BOOK 4 > Ch. 17~ THE PARAMOUR'S NOTES~

8.4K 268 38
                                    


A/N: MATURE CONTENTS. YOU'VE BEEN WARNED.







i...







I hope someday you can

Find some way to understand

I'm only doing this for you

I don't really wanna go

But deep in my soul I know

This is the kindest thing to do


Can't find someone

Who'll be the one that I could never be

And give you something better

Than the love you find with me

Oh, I could say that I'll be all you need

But that would be a lie

I know I'll only hurt you, I know I'll only make you cry

I'm not the one you're needing, I love you goodbye




" Baby, last night I was just thinking. Bakit hindi na lang tayo mag-migrate sa London for good? Duon ko na lang itutuloy and Chemotherapy ko. Tutal, andun na rin lahat ng mga kapatid ko. Yung house namen sa Cebu ibebenta ko na kase 'yun. I don't want to go back there anymore. So maybe after the wedding, we can go straight to London? What do you think? "




Pumapa-ere ang kanta ni Nina habang kaslukuyang binabagtas ni Lebanon at Taygan ang daan papuntang mall. Naimbitahan sila sa nalalapit na kasal ni Matt at ni Nadia. Naisip ni Taygan na magpasama kay Lebanon para bumili ng wedding gift. Nang tingnan ni Taygan ang katabi na nasa likod ng driving wheel ay agad niyang narealize na ni isang salita ay hindi narinig ng binata. Nawala ang excitement at ngiti sa mukha ni Taygan. Damnit, he's ignoring her again. Yung totoo? Nakakapagod na. Nakakapagod ng makipag-habulan sa lalaking niliwanag sa kanyang walang aasahan sa kanya. Na ang pagpayag nitong pagpapakasal sa kanya ay dahil sa may pinagsamahan sila bilang magkasintahan. Kung hindi pa ito pinakiusapan ng kanyang pamilya, Taygan knew that Lebanon wouldn't be moved. Hindi ang klase nito ang magpapanipula. At malamang, kung wala lang siyang sakit, ipupusta niyang baka kasuklaman lang siya ng lalake. Taygan needed to go out of norms and bend her beliefs for Lebanon to marry her. Masyado na siyang nababagalan sa itinatakbo ng sitwasyon. She needed to find a way to pull him to a wedlock as soon as possible. Mashadong matagal ang two months. Hindi niya alam kung papaano paparaanan ang makasal sila ni Lebanon agad-agad. Lalo na't parang kahit anong gawin niya'y hindi pa rin matanggal sa buhay nila ang babaeng kinalolokohan nito? She can't be fooled! Anniversary nila nung isang araw. Nawala na lang itong parang bula. Nang itanong niya sa tauhan nito sa Agency nung bisitahin niya sa private office nito nung isang araw, malaman laman niyang nag book ito ng flight papuntang Bacolod? Bacolod?! Sa tinagal ng pinagsamahan nila ng binata ay wala siyang alam na may kamag-anak ito sa Bacolod! Deep down, alam ni Taygan na hindi pa rin tapos ang ugnayan ni Lebanon at ng kalaguyo nito. For crying out loud, ikakasal na sila in two months! Taygan thought that she needed to move quickly. Lalo na at nung isang araw lang ng pasikreto niyang kalkalin ang wallet ni Lebanon ay may na-diskubre siya.

" Love Untitled " ~ Secrets And Scandals ~ BOOK FOUR #Wattys2016Where stories live. Discover now