Chapter 11

109 43 2
                                    

THIS STORY IS UNEDITED SO SORRY FOR THE ERRORS AND GRAMMARS.

Enjoy!

xx

**


"Hey, alam mo ba may nanliligaw na kay Kath?!!" hesterical na sabi ni Jess. Andito kami sa Cafeteria kumakain ng lunch. Isang linggo na rin ang nakalilipas simula ng mangyari ang pagpapahiya sakin ni Alice. buti na nga lang at kahit papaano eh tumigil tigil muna siya sa pangbu-bully sakin. Pero kapag nagkakasalubong kami nagde-death glare siya sakin. As if I care about her. Pero ang bulong bulungan ditto sa campus na na-guidance daw siya kaya siguro nagli-lie lo muna siya.

"talaga??" di ko makapaniwalang tanong sabay lingon kay kath na pulang-pula ang mukha. "di sya nanliligaw no" boring na sabi ni kath sabay irap kay Jess. "Eh bakit magkasama kayo sa mall" paguusisa ni Jess, nakikinig lang ako sa kanila. "Coincidence lang 'yun, di ko naman alam na nandoon 'yung taong yun eh."

"Eh ba't ang bitter mo?" tanong ko. "di no" sabi niya. "wow, sungit sungitan lang ang drama 'te?" tumatawang tanong ni Jess. Di na sumagot si Kath, tiningnan niya na lang ng masama si Jess. "oh ikaw naman?" tanong ni Jess. "anong score sa inyo ni Papa Troy??"

"anong score? Di naman kami naglalaro ah" sabi ko. "pilosopo ka din ne" sabi ni Jess. Si Jess lang talaga ang pinakamadaldal saming tatlo. "Ano? Totoo naman ah. Wala naming kami tsaka nitong mga nakaraang araw di ko siya nakikita" sabi ko.

"ah ganon ba, pe-" di na natapos ni Jess ang sasabihin niya ng biglang mag-bell. Tumayo na kaming tatlo at papunta na sa room namin. "okay see ya girls" paalam ni Jess. Tumuloy na rin kami ni Kath.


***

Katatapos lang ng last class ko ng hapon kaya naghahanda na ko pauwi, nagpaalam sakin si Kath na mauuna siya. Siguro may date na naman sila nung tinutukoy ni Jess. Hinihintay na lang naming mag-open siya mismo samin ni Jess mahirap kasi yung pinipilit mo 'yung tao. Naglalakad na ko sa hallway ng makasalubong ko si Troy.

"uy" siya. "uy kamusta?" tanong ko. "okay lang busy eh." Sabi niya. "mukhang seryoso ka diyan ah" sabi ko. "oo nga eh, gusto mo bang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan ko?" tanong niya. Gusto ko kayang malaman? Pano kung may mahal na siyang iba? Pano kung may anak na siya? Pano kung ipapakilala niya sakin ang girlfriend niya? Pano kung sasabihin niya saking friends lang talaga kami kasi ikakasal na siya? WAAH! Hindi pwede. Hindi pwede. Ito na ang pagkakataon ko malaman kung bakit di ko siya masyadong nakikita.

"sige ba" sagot ko. "tara" tugon niya sabay hila sakin. Sumakay kami sa sasakyan niya, may kaya pala sila Troy ngayon ko lang alam, kasi sa pananamit niya parang kauri ko lang siya. Kauri talaga no. Parang kasing ang simple simple nya manamit. 'yun bang unang kita mo pa lang sa kanya, di mo aakalaing may sasakyan. Di mo aakalaing afford nila bumili ng sasakyan. Tumigil ang sasakyan sa isang building. Inalalayan niya akong bumaba, nagulat ako sa nakita ko. GYM?!

"eto ang pinagkakaabalahan mo?" tanong ko. Nandito kami sa harap ng gym. "yhup, di kasi kalakihan ang pera na nasa bank account ko eh. Kaya eto lang ang naipatayo ko." Ohh, I see. Maganda ang pagkaka-ayos ng gym ni Troy. Pumasok kami sa loob, namangha ako sa loob, maganda pala, maayos na nakalagay ang mga equipments. Meron din mangilan-ngilan ang nag-gy-gym. Maaliwalas tingnan ang buong paligid. Nilibot niya ako sa buong gym. Meron din pa lang locker sa loob. Malinis din ang CR.

"Anong pumasok sa isip mo at nagpatayo ka ng ganitong business" tanong ko "wala lang, hobby ko din kasi ang pag-gy-gym eh kaya nagpatayo ako." Ahh kaya pala ang ganda ng katawan niya. "alam ba ito ng parents mo? Siguro Masaya sila sayo?" sabi ko. Nabigla siya sa tanong ko, napansin ko din na parang lumungkot ang aura niya pero agad din naman niya itong napalitan. Ngumiti siya, "siguro" pabulong niya na sabi sakin. Naramdaman kong parang hindi siya comfortable sa usapan namin. "Pupunta ka ba sa Career Orientation?" tanong ko, para kahit papaano mabawasan yung pagiging uncomfortable niya.

The PromiseWhere stories live. Discover now