Chapter 16

78 18 0
                                    

This story is not edited so sorry for the errors due to typing and grammars. :)

I hope you like it. :) Comment. Vote.

xxjgrande1997xx

"oh ano kaya pa?" tanong ni Troy sakin. Katatapos ko lang mag-work out dito sa Gym nya. Pangatlong balik ko na rin dito. Isang linggo ng nakakaraan simula nung harapan namin ni Alice. Isang linggo na rin kaming hindi nagkikita ni Kapre. Siguro ganun nga talaga kakampihan mo 'yun girlfriend mo. "Hey! You're spacing out", pukaw sakin ni Troy. Hindi ko napapansin ay nasa harapan ko na pala.

"ayy! ano 'yung tinatanong mo?" sabay kamot ko sa ulo ko. Hindi ko alam kinakausap pala ako nitong si Troy.

"ang lalim ata ng iniisip mo?" nagtatakang tanong niya. Inabot niya sakin ang isang bottle ng mineral. Binuksan ko ito at ininom. Habang umiinom ako, umupo siya sa tabi ko. "tungkol ba ito sa nangyari sa inyo ni Alice?"

"Hindi" matipid na sagot ko. Ayaw ko ng balikan 'yun dahil naiinis lang ako. Ayaw kong masira ang araw 'ko.

"oh tungkol kay James?" mahinang tanong niya. Napatingin ako sa kanya.

"bakit naman nasali siya dito?" nagtataka 'kong tanong. Ayaw ko na rin isipin ang taong 'yun. Pero nasaktan ako nung mas kampihan niya si Alice. Ako 'yung madalas niyang kasama tapos, si Alice 'yung kakampihan niya? Ano 'yun bastusan?

"Malay mo may pagtingin ka na pala sa kanya, and then nasaktan ka ng mas pinili niya 'yung isa kesa sa iyo" BULLS EYE!

"Hi-Hindi ah!" pagtatanggi ko. Paano ako maiinlove doon eh ang sama sama niya.

"okay sabi mo eh" sagot niya, pero halata naman sa mukha niya na hindi siya naniniwala.

Tumayo na siya at bumalik na sa pagwo-work out ganoon 'din ako.

--

Kinaumagahan pumasok na 'ko. Nasa kwarto na 'ko, nag-uusa kami ni Kath ng dumaan si Alice at kanyang mga alipores. Huminto siya sa harapan naming at nag-evil grin. Hindi ko na lang pinansin, buti na nga lang at kumalma siya ngayon. Pero hindi ko alam ko hindi 'yan titigil. Demonyo

Kwinento ko kay Kath na magkasama kami ni Troy. Na nag-work out ako sa gym niya ng libre. Buti nga pumayag eh. Pero siya naman nagyaya kaya libre. Haha! Ang ganda ng paguusap naming ni Kath ng pumasok si Kapre. Tiningnan ko siya, isang linggo ko siya hindi nakikita. Siguro namiss ko 'yung pang-aasar niya sakin.

"Ganun! Siguro nagkakamabutihan na kayo ni Troy no! Sabi ko na nga ba eh!" malakas na sabi ni Kath, lumaki ang mata ko sa sinabi niya, napahinto naman sa paglakad si Kapre. Pero agad din namang tumuloy sa kanyang paglalakad papuntang upuan niya.

"Ano bang-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang pumasok ang prof naming. Kaya umalis na sa tabi ko si Kath at bumalik na sa proper seat niya, pero bago pa siya umalis, kinindatan niya muna ako. Lokaret talaga!

--

Pagkatapos ng klase lumabas na 'ko. Nagpaalam ako kay Kath na susunod na lang ako sa kanila, sasabihin ko lang kasi kay Mr. Santos na pumapayag na 'ko na bumalik sa pagkanta. Pagkarating ko faculty hinanap ng mata ko si Mr. Santos, kaagad ko naman itong nakita. Nilapitan ko ito na nasa kanyang upuan.

"Good Morning Sir" batik o.

"Good Morning din"

"Sir, pumapayag na po akong bumalik sa pagkanta" nakangiting sabi ko. Bakas naman sa mukha niya ang tuwa.

"Magandang balita 'yan, sigurado akong malaki ang maitutulong mo sa team natin" tugon niya.

"Ganun po ba?" Edi maganda! Chos!

"Oo naman, alam mo naman kung kelan tayo nagpra-practice di ba? Tanong niya. Tumango naman ako.

" 'Dun ko na lang sa araw mismo na iyon ibabalitang bumalik ka na" nangiting sabi na naman niya.

"okay lang po. Kung 'yun ang gusto mo. Pano po ba, mauuna na po ako, ipinaalam ko lang po sa inyo"

"oh siya sige"

"sige po." Paalam ko.

Lumabas na ko ng faculty, naglalakad na ko papuntang cafeteria ng maisipan kong dumaan ng music room. Binuksan ko ang pintuan at nakita kong andoon pa ang instrumentong madalas kong gamitin. Piano. Tinuruan ako ng kasamahan ko kung pano ang maayos na pagtipa ng piano kaya simula noon nakahiligan ko na ang pagtutog niyan.

Hindi ko pinatugtog ang piano dahil abala na kong pinagmamasdan ang kabuuan ng silid. Marami na rin kasing nagbago. Pero gayun pa man ang mga ala alang nabuo naming dito ay hindi kaylanman naglaho. Kaya excited na 'kong bumalik ulit at kumanta.

Pagkatapos kong mag-reminisce ay lumabas na ko sa silid na iyon at sinarado ng maayos. Naglalakad na ko ng makasalubong ko si Alice, mag-isa niya lang. Naalala ko na naman 'yung ginawa niya sakin kaya naiinis ako. Pero kahit ganun, ako na ang iiwas sa gulo. Kaya tuloy tuloy lang ako sa paglalakad ng maramdaman ko ang paa niya sa paa ko. Pinatid niya ko! Kaya ako napaupo.

Nagulat ako sa ginawa niya. Nasa hallway kami sa labas ng isang silid, tapat mismo ng pintuan. Tumaas lahat ng dugo ko kaya tiningnan ko siya ng nakamamatay. Aba'y sumusobra na ito ha! Anong akala niya!

Tumayo ako kaagad at tinulak siya ng malakas, "Araaay!" sigaw niya.

"Ano ba! Anong gusto mo ha? Gulo na naman? Sawang sawa na-" biglang bumakas ang pintuan na katapat naming kaya napahinto ako sa sigaw ko. Nagulat ako sa taong nakita ko. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sakin at pag kuwan ay tumingin kay Alice. Kinabahan akong nakatingin sa kanya, kaagad naman siya lumapit sakin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Napangiwi ako sa sakit. Di ko akalaing magagawa niya ito sakin. Bakit...

Kapre??

A/N

Thanks for reading. COMMENT please. and vote also if you like this chapter :p


The PromiseWhere stories live. Discover now