Chapter 71 - The Continuation and 4th Murder

40.4K 870 27
                                    

Someone's POV

Ilang linggong hindi pumasok si Yuki. Akala ko arte-arte lang niya yung sakit ng ulo niya pero hindi. Tatlong linggo na siyang nilalagnat.

Tatlong linggo na rin akong pumapasok sa school kung saan siya nag-aaral at si Riko ang lagi kong kasama. May mga kaibigan rin naman siyang babae pero mas madalas pa rin talaga na si Riko ang kasama ko.

"Yuki! Kamusta?" at eto na nga si Riko. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ayos lang. Ikaw?"

"Kanina nung wala ka pa, sobranglungkot ko pero ngayon na narito ka na at nakangiti pa sakin, kulang ang salitang masaya para ilarawan ang kasiyahan ko ngayon." sabi niya sabay akbay sakin. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko sa aking pisngi. Kuso! Kinikilig ako!!

"Hoy love birds! Malapit ng magsimula ang klase. Baka gusto niyong bilisan sa paglalakad at malelate na tayo!" natawa naman ako sa sinabi ni Hachi na kaibigan ko rin este ni Yuki pala. Tinanggal ko ang pagkaakbay ni Riko at saka inakbayan naman si Hachi.

"Tara na nga. Ano? Paunahan sa classroom?" tumango naman sila kaya ayun na nga't nag-unahan na kami.

Ang saya ng gantong buhay! Sana ako na lang talaga si Yuki... Sana ako na lang yung kaibigan nila... Sana ako na lang talaga yung minamahal niya...ni Riko.

"Uy Yuri! Ang lalim naman ata ng iniisip mo." napalingon ako kay Yuki na nakatingin pala sa akin. Narito na ako sa bahay. Angbilis ng oras noh? Haha

"W-wala. Ah k-kamusta ka na Yuki-chan? Ayos na ba ang kalagayan mo?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango

"Ayos na ayos na ako! Makakapasok na rin ako bukas! Namimiss ko na yung nga kaibigan ko pati na rin si...Riko. "Natigilan ako sa sinabi niya.

"Si R-Riko... gusto mo ba siya?" napaiwas siya ng tingin sa kin pero kita ko ang pamumula ng pisngi niya.

"O-Oo eh... Shet! Kinikilig ako pag naaalala ko yung mga pag-uusap namin!" Ang sakit. Nakakainis!

"Kasi sabi niya hindi daw ako nawawala sa isip niya. Mahal na mahal niya na daw talaga ako at di siya susuko sa akin kahit anong mangyari. Sa paggraduate daw namin, ikakasal kami. Hihihi! Kinikilig ako!" Tss. Napakatanga mo Yuri! Hinayaan mong mahulog ka sa isang taong alam mong pag-aari na ng iyong kapatid. Taong minamahal ang iyong kapatid. Bawat 'Mahal kita Yuki.' lagi mong iniisip na ikaw yun. Yuki nga kasi at hindi Yuri! Ni hindi nga niya alam ang tunay mong pagkatao.

"Natahimik ka Yuri?"

"A-ah wala inaantok na kasi ako Yuki-chan. Oo nga pala, tapos na ang mga assignment mo." patayo na ako ng hawakan ni Yuki ang kamay ko.

"Oo nga pala, maraming salamat sa pagbantay mo kay Riko." Tumango na lang ako at ngumiti saka naglakad na palayo.

Napakasakit! Sobrang sakit! Bakit ba kasi hindi ako pwedeng mamuhay ng normal? Nakakainis naman eh! Ang daya-daya! Ang daya-daya nila! Sana hindi na lang nila ako binuhay kug ganitong klase ng buhay pala ang mararanasan ko!

End if Flashback

Ramdam ko ang muling pagtulo ng aking mga luha. Heto nanaman ako, umiiyak. Umiiyak dahil sa galit, umiiyak dahi sa sakit.

"Empress, your flight will be @ 6 a.m tomorrow. A penthouse of CF Condo in Makati is what we bought and that is where you will be staying for the rest of your stay there." Tumango lang ako at naglakad na pabalik sa mansion.

Vienna's POV

Nandito ako ngayon sa isang abandonadong building. Bakit? For a new mission.

Dito kasi ay may isasagawang pagkakasundo ng dalawang drug lord. Isa sa kanila ay ang target ko.

May suot-suot akong grey na full mask kaya siguradong walang makakakilala sa akin. Nakatago lang ako sa likod ng isang karton na mukhang droga ang laman-laman.

"Agustus! Kamusta amigo?" sinilip ko kung ano na ang nangyayari. Haay salamat! Dumating na rin ang target ko.

"Felipe! Ayos na ayos lang ako amigo! Nakahanda na ba ang pera?" tss. mga mukhang pera!

"Aba'y oo naman! Alipin, ibigay ang pera!" tumango naman yun alipin na tinawag niya. Napangiti ako... It's time!

Third Person's POV

Nabigla ang lahat ng biglang bumagsak ang alipin na tinawag ni Felipe. Maya-maya pa'y isa pang tauhan ni Felipe ang namatay.

"Anong ibig sabihin neto?" galit na tanong ni Felipe.

"Hindi ko a--" hindi na natapos ni Agustus ang kanyang sasabihin sapagkat siya rin ay bumagsak na. May tama siya ng bala sa kanyang noo.

"Hanapin ninyo kung saan nanggagaling ang bala!" galit na utos ni Felipe. Nataranta naman ang kanyang nga tauhan at kanya-kanyang nagsilabasan ng baril at nagpaputok lung saan-saan. Ngunit hindi pa rin nila nahahanap kung sino ang nagpapaulan ng bala.

Sa kabilang banda, pigil na pigil ni Vienna ang kanyang pagtawa. Napakatanga naman nila-Vienna

Unti-unti ng nauubos ang tauhan ni Felipe kaya naman napagpasyahan na nitong tumakas.

Psh! Duwag! Akala mo makaatakas ka?- Vienna

Lalong binilisan ni Vienna ang pamamaril sa mga tauhan ni Felipe at saka ito sinundan.

"At saan ka naman pupunta Felipe? Bakit di mo samahan ang iyong mga tauhan sa inpyerni? Haaha!"Nang-aasar na wika bi Vienna kay Felipe.

"Sino ka?" napairap si Vienna sa tanong ni Felipe

"Hindi ako sinuka ng nanay ko, iniri ako! Hahaha biro lang! Tumawa ka! Last mo na eh!"

"Wala akong oras para sayo!"

"Ganun ba? Edi wala rin akong oras para bigyan ka pa ng pagkakataon na mabuhay." and with that, binaril na siya ni Vienna una sa ulo, sa dibdib, at sa iba pang parte ng katawan niya.

Masyado niyang inuubos ang pasensya ko! Haay sayang di man lang ako nakapagpakilala!-Vienna.

She's Owned by The Mafia's EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon