Chapter 19

44 5 0
                                    

This story is not edited so sorry for the errors due to typing and grammars. :)

I hope you like it. :) Comment. Vote.

xxjgrande1997xx


Chloe POV

Weekends

"Hay! Salamat na karating din tayo" Nandito na kami sa Hundred Island. Ang ganda, totoo nga puti ang buhangin parang Boracay lang.

"ang haba ng byahe, pero worth it naman" Nakababa na kaming lahat.

"Tara muna sa hotel para makapagpahinga na kayo" sabi ni Troy. Nagsipagsunuran naman ang ibang mga kasamahan niya. 15 na boys at 5 na girls kaming lahat, hindi naman kami marami. Mas maganda na rin 'yun para hindi magulo. Binuhat naman ni Troy ang bag ko, naiilang nga ako eh kasi 'yung paguusap namin sa phone pati 'yung mga pinasa niyang text messages. Pero kanina namang sinundo niya kami sa bahay casual lang naman siya kaya wala masyadong awkward. Hays. Buhay nga naman parang life.

Bale kaming tatlong magkakaibigan ang magkakasama sa isang kwarto, hindi ko na alam sa iba dahil hindi ko naman kakilala sila. Napansin ko namang ang pula pula ng mukha ni Jess. May nakain kaya ito?

"Hoy Jess anong nangyari sayo?" lumapit ako sa kanya at hinawakan ang leeg niya. baka kasi may sakit. Napatingin naman si Kath samin.

"Nahilo ka ba?" pag-aalala naman ni Kath. Umiling lang ang bruha. Napatingin naman kami ni Kath sa tinitingnan ni Jess. Ah! Kaya naman pala namula ang bruha, eh pano ba naman kasi kasama si Kyle sa Team Building.

"Excuse me, mauna na ko sa kwarto" nagmamadaling umalis si Jess.

Nagtataka namang humarap sakin si Troy, "Anong nangyari dun?" tumingin siya sa tinahak ni Jess

"Ah hindi kasi namin or better yet hindi niya inaasahan na kasama pala dito si Kyle babes niya" paliwanag ko. Napatingin naman si Troy kay Kyle na may kausap ang ibang kasamahan.

"Ah, regular customer ko na kasi 'yan kaya naki-join" tumango-tango naman ako. So mapapalaban sa Gym si Jess nito. HAHA!

Kalaunan ay sumunod na kami ni Kath kay Jess sa loob para makapagpalit ng damit, at makapagpahinga na rin, ang haba kaya ng byahe. Pero atleast two days kami dito. Pagpasok naming sa loob ni Kath, nakita namin si Jess na pagulong gulong sa kama. Ayun naman pala! Kinilig ang loka loka!

"Hoy! Para kang kiti kiti dyan!" sigaw ni Kath sa kanya. Binuksan ko naman ang bag ko at naghanap ng pamalit. May tatlong kama ang kwartong ito kaya tig-iisa kami napagpasyahan naming si Jess na ang sa gitna at sa magkkabilang dulo kami ni Kath.

"Keshe nemen eh!" Aba't kinikilig talaga ng todo. Umiling-iling na lang si Kath sa kanya. At nauna ng pumasok sa comfort room para magpalit.

"Ayus-ayusin mo 'yang sarili mo?" natigilan naman siya sa sinabi ko. Kumunot ang noo niya, okay alam ko na di niya gets ang sinabi ko.

"Ayusin mo 'yan sarili mo dahil maraming girls dito na lalapit kay Kyle, ikaw din, bahala ka" pang-aasar ko sa kanya sabay evil grin. Umirap naman ang bruha, at naghalungkat ng gamit sa bag.

"Subukan lang nila at magkakagulo ang pilipinas" nakataas pa ang isang kilay niya, naanimo'y handa na sa labanan. Nahalungkat naman niya ang mga bikini niya. Grabe 'to ang kadaming bikining dala.

"Hoy ikaw!" napatingin naman ako sa kanya, kung makasigaw kala mo kung lalamunin niya ako.Hmp!

"Oh?" tinaasan ko naman siya ng kilay ah. Kala niya aatras ako.

The PromiseWhere stories live. Discover now