Chapter 48-Jealous Misis

59.3K 1.3K 44
                                    

Vienna's POV

"Ate pabili po ng mamon." oh wag kayo! Magalang ako ngayon. Bakit? La lang. Trip ko lang. Inggit ka? Gaya ka.

Oo nga pala, mayroon akong ipapangako dahil na rin ako ay magiging ina na.

Ehem.Ehem. Makinig kayo ah! Seryoso ako!

Ehem!

Ako si Vienna San Jose Feronto ay nangangakong hindi na magmumura na direkta. Kahit mahirap ay gagawin ko.

Oo. Magiging mabuting halimbawa na ako sa mga mamamayan.

Ngunit teka lang! Kayanin ko kaya?

Ah basta! It depends on the situation.

Asan ako? Nasa puso ni Cyde!

Wooooh! Ang corny ko ba? Wala kayong pake! Kung gusto niyo gumawa kayo ng sarili niyong kacornihan!

Oh hindi na! Seryoso na talaga ako!

Ehem!

Nandito ako sa cafeteria ng JIU. May pasok kami ngayon. Midterms na rin kasi next week kaya aral-aral din diba.

Si Brent at John ay nauna na sa table. Mga ganid! Patay-gutom! Dinaig pa ang preggy na tulad ko eh.

Habang naglalakad ako papunta sa table ay mayroon akong nakitang masakit sa mata.

Pusang gala! Si Cyde!! May kausap na babaeng morena pero sexy tapos ang laki ng boobs niya! Mas malaki pa kaysa sa akin! Oh damn!

Saktong nakita ko yung kablock mate namin na umamin na may gusto sa akin na padaan sa kanila.

Lumapit ako sa kanya yung tipong halos katabi lang namin sina Cyde.

"Joseph?" kunwaring gulat na tawag ko sa kanya.

"Oh Vienna! Ikaw pala. Kamusta ka na? Lalo kang gumaganda ah!" napangiti ako sa sinabi niya. Mr.Bolero talaga siya.Tsk.

"Hahaha!Well, ano pa nga bang aasahan mo sa isang Vienna San Jose?"

"Feronto. Vienna San Jose Feronto." inakbayan ako ni Cyde. Napailing na lang si Joseph at nagpaalam.

"Oh? Buti naman naalala mong may asawa ka! Tapos ka na bang mambabae?" nakangiti ko pang tanong sa kanya.

"What?" kunot noo niyang tanong.

"Ang sabi ko may parada ng malalanding binge na mahilig sa watermelons sa kanto at kasali ka. Tse!"

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now