Chapter 14

93 26 4
                                    

This story is not edited so sorry for the errors due to typing and grammars. :)


xxjgrande1997

**



Nasa kwarto na 'ko. Nag-aayos para sa party na gaganapin mamaya. Naligo na 'ko. Tiningnan ko ulit 'yung kwintas na binigay niya sa 'kin noon. Infinity ito, ang ganda. Never ko pa itong ginamit mula nung binigay niya sa 'kin. Natatakot kasi akong mawala ko eh. Ito lang kasi ang tanging ala-alang naibigay niya sa 'kin. Nagbabalak nga akong isuot ito ngayon gabi eh, hindi naman siguro ito mawawala.

Isunuot ko na ito sa leeg ko. Ang ganda, tiningnan ko ito sa salamin. Nag-ayos na rin ako ng buhok. Pulbo lang ang nilagay ko sa mukha ko, tapos lip gloss. Hindi naman ako maarte tulad ng iba. Naka-damit na 'ko at naka-suot na ng sandals. Bigla namang tumunog ang cellphone ko.


1 message received

Fr: Jess

Hey, nasa labas na 'ko ng bahay niyo.

Gora na.

—-


Pagkabasa 'ko sa text ni Jess lumabas na 'ko ng kwarto ko, naabutan ko naman si mama nananunuod ng TV sa sala. Napatingin naman  siya sa 'kin nung saktong paglabas ko.

"Wow ha. Ang ganda ng anak ko" sabi ni mama.

"Salamat ma!" masayang tugon ko.

"umuwi ka ng maaga ha!" paalala niya. "opo ma!" sagot ko naman.

Lumabas na 'ko ng bahay, nakaparada naman sa labas ang sasakyan ni Jess.

"Alis na po kami Tita" sigaw ni Jess kay mama.

"Oh sige mag-iingat kayo ah!" sigaw din ni mama.

Pagbaba naming ni Jess sa sasakyan, halata mong mayayaman halos lahat ng dumalo. Dahil sa dami ng sasakyang nakaparada. Pumasok na kami sa loob ni Jess at hinanap si Kath.

"Asan na ba iyon?" tanong ni Jess. "ayun siya" tugon ko naman. Nilapitan namin si Kath na nakikipag-usap sa mga matatanda. Napansin naman niyang papalipit kami kaya, sinalubong niya na rin kami. "Excuse me, I have my visitor" paalam niya sa mga kausap nito.

"Chos! Pa-english English pa ate natin." Pang-aasar ni Jess kay Kath. Hindi na lang pinansin ni kath si Jess.

"Tara 'dun tayo" paanyaya ni Kath samin. Kumain muna kami at sumunod ay dessert. Pero nagulat ako ng maya-maya may waiter na lumapit samin at inabutan kami ng wine. Patay. Mapapasubo ako nito.

"Cheers girls" sabi ni Jess, nagkwe-kwentuhan naman kaming tatlo tungkol sa lovelife ni Jess. Nang mapansin ko si Alice? siya kaya iyon?

"Si Alice ba 'yon?" tanong ko kay Kath. Baka kasi hindi siya, nadala lang siguro ako ng alak.

"oo siya 'yan, invited kasi ang parents niya. Nainis ng ako eh" pahayag ni Kath.

"Don't mind her. Let's drink girls" sabi naman ni Jess.

Naparami na naming ng inom, si Jess ayun knock out. Buti na nga lang ata nadala naming ni Kath sa kwarto niya. Tiningnan ko naman ang CP ko, kung anong oras na.

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon