Chapter 78

35.6K 782 132
                                    

Vienna/Yurika's POV

Matapos ang ilang buwan ay tuluyan na rin akong gumaling. Yung mga sugat ko, I mean. Nakakagalaw na rin ako ng maayos. Bumalik na yung lakas ng katawan ko at ngayon ay nakakapagtraining na ako.

Wala pa rin akong maalala sa kung anong nangyari sa akin o kung sino talaga ako. I know that I shouldn't have any doubts on what my mother told me but there's a part of me that doesn't want to fully trust her. Specially when she mention his name.

"Hi babe!" Napalingon ako kay Gino na naglalakad ngayon papunta sa akin habang may hawak na towel at tubig. I smiled at him.

"Hello babe!" Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa labi pero smack lang.

"Pawis na pawis ang baby ko oh grabe!" Nakangiting sabi niya habang pinupunasan ako.

"Ang sweet naman ng tatay ko! Hahahahah!" Pabiro kong sabi sa kanya. Tumigil naman siya at tinignan ako ng masama.

"ANONG TATAY?" Natawa naman ako sa reaksyon niya. Ikinawit ko yung braso ko sa batok niya at saka siya hinalikan.

"Tatay ng magiging anak ko..." sabi ko tapos lumayo na sa kanya uminom ng tubig. Natawa naman ako sa itsura niya hahahhaha! Pulang-pula eh! Lalo na yung tenga niya hahaha!

"Kilig ka nanaman sakin babe hahaha" para naman siyang bumalik sa mundo hahaha! Mukha siyang tanga!

"Mukhang nagkakasiyahan kayo dito anak ah." Napalingon kami doon sa nagsalita.

"Mom!" Lumapit ako sa kanya at nagbeso. Lumapit din sa kanya si Gino at nakipagbeso.

"Kamusta po tita? Napabisita po kayo?" Magalang na sabi sa kanya ni Gino. Marahang pinalo siya ni mom at tumawa.

"Ikaw naman ijo! Ikakasal na rin naman kayo ni Yurika." Napakamot naman ng batok si Gino at natawa naman ako sa reaksyon niya. Oo, ikakasal na kami Gino at next week na iyon. Sabi ni mom pati na rin ni Gino ay matagal ng nakaplano ang kasal namin. Kasal na sana kami ngayon at kasama sana namin ang anak namin kung hindi lang nangyari yun. Kundi lang sana nanggulo si Cyde Feronto.

Tss. Eto na naman yung weird feeling na ito. Sa tuwing naiisip ko yung lalaking iyon ay parang kakaiba talaga yung nararamdaman ko. Iba rin ang pintig ng puso ko..

I shrugged at that thought. I shouldn't think anything like that. Si Gino ang mahal ko at siya ang pakakasalan ko. Si Gino lang ang laman ng puso ko.

Siya nga lang ba?

Ay! Ano ba tong mga pinag-iisip ko?

"Babe are you ok?" Napatingin ako kay Gino naa halatang nag-aalala.

Ikaw nga ba talaga ang mahal ko Gino? Bakit hindi ko maramdaman?

Tumango ako at ngumiti. Nagyaya na akong kumain kasi gutom na rin naman ako.

Kailangan kong kalimutan tong mga pinag-iiisip ko.

Cyde's POV

Nandito kami ngayon ni ate sa Japan. Sabi niya ay nandito lang ang mga angkan ng Takamoto at ang pinaka teritoryo nila. Kaya lang ilng buwan na rin kaming naghahanap pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahanap. Napag-alaman kong si ate ay parte ng Takahashi Clan ang rival clan ng Takamoto Clan. The true father of Vie--Yurika is from that Clan. Ang gulo naman pala ng buhay niya.

"Fuck!" Napatingin ako kay ate na biglang napamura.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa kin at umiling.

"You don't need to know. Anyway, let's go. We're going to meet someone that will help us." Tumango na lang ako at sumunod na sa kanya. Lagi na lang ganyan after talking on the phone. She is really weird. Ate ko ba talaga to?

"C-Cyde?" Nilingon ko yung tumawag sa kin na dapat hindi ko na lang pala ginawa. Tangna!

"Ikaw nga! Cyde!" Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Damn! Agad akong pumalag sa yakap niya at bahagyang lumayo. Halata namang nasaktan siya pero wala aking pake.

"What are you doing here?" Tanong niya habang nakangiti.

"It's none of your business, Rica." I answered her coldly. Napatingin naman siya kay ate tapos nanlaki ang mata niya.

"Stop that! Mukha kang tarsier." Inis na sabi ni ate.

"B-Black Mamba?? Ikaw yung pinakamalakas na mafia reaper-slash-assassin ng Takahashi Clan hindi ba?" Manghang sabi ni Rica. Napairap naman si ate.

"Yes, so shut the fuck up and leave my brother alone,you whore!" Hinatak na ako ni ate papunta sa kung sa parking lot tapos sumakay na kami sa kotse.

Si ate ang nagmaneho kaya mabilis kaming nakarating sa dapat naming puntahan.

Isang malaking palasyo ang bumungad sa amin. Yung parang ancient japanese palace. Basta ayun na yun! Wala akong alam tungkol sa mga hapon eh.

"Let's go." Sumunod lang ako kay ate. Napakaraming armadong lalaki rin dito na bumabati kay ate. Puro tango lang ang ibinibigay ni ate sa mga ito. Bakit napakasungit ni ate? Haist!

Matagal-tagal ring kaming naglakad hanggang sa nakarating kami sa isang building. This time modernized na building na ito. Black na building na napapalibutan rin nga armadong lalaki na Hapon. Pumasok kami ni ate sa loob ng building at saka sumakay sa elevator.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa pinakataas. 30th floor to be exact.

Paglabas namin doon ay bumugad sa akin ang napakalawak na kwarto. Doon sa dulo ng kwarto ay may malaking lamesa at naroroon ang isang lalaking mukhang kasing edad na ni lolo. Naglakad kami palapit sa kanya at naupo doon sa upuan.

"So you are Cyde Feronto,the husband of Vienna San Jose or should I say, Yurika Takamoto Takahashi?" Tanong nito sa akin. Tumango naman ako.

"Bakit hindi ka magmano sa akin? You are my grandson-in-law." Nanlaki ang mata ko. S-siya ang lolo ni Vienna? Pero teka? Grandson-in-law??

"Don't worry Mr.Feronto. I know that you love my granddaughter and she feels the same way for you. I am not against you. I am not like her pathetic psycho mother and grandfather. Hahahaha! I will help you Feronto." He will help me? Tama nga ang lola-lolahan ni Vienna. Mr.Takahashi is a good and loving man. Oo nakapag-usap na kami ng mga tinuring na grandparents ni Vienna at marami akong nalaman tungkol sa kaniya. At sa mga nalaman ko, alam kong wala sa mabuting lagay ang asawa ko.

**********************************************************************************

A/N: Next update na po yung flashback. Yung pag-uusap po nina Cyde saka kung lolo at lola ni Vienna/Yurika.

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now