Chapter 4 - The Big Show

116K 3.1K 279
                                    

Nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa pinto ng cr. Nakababad pa pala ako sa bath tub.

"Ma'am Vienna, oras na po para ayusan ka." Rinig kong sigaw nung kumatok. Tumayo na rin ako at pumunta sa tapat ng shower.

"Sige anlaw lang ako saglit.
" sagot ko at sinimulan ng mag-anlaw. Binilisan ko lang saka  isnuot yung roba ma iniabot sa akin kanina at lumabas na rin. Bumungad sa akin ang tatlong babae na nakangiti.

"Kami po ang mag-aayos sa iyo. Ito po yung damit na isusuot niyo ngayong gabi" pinaupo nila ako sa isang upuan na katapat ng salamin. Yung isang babae ay inaayos ang buhok tapos yung isa naman ay minamanicure ang kamay ko. Yung babaeng nagsalita kanina yung naglalagay ng make-up sa mukha ko. Sinusunod ko lang sila the whole time kaya hindi gaanong natagalan. Kinulot lang yung dulo ng buhok ko kaya mabilis lang yung sa buhok. Tapos na rin yung make-up ko pati manicure. Inabot sa akin nung isang babae ang isang kumikinang na peach evening gown. Halos malaglag ang panga ko sa sobrang ganda nito.

Tinulungan nila akong isuot iyon at pati na ring sapatos na may heels. Di na gaanong bago sakin ang heels dahil naging sales lady na ako dati sa isamg mall. Inayos na nila ulit amg itsura at saka ako hinarap sa salamin.

Ako ba 'to?

Akalain mong msy igaganda pa pala ako! Hahaha!

"PERFECTO!" Napalingon ako sa sumigaw nun. Si Mama Felipa pala. Lumapit siya sa akin inikutan ako na parang sinusuring mabuti.

"Oh..pak na.pak! Siguradong malaking pera ito! Napakaganda mo talaga ija!" Ngumiti ako at nagpasalamat sa kanya.

"Aigoo..halika na at naghihintay na ang salapi sa The Big Show." Tumango at sumunod sa kanya. Sumakay kami sa elevator at ako ngayon ay sobrang kinakabahan. Grabe ang tibok mg puso ko!

Nagulat ako ng biglang may inilabas na card si Mama Felipa.at itinapat doon sa red light na mahaba. Nagulat ako ng naramdaman kong lagpas na sa ground floor yung elevator.

"Lumagpas na po tayo sa ground floor." Sabi ko. Ngumiti siya at saka ipinaliwanag kung bakit."Ang The Big Show ay sekreto lang kaya ginaganap ito sa tagong lugar. Illegal kasi ito my dear. Members lang ang maaaring makapunta dito. Yung mga members ay may membership cards na nagsisilbing pass para makapunta dito. Worth 500,000 pesos ito at valid for one year only so that means isang big show lang. Halika na." Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Isang malaking gold na pinto ang sumalubong sa akin. Akala.ko dun kami papasok pero pumasok kami sa isang maliit na pinto sa right side. Pagpasok namin dun ay nakita ko ang ilan pang babaeng magaganda at sexy. Yung iba nakatingin sa aking ng masama. Mga insecure lang sila.

"Oh eto oh.." may inabot sa akin si Mama Felipa na parang bilog na folder na may nakasulat na #1. "Para saan ito? #1 ako? Ako una?" Nakakunot na noo kong tanong.

"Hindi! Ikaw ang pinaka huling rarampa dahil ikaw ang pinakamaganda. Ikaw ang star of tonight! " nagtataka ako pero tumango na lang ako.

" Good evening everyone! I am your bid master for this year's most awaited event, The Big Show!" Narinig kong masayang bati ng isang lalaki gamit ang mic. So magsisimula na?

"So are you ready to see hot hot hot HOT LADIES ?" Narinig ko naman ang yes na sigaw ng audience. "Are your moneys ready to bid for them?" Pagpapatuloy nung lalaki. Nagsigawan naman ng yes ulit ang mga audience. Palibhasa mayayaman!

"And so let's not wait any longer and start with..." so ayun na nga at nagsimula na. Napabuntong hininga ako at tumingin sa salamin.

"Kaya mo to Vienna! Para kayna lolo at lola.. AJA!" Bulong ko sa repleksyon ko sa salamin.

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now