Chapter 38

908 30 2
                                    

ASH’S POV

Nasa ER siya ngayon at hinhintay na lang namin na lumabas ang doktor... Lahat kami tuliro. Si red nakatulala lang habang nakaupo, halatang nagaalala siya para sa bunso niyang kapatid. Andito na rin sila Kiel at Kate...

Hindi ko alam pero kanina pa ako kinakabahan... UGH! Ang tagal naman nung doktor... hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas halos magiisang oras na.

Naptayo na kaming lahat nung dumating yung doktor at nagkumpulan kami sa harap niya...

“Ahmm... ako po pala ang personal doctor ni Ms. Ricafuente. Buti at dito niyo po siya nadala. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa and I guess you have to know all about her disease.”

“Po?” Red

“Matagal ko ng sinabing may sakit siya, actually... may taning na ang buhay niya kaya gusto ko malaman niyong lahat to. Lahat kayong malapit sa pasyente. May cancer siya at kumalat na yun sa katawan niya... pero may isa pang chance, maliit na chance para mabuhay siya...”

Prang literal na huminto ang mundo ko... lahat kami napatulala at ang mama niya humagul-gol sa iyak. Eto ba ang dahilan Angelica?

“Gusto ko sanang mapilit niyo ang pasyenteng magundergo ng surgery. I don’t know what’s stopping her to undergo the surgery... pero siguro makukumbinsi niyo siyang lahat. Kailangan magtake ng risk. Maliit lang ang chansang makasurvive siya pero kung lalaban siya baka maging successful ang operation. Pumunta na lang kayo sa office kung magpapaappointment na kaya, hinatyin muna nating magising ang pasyente.”

Napaupo na lang ako sa sahig... habang tahimik na umiiyak at nakayuko...

Bakit kailangan mong ilihim sa akin to? Wala ka ba talaga tiwala sa akin?

Ang bobo ko para hindi ko mahalatang may sakit ka na pala... naiinis ako sa sarili ko. Sana inalagaan kita ng mabuti edi sana hindi ka nagkaroon ng sakit. AAAAAAAAAHHHH! Gusto kong manuntok, gusto kong magpakalasing ... gusto kong manira ng mga bagay pero alam kong walang mangyayari kung gagawin ko yun.

Gumaling ka lang... gagawin ko ang lahat. Gumaling ka lang...

2 araw na siyang natutulog at hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising, nalipat na pala siya sa isang malaking room. (--) para lahat kami magkasya...

4 na pamilya ba naman ang andito para bantayan siya? Sa tingin niyo magkakasya sa isang normal na kwarto. Buti nga pinapayagan kami nung hospital na napakadami namin dito, kung sabagay maimpluwensya lahat ng pamilyang andito. Psh (--)

“Oh my gosh! Gising na siya... Honey! Si Princess gising na!”

Lahat kami nagsilapitan sa kanya... aish. Nakipagsik-sikan ako para mapunta sa harap ... bakit ba kasi lahat sila umuwi. (--) Opo lahat sila iniwan ang kanya-kanyang mga trabaho mabisita lang tong tomboy na to. Di ko tuloy masosolo (--)

“B-Bakit kayo andito?”

“Princess...”

Wala ng nagsasalita... lahat umiiyak na... syempre pwera kaming 3 nila Red at kiel (--) kakahiya eh... hmpft. Bigla iyang tumingin sa kabilang dako at napansin kong may tumulong luha mula sa mata niya... nasasaktan si Angelica.

“So alam niyo na pala... *insert pilit na tawa* Oh andito na pala kayo lahat, ok yan atleast pagbinurol ako andito na kayong lahat.”

“PAULINE ANGELICA!”

Sobrang lakas ng sigaw ng mommy niya... maski siya nagulat sa sinabi ni Angelica. Bwisit na tomboy to, sabi ko hindi ako iiyak... yan tuloy may kumawalang luha sa mata ko.

EXPECT the UNEXPECTED (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora