Chapter 29

35 3 0
                                    

"Naalog ang utak ko don ah!!"

Bwisit talaga yung lalaking yun wala ng ginawang tama! Naglalakad na ko ng mabilis paalis sa kanya, habang hinawakan ang ulo ko. Naririnig ko naman siyang tumatawa sa likuran ko. Bakit na naman kaya ito sumusunod sakin? Di pa ba siya tapos sa panggo-goodtime sakin.

"Hey" tawag niya sakin mula sa likod ko.

Hey hey ka dyan.

Nagulat naman ako ng may humigit sa braso ko at hilain ako papunta malapit sa dagat? Itatapon niya kaya ako don?

No way!

"Ano ba! Namumuro ka na sakin ah!" sigaw ko, hinihigit ko naman pabalik ang braso ko ngunit gaya nga ng sabi ko ang lakas niya. Waepek ako sa kanya.

"Sumunod ka na lang kasi" aniya. Patuloy parin siya sa paghila sakin at patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas.

"Kung hindi mo ako bibitawan sisigaw ako ng rape dito?" banta ko sa kanya.

"Go on"

Ako talaga sinusubukan mo ha! Hingang malalim at..

"RAPE!!! RAPE!!!"

Winawagayway ko pa ang isa kong kamay para talaga makatotohanan. Napansin ko namang napatingin halos lahat ng taon sakin, samin. Patuloy parin siya sa paghila samin, wala naman akong magawa kundi sumunod sa kanya habang nagpupumiglas.

"Rape! Rape!" Sigaw ko pa.

May lumapit namang life guard samin. Ha? Lifeguard? Wala bang security dito? Sabagay malapit kami sa dagat kaya siguro lifeguard.

"May problema po ba sir?" hinarangan naman kami ng lifeguard. Napahinto si James sa paglalakad.

Buti nga! Hiningal naman ako dun ah. Ikaw ba naman maglakad ng mabilis tapos sisigaw ka ng ganun?

"Nothing, gusto lang ng asawa ko na umuwi muna kami sa hotel at alam mo na"

WHAAT! Asawa? Hotel? Alam mo na?

Magsasalita n asana ako ng takpan niya ang bibig ko ng kamay niya.

"ahmmp.ahmpp." ano ba naman niya hindi ako makasalita.

Inakbayan niya naman ako at ngumiti sakin. Pa-cute. Yuck. Di niya naman bagay.

"Ah ganun po ba" no. no. no. Wag kang maniwala niya lifeguard. Wag!

Bumalik naman ang lifeguard sa dati niyang pwesto. Walang kwenta naman iyon oh!

Hinigit niya na naman ako. Pero this time binitawan niya na ang pagkakatakip saking bunganga.

"Ano ba talaga ha? Asawa, Asawa ka pa diyang nalalaman!" Singhal ko sa kanya.

Huminto naman kami sa isang bangka kung saan may mga turistang nakasakay.

"Alam ko namang gusto mo rin yun eh" with matching nakakalokong ngiti niya.

Gusto?

"In your dreams!" tugon ko.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko naman. May binigay siya sa bangkero.

"Island Hopping"

"Island Hopping?! Nakashort lang ako at t-shirt, ikaw nga diya nakasando at short lang din eh tapos Iland hopping?!"

"Anong gusto mo dapat naka-gown?" sarcastic niyang sabi

"Che! Dapat maayos—"

Hinila niya naman ako pasakay sa bangka.

---

"whaat? Oo sige papunta na ko ate" nagaalala kong tugon kay ate. Binaba ko na ang bagahe ko. At deretsong palabas ng bahay. Sinarado ko muna ito at nagpara na ko ng tricycle patungong hospital kung saan naroon si ate.

Kakauwi ko pa lang galing Palawan. Ito kaagad ang bubungad sakin. Pagod ako, at gusto ko sanang magpahinga ngunit kaylangan kung pumunta sa hospital.

Si Mama na hospital.

Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako, sana walang masamang nangyari sa kanya. Sana hindi kritikal yung lagay niya. Diyos ko. Kinakabahan ako. Ano kaya ang nangyari? Bakit nasa hospital si Mama? Ang pagkakaalam ko malakas ito at walang ano mang iniindang sakit. Tapos ngayon malalaman ko na lang asa hospital siya, sinong hindi kakabahan dun.

Naka-maong, simpleng t-shirt at doll shoes lang ang suot ko. Hindi na ko nagabalang magsuot ng magandang damit kasi alam kong pauwi naman na ako. Kaya ang gusto ko pag-uwi ko deretsong pahinga muna kaso, naudlot eh si mama asa hospital.

Nakarating na ko sa hospital, bago ako bumaba binayaran ko muna si Manong Driver.

'Ayos lang kaya si Mama?' --- 'Diyos ko, sana okay lang si Mama'

Nagdere-deretso na ko papuntang silid kung nasaan si Mama. Tinext kasi ni ate sakin ang room number ni Mama nung on the way ako dito sa hospital.

Room 502 --- eto na nga iyon.

Dahan dahan kung hinawakan ang door knob, kinakabahan ako. Kanina pa nanininig ang kamay ko. Binuksan ko ang pinto at agad ko namang nakita si Mama na nakahiga sa hospital bed. Dali dali ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit. Mga ilang minuto, hinarap ko siya.

"Ma? Ayos lang po ba kayo? Anong nangyari? Bat kayo nandito? May sakit po ba kayo? Ba't di niyo sinabi samin? Sakin? Malubha na po ba? Kelangan niyo po bang ope-- "

"Tumigil ka nga Chloe!!" Sigaw ni ate. Humarap naman ako sa kanya.

Nakatayo siya ngayon sa harapan ko. Naka-kunot ang noo, halatang naiinis? Galit? Ewan. Ano bang nangyari?

"Ang OA mo na! Opera agad? Baka gusto mong ikaw una kong operahan? Ano gusto mo?" Masungit niyang sabi.

Binalewala ko na lang si ate. Humarap ako kay mama na nakangiti sakin. Nakangiti? Ang creepy naman ni Mama? May nao-ospital bang nakangiti?

"Ano po bang nangyari?" tanong ko. Nakakunot na din ang noo ko.

"Yung magaling mong Papa! Siya ang may kagagawan nito!!" galit na sabat ni ate. Napatingin naman ako kay ate.

Si Papa?

Naka-kunot pa rin ang noo kong humarap kay mama.

"Tama na, Meg" mahinahong sabi ni Mama. Nakaharap siya kay ate.

"Tama na?? Mama nanggugulo siya satin! Okay na tayo Ma ng wala siya, nabuhay tayo kahit mahirap. Nasaan siya ng kaylangan natin siya? Nasaan siya nung naghihirap tayo? Ma! Iniwan niya tayo! iniwan niya tayo para sa ibang babae niya. Para sa kasiyahan niya. Hindi niya man lang inisip na meron siyang responsibilidad satin. Iniwan niya na lang tayo na parang laruan. Tapos ngayon babalik siya satin na parang walang nangyari? Ganun ba yun ma? Ha?" aniya. Hindi na napigilan ni ate na maiyak. Umalis siya kaagad ng silid.

The PromiseOù les histoires vivent. Découvrez maintenant