Chapter 49 - Kidnappers

56.3K 1.2K 53
                                    

Vienna's POV

"Hoy Feronto! Bilisan mo nga!! Puseng gele nemen eh! Natatae na aketch yah know?" patawa-tawa namang tumakbo si Cyde papunta sakin. Kakaloka! Ang bagal-bagal maglakad! Hindi ko na nga alam kung sino ba sa amin ang buntis eh.

Nasa parking lot nga pala kami ng ospital ngayon, pauwi na. Nagpacheck up kasi ako at ayos naman daw ang kapit ni baby tapos niresetahan ako ng ilang gamot.

Pasakay na kami ng kotse ng biglang may humintong itim na van sa harap namin.

Napasimangot ako. Psh! Wala na ba silang ibang style ng pangingidnap? Paano ko nalaman na kikidnapin nila kami. Simple lang, may hawak silang baril na nakatutok sa amin at yung mukha nila ay natatakpan ng itim na tela. Cliche diba? Tsk.

Sinubukan nila akong hawakan ngunit dahil nga may kasama akong gorilla na nagngangalang Cyde ay hindi niya hinayaang makalapit sakin yung mga kidnappers.

"Woooohhh!!! Go KingKong!! Asawa ko yan!!" pagchicheer ko pa kay Cyde. May kasama pang palakpak yan wag ka! Supportive wife ata ako!! Yuhoo! Ang galing talaga niyang makipagsuntukan! Suntok sa mukha, sa sikmura, sa 'ano'. Woah! Ang sakit nun! Sipa sa mukha, sa sikmura, sa binti, sa dibdib, at syempre sa 'ano'. Grabe ang sakit nun lalo!

May nakasapa kay Cyde kaya bigla akong naalarma!

"ABA'Y KINGINA NETO! HOY! SINONG NAGSABI SAYONG PWEDE MONG SAPAKIN ANG ASAWA KO! AKO LANG MANG MAY KARAPATANG MANAKIT DYAN!" galit kong sigaw kaya napabaling sakin yung atensyon nila. Oh no!

"Hehe! Peace tayo guys! Go lang guys! Ok lang ako di-mmmmm!" biglang may panyong itinapal sa bibig at ilong ko. Gaano ba nakakairita ang boses ko at kailangan pang takpan ng panyong may nakakahilong amoy?

Ang huli kong narinig ay ang pagtawag sa akin ni Cyde at nilamon na ng kadiliman ang aking paligid.

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now