Chapter 28

34 3 0
                                    

"Ano kaya yung sinabi niya kanina?" hindi ko kasi narinig yung sinabi ni James kanina eh, basta ang pagkakaalam ko may sinabi siyang word bago umalis kanina. Bakit kasi biglang nagvibrate itong phone ko kaya nagulat ako, nung tiningnan ko ulit si James malayo na siya. Pero may sinabi siya eh, bakit ba kasi napakahina niya magsabi. Bakit may tinataguan ba siya kaya siya nandito? Imposible.

Bakit niya pa ako hinila at pumunta sa lugar na wala masyadong katao-tao kung hindi niya lang din naman sasabihin ng maayos yung gusto niyang sabihin. Kaylangan talagang ibulong?

Nandito ako ngayon sa hotel room ko. Hawak hawak ko parin itong kwintas ko na binigay niya kani-kanina lang. Pano niya kaya ito nakuha? Binalikan niya kaya? O pinahanap niya na lang? Hmp.

Ewan ko dun, ang dami dami kong tanong pero bigla na lang akong lalayasan.

Tinanong ko kanina sa front desk ng hotel kung nareserved ba ng hotel room si James. Sabi naman nila meron. Kaya siguro dumiretso na iyon sa kwarto niya.

--

Kinaumagahan tumayo na ko, kaylangan ko ng sulitin ang beach ngayon dahil bukas uuwi na kami ng hapon sayang naman kung hindi man lang ako makaka-swimming no.

Bumangon na ko at dumiretso sa banyo para maligo.

Madali lang naman akong natapos dahil syempre maliligo din naman ako sa beach tapos after nun magbabanlaw pa ko edi doble doble pa talaga. Naka-short ako at nakasando na hapit na hapit saking katawan. Ayan okay na yan.

Pinasadahan ko muna ng tingin sa salamin ang suot ko tapos sinuto ko na ang tsinelas ko at lumabas.

'Grrrrr '

Napahawak naman ako sa tiyan ko. Naman eh! Gusto ko na sanang mag swimming eh, panira naman itong gutom ko. Kaya wala akong nagawa kundi kakain muna. Buti na lang dala ko itong wallet ko at phone.

Pagkalabas ng hotel, napahinto ako sa paglalakad, ngayon ko lang maiigi na pagmasadan ang beach. Ang ganda pala talaga. Puting puti ang buhangin nito at ang linaw linaw ng dagat. Napangiti naman ako. Napawi lang ang ngiti ko ng mapansin kong may mga babaeng naglalakad sa harapan ko ng nakabikini lang. yung iba naman nakashort din kaso sa itaas nila naka-bra lang, ano ba naman iyan. At napapansin ko ding halos lahat ng naliligo na babae nakabikini. Napangiwi ako. Bahala na, basta maliligo ako.

"Ang se-sexy nila no?" paalis na sana ako ng may magsalita sa gilid ko. Syempre alam ko na ang boses niyan.

Sexy din naman ako ah!

Hindi ko siya nilingon.

"Ang puputi nila no?" tumingin na ko sa kanya, naniningkit ang mga mata ko.

"What?" tanong niya na humarap na din sakin ng nakangisi.

"Atleast hindi ako gaya nila na puti lang ang ganda" mariin kong tugon sa kanya.

Umalis na ko sa tabi niya at deretso na papuntang restaurant.

--

"Mamaya na ko maliligo, ang init pa eh" sabay paypay ko gamit ang aking kamay.

Nakaupo na ko ngayon sa isang sa mga duyan dito sa ilalim ng puno ng niyog. Mabuti na lang at hindi masyado crowded itong islang ito.

"Ahhh!" sigaw ko. Muntik na kong mahulog dun ah! Walang hiya! Sino ba iyon at bigla na lang umupo sa likod ng duyan, tuloy nagulat ako kala ko kung may mangyayari na sakin.

"Ano ba ha!" sita ko sa taong umupo sa bandang likod ko.

"Hahaha! Your face is priceless!" tawang tawa na sabi ni James. Priceless priceless mo mukha mo!

"Pano kung mahulog ako ha?!" tumayo na ko at humarap sa kanya. Humiga din siya kaagad sa duyan pagkatayo ko. Tumatawa pa rin na parang baliw.

Napatingin siya sakin, tumigil muna siyang tumawa at ngumiti ito, "Don't worry I'm here to catch you".

Dug.dug.dug.dug.

Natigilan ako sa sinabi niya. Wala naman siyang ibang gustong sabihin dun di ba? Nag-aasume na naman ako. Lintek na!

Umirap naman ako sa kanya.

"Che! Alis diyan! Ako naunang umupo dito" sabay turo ko sa duyan na hinihigaan niya.

"Is this your property?"

"Property, property mo mukha mo! ALIS!"

"Your calling Alice? Unfortunately, she's not here"

"Aba't, Iniinis mo talaga ako ha!" kinuha ko ang tsinelas ko at pinampalo ko sa kanya.

Pinapalo ko naman siya ngunit sinasangga nito ang bawat palo ko.

"Hey stop it! Marumi yan" sita niya ngunit nakangiti parin na animo'y nangaasar.

Nagulat ako ng hinalain niya ako pahiga sa kanya, kaya ang lagay nasa ibabaw niya ako. Sakto sakto ako sa dibdib niya. Nagulat ako sa bilis ng pangyayari, hindi kaagad ako nakagalaw. Teka bakit mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko? Hindi maganda ito. Pinilit kong umalis sa pagkakahiga sa kanya ngunit mahigpit ang pagkakayakap niya sakin.

Yakap?

"Pinagnanasaan mo na ako" pang-aasar niya habang tumatawa ng malakas.

"Ang kapal mo naman, bitiwan mo nga ako" sigaw ko sa kanya kahit magkalapit lang naman kaming dalawa. Patuloy pa rin ako sa pagpiglas sa kanya. Pero ang lakas niya eh kaya hindi man lang ako makagalaw.

"Ayoko nga! Baka sa iba ka pa mahulog"

Napahinto naman ako sa sinabi niya. Mahulog? Sa iba?

"Ano bang pinagsasabi mo? Baliw ka na ata?"

Tumingin naman ako sa mukha niya, dahan dahang may namuong ngiti sa mukha niya. Lumaki naman ang mata ko ng biglang tumingin siya sakin.

"Malapit na, malapit na"

Tumahimik naman ako. Malapit na? Bakit parang ang weird niya ata ngayon? Ano kaya nakain nito? Nagdru-drugs ba ito?

"Yakapin mo naman ako oh?"

Nawala sa isip kong nasa ibabaw niya pala ako at nakayakap siya sakin.

"Che! Manigas ka!" sigaw ko. Nagpupumiglas na ko ngunit waley parin kasi mahigpit parin ang pagkakakulog niya sakin sa bisig niya. Patuloy pa rin siya sa pagtawa niya. Nakakainis lang. akala mo naman gusto ko itong pwesto naming ngayon? Ang dami kayang nakakakita samin.

PDA lang ang peg.

"Let's see"

Hala? Anong gagawin niya?

"Bata?" tawag niya sa cute na batang lalaking na nakatalikod samin. Nakaharap ang bata sa nagbebenta ng sorbetes. Ano naman kayang gagawin niya sa batang yan?

Humarap naman ang bata samin.

"Do you like ice cream?" tanong niya. Tumango naman ang bata samin. "Bibilhan kita ng maraming ice cream pero kaylangan mo akong tulungan?"

Ano bang pinagsasabi nito? Pano naman kaya siya tutulungan ng bata? Aber?

Kakausapin ako ng bata para yakapin siya? Neknek niya.

"Opo!" masiglang tugon ng bata. Nakangiti pa ito na wari mo'y iniimagine na kung pano simulang kainin ang ice cream niya.

"Basta ba itulak mo lang kami ng..." What??? Lumaki na naman ang mata kong nakatingin sa kanya. Hi-Hindi maaari! Napatingin naman siya sakin ng nakangiti ng nakakaloko.

"Su-" pinutol niya na kaagad ang sasabihin ko at humarap ulit sa bata.

"Mabilis na mabilis"

Oh nooooo!!!!

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon