka namang napatingin samin ang staff na kausap ko kanina.

"Syempre nanalo ako. Ano sa tingin mo?" sungit naman. Alam ko ba? Malay mo sila ang nagma-manage ng supermarket kaya kasama siya, diba?

"Kaya nga nagtatanong di ba, kasi di ko alam, magtatanong pa ba ako kung alam ko?" pabalang ko namang sagot.

"Wait! Magkakilala kayo?" tanong ng staff.

"Hindi!/OO!" nagkatinginan naman kami sa sagot namin. Magkakilala kami natural! Eng eng talaga ito. Sabihin ba namang hindi kami magtakilala. Ano iyon nag-usap na alng bigla kami ng ganun ng hindi naming kilala ang isa't isa? Shunga lang?

Pumasok naman na ako sa loob, magkatabi kami. Siya ang nasa tabi ng bintana, nasa likod naman namin ang mga bagahe.

Wala kaming imikan hanggang marating naming ang paliparan (airport). Pagbaba ko sa van binuhat ko naman ang bag kong mabigat. Isa lang kasi ang dala kong bag, andito na lahat. Para wala na kong inaalala. PInagkasya ko na lahat dito.

Nagulat naman ako ng may humila sa bag ko. Magnana-

Binuhat pala ni Kapre ang bag ko. Hmmm. May pagka-gentlemen naman pala. Nauna na siyang pumasok kaya sumunod na ko.

Nasa plane na kami, uupo n asana siya malapit sa bintana ng magsalita ako.

"Pwede bang diya ako?" napatingin naman siya sakin. Poker face. "Pleaseee" puppy eyes please gumana ka.

"Tss."Umalis naman siya at pinauna ako. Yes! Sabi ko na nga ba eh gagana. Umupo naman siya sa tabi ko.

Kalahating oras na kami dito sa plane, at ang ganda din tingnan ang mga ulap. Napatingin naman ako sa katabi ko, nakapikit siya, may headphone na nakalagay sa tenga niya. Malalim ang bawat paghinga niya kaya alam kong tulog ito.

Pinagmasdan ko siya. Mahahaba ang kanyang pilik mata. Makinis ang kanyang mukha. Medyo matangos ang ilong. Para sakin ang perfect niya. Kaso lang bigla ko namang naalala 'yung sinigawan niya ako. Ang sakit. Kasi mas kinampihan niya pa si Alice kesa sakin.

Hindi ko napansing nakatitig na ko sa mukha niya. Baka biglang dumilat eto, patay ako. Parang iyong sa mga movies na napapanood ko. Kaya play safe ako tumingin na lang ako sa mga ulap.

Nagulat naman ako ng may humakwak sa kamay ko. Dahan dahan ito. Pero teka bakit ganun lumalakas ang tibok ng puso ko. Please kumalma ka heart ko. Hindi naman ako mapakali. Si James ba iyon? Malamang siya katabi mo eh! Sabi ng utak ko. Sh*t! Pinagpapawisan ako! Ang lakas naman ng aircon eh.

Dahan dahan akong tumingin sa kamay namin. At tumingin kay James, pero teka nakapikit naman siya. Di kaya gising ito? Alam niya kayang tinitingnan ko siya kanina? Nakakahiya!

Alam ko sa puntong ito pulang pula ang mukha ko. Bago ito para sakin. Hindi ko alam ngunit malakas parin ang tibok ng puso ko.

--

Nakababa na kami sa eroplano. At next naming sasakyan eh van na naman papuntang sakayan ng Bangka papuntang kabilang isla na kung saan doon kami tutuloy. Excited na talaga ako. Bumaba na kami sa van at this time dala dala ko ang bag ko. Nakakahiya na kasi kung siya pa ang magdadala. Agad ko itong kinuha kaya hindi niya nadala.

Papunta n asana ako sa Bangka ng may tumulak sakin at nauna sa Bangka. Aray naman! Hindi marunong magingat! Alam ng may babae dito. Napaupo ako dahil sa pagtulak sakin. Napatingin naman ako kay James na napatingin din sakin.

Ngunit nagulat ako ng umalis na lang siya bigla papunta sa Bangka. Aba't hindi man lang ako tinulungan dito tumayo. Binabawi ko na yung sinabi kong gentlemen siya.

"grrr" tumayo na ko at kinuha ang bag ko. Baka kasi maiwan ako ng Bangka kaya sumakay na ko.

Magkatabi naman kami sa Bangka ni James. Hmp. Kala niya papansinin ko siya. Matapos niya kong hawakan sa kamay? Matapos niyang angkinin ang kamay ko.? Hindi niya man lang ako tinulungan? Hmp. Manigas ka!

Buma-byahe na kami papuntang isla kung saan kamu tutuloy. Grabe dagat na ito. Nag-vibrate naman ang phone ko. Sino kaya itong tumatawag? Kinuha ko naman ito sa loob ng bag ko. Nakuha ko naman ito at binuksan, ngunit nagulat ako ng may tumulak sakin paharap kaya nabitawan ko ang bag ko.

'hay salamat at hindi nahulog' kinuha ko ang bag ko ilalim ngunit ganun na lang ang pagkaba ko ng nahulog ang wallet ko. Nakabukas kasi ang bag ko, at hindi ko pa ito naisasara.

"Yung wallet ko!!" Sigaw ko naman.

Yung Kwintas ko!!!


The PromiseWhere stories live. Discover now