Chapter 18 - Clinic Chat

80.4K 2K 91
                                    

Narating namin yung clinic agad kasi malapit lang ito mula sa pinasukan naming main door.

Kumpleto sa gamit ang clinic nila ah. Tinalo pa nila yung public hospital na pinagpapagamutan kayla lola. Oo nga pala, nagtext sakin kanina si Marikit at sabi niya inilipat na daw ng hospital si lola. Mabuti daw ang lagay nila doon. Nakapagpacheck up na rin daw si lolo at hindi naman daw lumala yung sakit niya pero hindi pa rin daw ito gumagaling kaya naman patuloy pa rin yung paginom niya ng gamot. Salamat sa Diyos at maayos naman ang lagay nila!

"Why are you smiling?" napalingon ako sa nagsalita.

"Masyado ka bang kinilig sa pagbuhat ko kanina?" nakangisi niyang tanong. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Sinong nagsabi sa kanya na kinikilig ako kanina? Secret lang dapat yun eh!

"Hindi ako kinilig. Naalala ko lang yung pamilya ko. Psh. Conceited gorilla!" singhal ko sa kanya.

"Bakit kasi hindi mo na lang aminin na may gusto ka sa kin?" naka ngisi pa rin siya.

"Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin na masyado akong maganda para magkagusto sa isang gorilla na katulad mo? " nginitian ko siya ng katamis-tamis. May sasabihin pa sana siya ng may dumating na isang bavae na mukhang nasa 40s na ang edad pero kahit ganun ay di maikakaila na maganda pa rin siya.

"I'm sorry to keep you waiting Emperor." she said while smiling. Napatingin siya sa akin at medyo kumunot yung noo niya.

"Yuki-chan? " huh? Sinong Yuki-Chan?

"Ahh hindi po ako si Yuki-chan. Ako po si Vienna." sabi ko. Medyo umiling siya tapos nginitian ako kahit halatang medyo ilang pa rin siya.

"Sorry ah. You really look like my deceased friend." nginitian ko siya.

"Ok lang po yun. Hehe!" sabi ko na lang. Ngumiti siya tapos bigla siyang napatingin sa paa ko.

"Ayy sorry muntik ko pang makalimutan kung bakit nga ba ako nandito. Hehehe!" sabi niya tapos kinuha niya na yung first aid kit at sinimulan na ang paggamot sa sugat ko. Hindi naman daw masyadong malalim pero baka daw ma inpeksyon kaya pinainum niya ako ng gamot.

Di ko alam kung bakit pero ang komportable na pakiramdam ko sa kanya.

She's Owned by The Mafia's EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon