Chapter 68 -Kenji?

44.3K 987 27
                                    

Vienna's POV

Kasalukuyan kaming nakaupo sa waiting area nitong airport. Hinihintay namin yung private plane nina Cyde. Pauwi na kami ng Pilipinas ngayon kasi nga marami pa kamimg aasikasuhin saka isa pa, hindi ko pa nauubos ang angkan nung Ria na yun.

"Honeybabe, do you want to eat first? The plane will land for some time later so I guess we should take our lunch first. There's a cafeteria not so far from here." Sakto! Nagugutom na rin kasi talaga ako. Tumango ako saka tumayo. Magkahawak kamay kaming naglakad tungo sa cafeteria na sinasabi niya. Well, tama nga siya. Malapit lang! Buti naman!

Naghanap na ako ng mauupuan namin at siya naman ay bumili na ng pagkain.

Nubayan! Puno na lahat!

"Ehem, Ms.? You may sit here." Napatingin ako sa lalaking mukhang hapon na gwapo na nagsalita sa gilid ko. Nag-iisa lang siya sa lamesa at may apat na upuan nito. Baka naman may kasama to.

"I have someone with me. No one sits on those three chairs?" I asked. He smiled and nodded. I smiled and took the seat across him.

"I am actually alone and besides, I'm almost done. I'm Kenji Watabe, anyway. You?" Kenji Watabe? That sounds familiar.

"I'm Vienna Feronto."

"And I'm Cyde Feronto, her HUSBAND." nabigla ako ng biglang may nagbaba ng tray sa table at nagsalita. Hahaha! My ever possessive husband!

"I'm Kenji Watabe. It's nice to meet you both! I gotta go. Hope to see you again." Kenji said while smiling. Nilingon ko naman ang katabi ko nang marinig kong bumulong ito.

"I'll kill you when I see you." natawa na lang ako sa sinabi ni Cyde.

"Why are you laughing?" nakakunot noong tanong ni Cyde.

"Ang seloso mo kasi eh hahaha! Kumain ka na nga!" sabi ko sabay subo sa kanya ng kutsara. Huehuehue! Ang cute talaga ng asawa ko!

Kenji's POV

Vienna? Is that really your name? Tss.

It's been what? 15 years? Yeah right, 15 years since we got seperated. Why can't I remove you in my memories?

flashback

"Mimi, name?" tanong ng isang maliit ngunit magandang bata sa kanyang mama, si tita Yuki. Hindi ko siya totoong tiyahin ah. Yun lang ang tawag ko sa kanya.

"He's Kenji, hime." ngumiti naman ako at lumapit sa bata. Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Hi Jiji! Ako, Yuwika!" nakangiti niyang bati sakin. Di ko alam pero kahit 8 taon pa lang ako ay parang bumilis na ang tibok ng puso ko. Ano to? Bakit ganto?

"Yurika, Kenji. Ken-ji!" pag-uulit ko sa kanya. Umiling-iling siya ng mabilis.

"No! Jiji! Yuwika will call you Jiji! Okie?" itinaas niya pa ang kanyang maliit na thumb kaya napangiti ako at ginaya siya.

"Hihihi! We're fwends na ah! Let's lawo na! You aw my pwince and I am youw pwincess!" she said in a jolly manner. I nodded and hold her little soft hand.

"Someday, I will be a queen and you will be my king!hihihi!" she said then kissed me on my cheeks! What the fudgee bar! Ang bata ko pa para kiligin ah!

flashback ends

Many years ago, I loved a girl named Yurika. Funny, I was only 8 and she was only 4 back then but I fell for her. Actually, I never stopped loving her. Until now, she is what I am searching for. We made a promise back then that I would be his king and she would be my queen. We were very happy but then something bad happened that seperated us.

I thought you were dead.

Allenor is correct then. You are alive. Thanks God you're alive!

She's Owned by The Mafia's EmperorWhere stories live. Discover now