Chapter 58- Where's my Baby?

52.9K 1.1K 53
                                    

Vienna's POV

"Mommy! Habulin mo ako!" tawag sa kin ng isang bata na palagay ko ay tatlong taong gulang na. Hindi ko makitang mabuti ang kanyang mukha.

"Mommy, tayo ka na po diyan tas habulin niyo po ako please mommy! Laro po tayo ng langit at lupa." pagpupumilit niya sakin. Ngumiti naman ako at tumayo na.

"Sige baby, hahabulin ka ni mommy kaya tumakbo ka na ah." sabi ko. Tumakbo naman siya at agad ko siyang hinabol. Masaya lang kaming naghahabulan nang bigla siyang tumigil at pinatigil ako.

"Mommy, di mo na po ako matataya kasi nasa langit na po ako eh. Kayo po nasa lupa po.. Kayo na lang po ang maghabulan ni daddy. Nandiyan na po siya oh." napalingon ako dun sa tinuro ng anak ko. "Vienna!" si Cyde pala ito. Kumaway ako sa kaniya at tiningnan ko ulit yung anak ko pero nawala siya doon sa pwesto niya.

"Anak? Anak ko? Asan ka na?" sinubukan ko siyang hanapin kung saan-saan.

"Anak!Where are you baby?" sigaw ko pa.

"Anaak!!!"

"VIENNA!!" napabalikwas ako sa pagkarinig ng boses ni Marikit. Agad ko siyang niyakap na mahigpit.

"Nanaginip ako.. Nawawala daw yung anak ko eh hindi pa nga lumalabas sa tiyan ko eh. Grabe nakakatakot." pagkwekwento ko sa kanya. Napayuko naman siya sa di ko alam kung bakit. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Puro puti halos.. Teka nasa hospital ako?

Pilit kong inalala ang mga nangyari..

"Asan si Cyde?" tanong ko kay Marikit.

"Kinakausap siya nung doctor." tumango na lang ako sa sinabi niya.

Napahawak naman ako sa tiyan ko.

Bakit parang lumiit itong tiyan ko?

"M-Marikit..." tumingin naman siya sakin.

"B-Bakit lumiit ata ang tiyan ko? Malaki to diba? Haha!" alangan kong tanong sa kanya. Umiwas lang siya ng tingin.

"K-kamusta daw ang baby ko? Haha! Imposible naman sigurong nakunan ako diba?" pinipigil ko ang mga luha na nagbabanta ng lumabas sa aking mga mata.

"Vienna..... Wala na ang baby niyo. "

"Hahahaha! Wag ka namang magbiro ng ganyan Marikit! Promise mapapatay kita talaga pag inulit mo pa yang joke na yan."

"Pero Vienna, seryoso ako. Bumitaw ang baby niyo. Kaya lumiit rin yang tiyan mo. Wala na siya, Vienna." ulit pa niya kaya hinampas ko siya ng unan.

"Hindi! Hindi pwede! Hindi pwedeng mamatay ang anak ko! Hindi pwede!" sabi ko habang hinahampas pa rin siya. Napatigil ako ng biglang may yumakap sa kin at pagtingin ko kung sino ito ay mas lalo akong naiyak.

"Cyde...yung anak natin..." nakita kong tumulo na rin ang mga luha niya.

"I'm sorry, Vienna. Our baby is gone..." he whispered and then hugged me tighter. Masakit! Masakit mawalan ng anak! Sa sobrang sakit ay gusto kong pumatay! Gusto kong gumanti! Gusto kong patayin ang taong iyon. Siya ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko! Siya ang dahilan!

Gaganti ako! Papatayin ko siya! Pero bago yun, papatayin ko muna ang mga taong importante sa kanya. At walang makakapigil sakin, kahit si Cyde pa...

Papatayin ko siya... Papatayin kita kahit ang alam nila ay matagal ka ng patay.

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now