Chapter 21

714 31 0
                                    

CHAPTER 21

RED’S POV

Hindi ko sinadyang saktan siya...

Pero kung papatagalin ko pa ... maslalo lang siyang masasaktan.

Ang sakit makita na yung mahalagang tao para sayo eh nasasaktan ng dahil sayo, pero wala kang magawa...

Parang dinudurog ang puso ko...

Sabi ko proprotektahan ko siya ...

Pero ngayon...

Ako pa ang nanakit sa kanya...

Sinubukan ko siyang lapitan... pero ... alam ko hindi ako ang kailangan niya ngayon.

“Sundan mo siya...”

Alam ko kanina pa nakikinig sa amin si Ash... alam kong sinundan niya si Angelica habang papunta dito... at alam kong isa din siya sa nasasaktan ngayon.

Lumabas siya mula sa pinagtataguan niya kanina, halata ang galit sa kanyang mata... hindi ko siya masisisi...

*Boogsh*

“BAKIT MO YUN GINAWA! AKALA KO BA HINDI MO SIYA SASAKTAN”

Yung suntok na yun ang naggising sa akin... pero para akong namanhid, hindi man lang ako nasaktan sa suntok... wala pa to kung tutuusin sa sakit na matatanggap ni Angelica ng dahil sa akin...

“Mahal mo siya di ba... pwes ngayon, ito na pagkakataon mo *Smirk*”

“SINAYANG MO LANG ANG PAGKAKATAON RED!”

“Di ba dapat masaya ka pa ngayon... sundan mo na lang siya.”

“SIMULA NGAYON HINDI KO NA HAHAYAANG MAKALAPIT KA PA SA KANYA”

“Hindi mo yan magagawa, sinisigurado ko sayo...”

Maiintindihan mo rin ako...

Baka nga pasalamatan mo pa ako pag dating ng panahon, Ash.

Maswerte ka... dahil kahit anong gawin ng iba...

Sayo pa rin mapupunta ang isa sa pinakamahalagang babae para sa akin.

ASH’S POV

Nakita ko na siyang umiyak dati...

At nakikita ko nanaman siyang umiiyak ngayon... nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan...

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit eto ang nararamdaman ko... eto na ang oras...

Oras na para ako naman ang magpatahan sa kanya...

Na ako naman ang magalaga sa kanya...

Hindi ko na kakayaning masaktan pa siya... at umiyak ng ganito.

Sinusundan ko lang siya ngayon, mukha siyang lutang at patuloy siyang umiiyak. Ang sakit na makita siyang nasasaktan...

Sinundan ko lang siya... hanggang sa bumaba siya at pumunta sa isang bar. Hindi niya pa rin napapansing andito lang ako na nakasunod sa kanya at tinitignan siya sa may malayo...

Umupo lang siya at umorder ng ... hindi ko masyadong makita kung ano inorder dahil sa ilaw na rin... pero sunod-sunod niya yung ininom...

Baliw ba tong barista na to... hindi man lang nahalatang minor pa lang si Angelica. Aish. Ang dami na niyang naiinom pero hindi ko alam kung paano ako lalapit sa kanya... alam ko kailangan niyang mapagisa ngayon pero... ayokong nakikita siyang ganyan... MISERABLE.

Nung napansin kong madami ng lumalapit sa kanyang lalake ngayon... nakalimutan ko, nakadress siya ngayon so mukha talaga siyang babae kaya hindi ako magtataka kung may asungot na umaaligid sa kanya...

Unti-unti akong lumapit sa kanya...

At nung nasa harap na niya ako... kinuha ko agad ang iniinom niya at inilayo ito sa kanya ...

“Bakit ka andito...”

Mahahalata mong umiiyak siya dahil sa boses na yun at napakalamig ng boses niya... parang hindi siya si Angelica.

“Iuuwi na kita...”

“Masaya ka na ba? Na nakikita akong ganito... di ba natutuwa ka kapag nasasaktan mo ako... Haha. Ngayon... sabihin mo masaya bang makitang nasasaktan ako?”

Hindi ko alam pero parang sinaksak ang puso ko dahil sa sinabi niya... hindi niya ba alam na nasasaktan din ako ngayon... na kung pwee lang sapakin ng sapakin si Red eh ginawa ko na...

“Sa tingin mo ba talaga sasaya ako kung nakikita kitang ganyan...HUH! Oo, sige ako lagi mong kaasaran... ako laging nangiinis sayo... pero tae naman... hindi ko naman hihilingin na masaktan ka ng ganyan... God knows... kung gaano din ako nasasaktan ngayon... dahil ganyan ka.”

Pero nagulat na lang ako ng bigla siyang yumakap siya bigla sa akin...

“Ang sakit... Ash... *Hik* ang sakit... hindi ko alam kung anong gagawin ko para mawala ang sakit *Hik...”

“Shhhh....”

“Ash... *Hik* bakit ganito... ngayon lang ako nagmahal *Hik* pero sa taong hindi pa ako mahal... *Hik* Sabihin mo nga mahirap ba akong mahalin? *Hik*”

“Hindi ka mahirap mahalin, sadyang bobo lang yung pinili mong mahalain.”

Ang bobo niya kasi pinakawalan ka niya... Ang bobo niya kasi hindi niya nakita ang halaga mo... Ang bobo niya kasi hindi ka niya mahal...

At ang bobo kasi ngayon ko lang nalaman na mahal na pala kita...

Kung kelan nasaktan ka na...

Edi sana noon pa lang nalayo na kita sa kanya...

Edi sana... ako na lang ang minahal mo.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganung posisyon, umiiyak lang siya habang yakap-yakap ako at nakasubsob lang ang mukha niya sa dibdib ko... hanggang sa mawalan siya ng malay...

Kaya ang ginawa ko na lang ay inuwi siya sa bahay nila, andun naman ang kuya niya...

“Anong nangyari?”

“Ayokong maging chismoso...”

“Dahil ba kay Red?”

“Pano mo nalaman...”

“Alam ko na sa una pa lang, masasaktan na siya kay Red...”

“Sana nung una pa lang din ... nilayo mo na siya.”

“Bakit gusto mo bang ilayo ko siya sa inyo... sabihin mo lang.”

Napatigil ako sa huli niyang sinabi... ayokong makita siyang lumalayo sa amin... sa akin. Lalo pa’t alam ko na kung anong nararamdaman ko para sa kanya...

Hindi ko na hahayaang may makasakit pa sa kanya...

At sisiguraduhin kong nasa tabi niya lang ako...

Hanggat kailangan niya ako...

EXPECT the UNEXPECTED (COMPLETED)Where stories live. Discover now